Leonardo's PoV
" Sorry Leonardo, hindi tayo pwedeng magkita ngayon baka mapaano ka " sagot ni Dansel sa kabilang linya.
" Ano bang paki nila? Atsaka alam naman na nila diba? " naiinis kong sagot kay Dansel. Parati na lang ganito ang eksena namin sa isang linggo isang beses lang kaming magkita minsan nga wala eh. Hindi kami nagkikita. Ang hiral talaga kapag artista ang nililigawan mo .
" Sorry Leonardo, I'll talk to you later busy ako sa upcoming concert ko with- "
" Sige na. Goodluck sa rehearsal at sa concert mo " hindi na siya sumagot at ibinaba na lang ang telepono. Napaupo nalang ako sa couch ng bahay namin nakakainis naman minsan na nga lang ako maging free tapos ganito pa siya tas pag ako naman ang busy magtatampo siya. Ang gulo talaga ng mga bababe . Unpredictable.
" Tulaley ka amiga? " isa pa 'tong si Denver tinamaan nanaman ng kabaklaan . " Mananahimik ka o pasasabugin ko 'yang pula mong nguso? " napatahimik naman si Denver. Ewan ko ba dito, hiniram ba naman yung make-up ni ate. Hindi naman talaga siya bakla, gusto lang daw talaga niya yung gamit ng mga babae.
" Ano bang nakain niyan ni Denver at nagbakla-baklaan nanaman? " kakamot kaot ng ulong tanong ni Miguel.
" Hotdog mga papa " sagot ni Denver. Kinuha ko 'yong unan sa gilid ko atsaka inihagis sakanya. Tumba siya kasama ang mga make-up .
" Tangina mo talaga pards eh! Kumalat tuloy yung lipstick gago talaga " ayan tinamaan na ng pagiging lalaki. Tingnan mo ang lakas magmura.
" Kadiri ka Denver! Yuck! Naturingan ka pa namang ' The living cute doll' dahil sa kagwapuhan mo tas mukha kang engot sa ginagawa mo " ani Miguel . Humalakhak naman kaming dalawa ni Miguel. Si Denver ay unti-unti ng tinatanggal ang make-up sa mukha niya. Hahaha abnormal din 'to eh. Ewan ko din sa mga babaeng gumawa ng fansclub ni Denver. Cute lang naman kasi si Denver hindi mukhang manika.
Pumunta na si Denver sa kusina upang mag hugas ako naman ay humiga sa couch. Namimiss ko na talaga si Mylabidabs pansin ko lang 'tong si Miguel kaninapa ngumingiti sa harapan ng cellphone niya sino nanaman kaya ang bago niyang nabiktima?
" Para kang asong ulol diyan Miguel! Sino ba 'yang katext mo? " ngumiti si Miguel sabay napakamot sa ulo niya . " Si Kyla, yung leader ng mga populars " sambit niya atsaka itinuon muli ng pansin ang kanyang bulok na cellphone. Ang yaman yaman hindi makabili ng iPhone.
Habang nakahiga ay nakaisip ako ng paraan para makita si Dansel. Bibisitahin ko na lang siya sa rehearsal nila malay natin baka sakaling matuwa siya pagnakita ako.
Umakyat agad ako sa kwarto ko atsaka nag ayos. Nagpabango at syempre nag pagwapo :)
Bumaba na ako atsaka ipinagkatiwala muna kina Miguel ang bahay namin atsaka si Ezra na natutulog sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
MY Miss Popular (EDITING)
Romance" I'm sorry " saad niya may nabangga pala akong kung anong ewan alien ba 'to? Kasi balot na balot eh o baka nilalagnat? Ano bang pake ko sa babaeng 'to? Iniangat niya yung mukha niya dahilan para makita ko ang kanyang mukha. Binabawi ko na yung sina...