Chapter 11

28 1 0
                                        

Nakarating kami ni Dansel sa isang restaurant . " Dito mo gustong kumain? " tanong ko sakanya . Hindi naman sa nagtitipid ako . Masyadong fancy ang restaurant .





" Oo? " patanong niyang sagot .




" Nako! May alam ako! Bukod sa mura na masarap pa " atsaka ko hinawakan ang kamay niya . Dumadamoves ako eh! Once in a lifetime lang 'to mga pards!



" Saan? " binitawan ko na ang kamay niya . " Dito! " turo ko sa mga tindang turo-turo .





" What?! That's not healthy. Sa restaurant tayo my treat. " bigla namang nagsalubong ang kilay ko . My treat? Ayoko nga .




" Kailangan mong mag try ng something new! " sambit ko sakanya . Huminga siya ng malalim . " I said that foods are not healthy " pinaglalaban talaga eh .



" Masarap 'yan! Pag may nangyari sayong di maganda sagot ko pampa hospital mo " huminga siya ulit ng malalim .




" Okay. Pag hindi ko nagustuhan dito kakain tayo sa restaurant okay? " tumango naman ako sakanya . Sabay kaming naglakad papunta sa isang stan ng fishball .




Kumuha ako ng stick at baso atsaka tumusok ng fishball,kikiamat squidball . " Ikaw si Dansel 'diba? " tanong nung matanda . Mukhang kinabahan naman si Dansel dahil baka hindi magtagal ay pagkakaguluhan siya. " Wag kang mag alala hindi ako sisigaw na nasa harap kita ngayon hija " mukhang mindreader si Lola ah .





" Salamat po Lola " atsaka siya nagmano .




" Napakabuti mo talagang bata, alam mo ba nainiidolo ka ng anak ko? " ngumiti naman si Dansel . " Oh sige hija, tumusok ka lang ng tumusok diyan " binigyan siya ni Lola ng stick at baso . Parang nandidiri pa siyang tumusok pero hindi niya pinahahalata kay Lola . Ako kumakain na siya tumutusok pa lang . Tumusok ako ng squidball atsaka itinapat sa bibig niya . " Try this. Masarap 'to " hindi niya pinapansin yung squidball sa harapan niya .




" Masarap 'to . Nangangawit na ako " kinagat naman niya yung squidball atsaka nginuya. Maya-maya pa ay lumapad ang mga ngiti sa labi niya . " Ang sarap nga! " atsaka siya tumusok ng marami pa . Grabe ah?





" Sabi ko naman sayo eh "

" Owsosh nawsh showy nyaman shiba? " halos hindi kuna maintindihan kung ano ang sinasabi ni Dansel . Haha . Artistang walang arte . Hanep .

Ang mga kinain ni Dansel ngayon ay Kikiam,fishball,squidball, kwek-kwek at kalamares take note niyo 'yan mas marami pa siyang kinain kaysa sa'kin . Hanep na babae .

MY Miss Popular (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon