Leonardo's PoV
Nung makita kong nakaalis na ang sasakyan nila Dansel ay sumakay narin ako sa sasakyan ko . Oo, ako ang tumawag sa PA ni Dansel at ipinaalam sakanila ang lugar pero nakiusap ako na wag na lang sabihin na ako ang nag utos .
Tahimik lang akong nagmamaneho sa sasakyan ko . Ilang oras ang nakalipas ay nakarating na ako sa bahay . Sinalubong kaagad ako ng pag aalala ni Mama . " Leonardo anak! Ayos ka lang ba? " tumango na lang ako kay Mama . Wala ako sa mood para makipag usap sakanila . Lalo na't nalaman ko na hindi ako o hindi nahulog si Dansel sa'kin .
" Sabihin mo sa'kin ang nagyare? Nag aalala kami . " ani Mama na hindi parin ako tinatantanan .
" Nextime Ma . Napagod ako " wala namang nagawa si Mama kung hindi ang tumango . Ganoon din si Dad hinayaan na lang ako . Pumasok ako sa kwarto ko at ibinagsak ang hapong hapo kong katawan.
****
2 linggo na ang nakalipas at ganoon parin ako . Binuksan ko ang TV atsaka nanuod . Saktong iniinterview si Dansel sa isang palabas . Ililipat ko sana kaso nung narinig ko ang pangalan ko ay nagdesisyon na ako na wag nang ilipat .
" May namamagitan ba sainyo ni Leonardo Dawsone? " tanong nung host . Matagal bago makasagot si Dansel .
" Wala . Walang namamagitan sa'min . " simple niyang sagot . Parang kinurot ang puso ko sa sinabi niya . Drama eh wala nama talagang namamagitan sa'min .
" Kung sakaling papipiliin ka . Leonardo o ang popularity mo? " ngumiti si Dansel .
" I will choose my popularity dahil pinaghirapan ko 'yon at ayokong mawala sa'kin 'yong ng isang iglap lang " pinatay ko yung TV . Atsaka nag wala . Ang sakit! Alam mo 'yon? Nababakla na ako sakanya! Lahat ng di ko dapat gawin ay ginagawa ko na! Ayokong umiyak ng dahil lang sa isang babae! Biglang pumasok si Tanya sa kwarto ko . " Leave me alone!!! " sigaw ko sakanya . Pero wala, walang epekto 'to sakanya . Imbis na lumabas siya ay lumapit siya sa'kin at niyakap ako . " Iiyak mo lang " wika niya. Umiyak ako ng palihim . Kabaklaan pero wala eh. Mahal ko si Dansel .
" I told you Zeke masasaktan ka lang kay Dansel " hindi ko lang siya pinansin . Ako na ang unang kumalas sa pagkakayakap . " Pasensya kana Tans " saka ako napakamot sa ulo ko .
" Ayos lang yan. Ngayon na lang kita nakitang umiiyak ng dahil sa babae. " ani Tanya . Sabagay ang huli ko kasing inayakan ay ang Ex kong si Fiona artista din siya kagaya sa sitwasyon namin ni Dansel . Tumagal kami ng 1 taon kaso tinapon na lang niya 'to nung sinabi niyang nagsawa na siya sa'kin. Hanggang sa nalaman ko ngayon ay ikakasal na siya kay Steff Green ang famous na basketball player . Ang bilis 'no? Ako nag aaral pa lang siya ikakasal na .
" Hehe oo nga eh " napakamot na lang ako sa ulo ko . " Tara na Zeke kain tayo, nagluto pa naman si Tita " ani Tanya .
BINABASA MO ANG
MY Miss Popular (EDITING)
Romance" I'm sorry " saad niya may nabangga pala akong kung anong ewan alien ba 'to? Kasi balot na balot eh o baka nilalagnat? Ano bang pake ko sa babaeng 'to? Iniangat niya yung mukha niya dahilan para makita ko ang kanyang mukha. Binabawi ko na yung sina...
