Ezekiel Leonardo's PoV
'Dansel let me kiss you'
Napaawang yung bibig ko dahil tumango si Dansel .
Lumapit ako ng lumapit at malapit ng magtama ang aming mga labi ng .....
" Leonardo!! Maghugas ka ng plato! " napaupo agad ako sa sigaw ni Mama . Plus
" Aray " nahulog pa ako sa higaan ko . Ibig sabihin panaginip lang ang lahat?! Kaasar naman! Sana hindi nalang ako ginising .
" Leonardo! Tatayo ka o kukurutin ko 'yang singit mo?!" tumayo kaagad ako dahil ayokong makurot ni Mama sa singit ko masakit 'yon p're!
Lumabas na ako kahit naka boxer lang at walang pang itaas tutal nasa bahay lang naman ako .
Kakamot kamot ako ng ulong nagpakita kay Mama . Isitorbo si Mama eh .
" Ano?! May kuto kana ba kaya kakamot kamot ka diyan?! " Napakunot naman yung noo ko kay Mama . Ano daw?! Kuto ?!
" Kuto?! Kadiri naman 'yon Mama ang gwapo kong nilalang tas magkakakuto ako? Tanungin mo yung mga anak mong babae baka hindi na kinukuto, ginagarapata na " tinignan ko si Ezra at Ate En at umarteng nandidiri sakanila . Inirapan lang ako ni Ate pero si Ezra ay hindi talaga magpapatalo .
" Ew! Wala akong kuto 'no! " saka siya tumayo at padabog na umakyat sa taas .
" Hindi pa pasko pero may christmas light kana sa ulo ? " pahabol ko . " Whatever!" Sigaw niya atsaka tuluyang pumasok sa kwarto niya . Ako naman ay nagtungo na sa kusina para maghugas nakakaasar . Si Daddy nga ayaw akong paggawin ng gawaing bahay pero si Mama gusto dahil hindi daw bagay sa isang lalaki ang hindi marunong ng gawaing bahay . Bakit ba kasi wala kaming katulong? Kaasar eh .
Nagsimula na akong maghugas habang kumakanta ng Tadhana mas feel ko kasing gumawa ng gawaing bahay habang kumakanta para ganoon hindi ako masyadong tamarin .
Alam niyo na girls kung bakit hindi kami makareply sainyo? Busy kasi kami sa gawaing bahay at bilang na lang sa mundo ang mga lalaking marunong nito . Maswerte ka kapag ako ang naging nobyo mo bukod sa gwapo na ako paglilingkuran pa kita .
" Leo! Tumigil ka sa pagkanta! Hindi ko mapakinggan 'yong Butterfly ng BTS, nadi-distract ako sa pangit ng boses mo " ani ate En . Ang sakit naman no'n ang sa'kit! Ang sakit sakit mahiwa ng hinuhugasan mong kutsilyo huhu . Hinugasan ko yung kamay ko atsaka pinunasan at nilagyan ng paunang lunas .
Sa hindi inaasahang pangyayari ay aksidente kong nabasag ang isang baso . Bumilis ang tibok ng aking puso na para bang nagpapahiwatig na may mangyayaring masama .

BINABASA MO ANG
MY Miss Popular (EDITING)
Romance" I'm sorry " saad niya may nabangga pala akong kung anong ewan alien ba 'to? Kasi balot na balot eh o baka nilalagnat? Ano bang pake ko sa babaeng 'to? Iniangat niya yung mukha niya dahilan para makita ko ang kanyang mukha. Binabawi ko na yung sina...