Chapter 4

65 6 0
                                    

My Miss Popular

Matapos 'yong nangyari kahapon hindi na ako kinausap ni Tanya ewan ko ba dun . Napakamoody . Sa makalawa pa naman ang dalaw niya . (Nakabisado na kasi namin nila Miguel 'yong araw nang unang dalaw ni Tanya)

Hindi narin pumasok si Dansel . Naoffend ata sa sinabi ni Tanya . Ikaw ba naman sabihan ng 'Haliparot na artista' .

" Kahit ako mismo maooffend sa sinabi ni Tanya . I admit sinabihan ko rin siya ng Haliparot pero hindi ko naman sinabi at ipinaramdam sa kanya " ani Miguel

" Bakit kaya naiinis si Tanya kay Dansel? Sayang yun pare ginto na naging bato pa . Edi sana naging magkaibigan kayo ni Dansel " ani Denver . Totoo kung hindi lang sana nangyari 'yong kahapon baka siguro magkaibigan na kami ng iniidolo ko . Sayang . Ginto na naging bato pa . Syempre diba? Kung yung idol mong KPOP Star nakipag kaibigan sayo sabihin na nating 'yong si Chanyeol ng EXO . Tapos sumingit yung kaibigan mong anti sinabihan si Chanyeol ng 'Bakla' syempre maiinis ka . Kagaya sa sitawasyon namin nila Tanya nakakainis .

Baka isipin niyo na fanboy ako ah . Hindi syempre . Kilala ko lang si Chanyeol nagpapicture kasi siya sa'kin dati ang gwapo ko kasi . Hehe joke . Naging trending kasi si Chanyeol about sa pagfollow niya kay Lily Maymac which is Dansel's bestfriend . Astig noh?

Naglakad na ako papunta sa room . Iniwan ko na sina Denver dahil panigurado mag ca-cutting 'yon dalawang yun .

Naglalakad ako nang may mabangga akong alien? " Awts! I'm sorry! " sabi nung babae . Nalaglag 'yung suot niyang salamin hindi ba siya naiinitan sa suot niya? Balot na balot ay baka siguro nilalagnat or baka may bulutong ay teka? Ano bang paki ko sa babaeng 'to? Yumuko ako para kuhain 'yong salamin niya atsaka ibinigay sa . Eh? Binabawi ko na 'yong sinabi kong 'ano bang pake ko sa babaeng 'to ' I promise magpapakabait ako .

Lumapad yung ngiti ko nung makita ko siya . Oo si Dansel!!

" Shh! Wag kang maingay " she whispered . Bigla niya akong hinila gusto ko 'to ❤ atsaka kami pumunta sa isang room na hindi ginagamit . Tinaggal niya yung suot niya . Naka disguise pala siya akala ko nilalagnat eh . Teka? Bakit niya ako dinala dito? Nabihag din ba siya sa alindog ko?

Lumapad yung ngiti sa kissable kong labi .

" Don't shout " ani Dansel .

Wala naman akong balak sumigaw eh . Gusto kitang solohin eh~ hehe . Ganoon din kayo mga Kpoppers? Pag nakasama niyo yung idol niyo ng hindi inaasahan gusto niyo silang solohin? Haha . Ako na lang solohin niyo tutal mukha naman akong koreano . Haha .

" Hindi ako sisigaw . Bading lang gumagawa nun " saad ko saka siya kinindatan . Haha dadamoves na ako kay Mylabidabs .

" Yuck . Wag kang kumindat para kang kirat " saka siya tumawa . Aray ko may ganito pa la siyang side pero okay lang haha .

" Gwapong kirat " ani ko . Siya naman ay umarteng para bang nandidiri . " Bakit ka pala nandito? Tas balot na balot? " tanong ko . Umupo siya sa isang upuan ako naman ay sinundan siya pero kumuha ako ng isa pang upuan at tumabi sakanya .

MY Miss Popular (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon