My Miss Popular
Hanggang ngayon ay hindi pa kami nagkikita ni Tanya ewan ko ba dun nasan nanaman kaya 'yon . Pero baka nga may gusto siya sa isa sa'min . Hindi kaya ako yung gusto niya? Hehe . Joke lang siyempre .
" Tulala ka pare? " - Denver. Hindi ko lang siya pinansin dahil iniisip ko parin talaga yung nangyari nung nakaraang araw . Sh*t kinikilig kasi ang prinsepe niyo . Kabaklaan .
Naistorbo naman ako ni Miguel nung sumigaw 'to .
" Pards! Tingnan niyo 'to " ani Miguel habang itinataas ang kanyang Laptop .
" Nakikita namin! Wag mong ipakita o ipainggit man lang 'yang bago mong laptop . Hampas ko sayo 'yan eh " natawa naman ako sa sinabi ni Denver . Hindi kasi ganoon kayaman sina Denver nalugi kasi yung business ng Daddy at Mommy niya pero unti-unti silang bumabangon oh diba? Yayaman sila mag antay ka lang .
"No! What I mean is yung viral video ni Dansel " pagkarinig na pagkarinig ko palang ng pangalan ni Dansel ay pumunta agad ako sa gawi ni Miguel mejo malayo kasi kami kanina sakanya .
Kin-lick niya yung play button atsaka kami tahimik nanuod .
" Ugh "
" Ugh " nanlaki yung mga mata naming tatlo nung marinig namin 'yung ungol na 'yon .
" Ugh " sabay sabay kaming tumingin sa likuran namin . " Lumayas nga kayo! " ang dami kasing tao sa likod namin kaya ayun nag si alis din sila ." Isa ka pa!" turo ko doon sa lalaking nag Ugh Ugh Ugh " Puro ka UGH . Ugh-ughin ko 'yang mukha mo eh " tumakbo naman ng mabilis yung lalaki . Sarap batuhin ng bato eh .
Ibinalik namin yung tingin namin sa Screen atsaka pinanuod yung viral video kuno .
" Siya ba 'yan ?! "
" Oww gosh! "
" Masikip pa kaya siya ? "
Eto nanaman tayo . Kinuha ko yung walang tinta kong ballpen atsaka itinutok ito sa dalawang babae sa likod namin . " May gadgets kayo diba ? Layaas! " tumakbo yung dalawang babae pero binato ko 'yung ballpen ko sakto sa ulo nung mataba . Hahaha . Mga haters ni Dansel .
" Masakit 'yan pare hindi na makahinga si Dansel o tas pinipilit pa " base dito sa video nakakaawa talaga si Dansel .
" Kung ako diyan aalisin ko na 'yan kung hindi kasya edi wag ipagpilitan " ani Miguel .
" Tama naa! " - Sigaw ni Dansel sa video .
" Dumudugo na pare! " lumingon ako atsaka boom! Nasan 'yang lalakeng 'yan! Bubugbugin ko 'yan hayop siya! Natapos na ang video at nakakaawa talaga siya .
Doon kasi sa video na pinanuod namin ay yung manager ni Dansel ay pilit na sinasara yung zipper ng damit niya na hindi naman kasya . Pakiramdam ko nga baliw 'yong manager niya eh . Kasi sinasabi niya sa video " Mamamatay ka ngayon! Mamamatay ka! " oh diba? Manager pa 'man din niya 'yon nakakaawa . Sa sobrang sikip dumugo na yung ilong niya sh*t!
![](https://img.wattpad.com/cover/68449183-288-k726828.jpg)
BINABASA MO ANG
MY Miss Popular (EDITING)
Romantik" I'm sorry " saad niya may nabangga pala akong kung anong ewan alien ba 'to? Kasi balot na balot eh o baka nilalagnat? Ano bang pake ko sa babaeng 'to? Iniangat niya yung mukha niya dahilan para makita ko ang kanyang mukha. Binabawi ko na yung sina...