Chapter 7

24 1 0
                                        

Tahimik lang si Zeke may kung anong iniisip yata . Kung kanina ay malalim ang kanyang iniisip ngayon naman ay may tinititigan siya . Sinundan ko yung mata niya kung saan nakatingin . Haha mahirap talagang pantayan siya .

" Dansel is pretty Am I right? " ako na ang bumasag sa katahimikan namin nauna na kasi yung dalawa naming kasama . " A-ah e-eh . Oo haha maganda talaga siya kaya nga crush ko siya eh " ani Zeke . Ang swerte talaga ni Dansel .

Bago kami tuluyang pumunta sa arcade ay tinitigan ko yung shop kung saan si Dansel ang model . She's sexy nakakapangselos . Kung sa paningin pa nga lang ni Zeke si Dansel na ang lamang sa pagmamahal pa kaya? Gets niyo ko? Haha .

Nagulat naman ako ng akbayan ako ni Zeke . " T-te-teka " nauutal utal kong saad . Paano ba kasi! Baka ano eh . Basta! " Huwag kanang maarte " tumango na lang ako sa sinabi niya hinayaan ko na lang na nakaakbay siya sa'kin . Nag iinit yung mga pisngi ko .

Nakarating na kami ng arcade si Zeke na mismo umalis sa pagkakaakbay . Bitin . Ako naman ay bumili ng token atsaka pumunta sa Basketball . Naglagay ako ng dalawang token atsaka bumaba na ang mga bola .


Shoot lang ako ng shoot sa mga bola . Swerte dahil laging nasu-shoot .


" Galing mo naman Miss " hindi ko lang pinansin yung lalaki sa likod ko na biglang nagsalita .

" Gusto mo bang tulungan kita sa pagshoot? " he whispered . Dahil sa sobrang inis ko hinarap ko siya.


O//////O



Ang lapit ng mga mukha namin sa sobrang lapit muntikan na kaming mag kiss shit! Mukha siyang ewan ang itim niya, matangkad naman . Bigla siyang ngumiti sh*t again wala siyang ngipin . Ano ba 'to!


Lub.dub.lub.dub ang ingay ng dibdib ko . Syempre kinakabahan ako sh*t lang talaga .

" Aalis ka diyan o tatanggalin ko 'yang pagmumukha mo " kilala ko kung kaninong boses 'yon . Pinagtitinginan naman na kami ng mga tao sa arcade . Mukhang gulo 'to . Humarap yung lalaki na naiinis . " Sino ka ba?! Istorbo ka eh! " humarap muli sa'kin yung lalaki . Sasampalin ko sana siya kaso nahawakan niya kaagad yung pulso ko sh*t .

Hinablot ni Zeke yung kwelyo nung lalaki atsaka ito sinuntok . Pagkatapos no'n ay hinila ako ni Zeke lalunta sa tabi niya .

" Sh*t! " mura nung lalaki . Tumayo siya at akmang susuntukin si Zeke ng sina Denver na mismo ang sumuntok sa sikmura nito . Napadaing 'to sa sobrang sakit .

" I'm her boyfriend . So back off . Pasalamat ka at hindi kita tinuluyan . You owe your life to me " atsaka kami tumalikod . Dinala ako ni Zeke sa bench sa tapat ng arcade . Umupo siya at ganoon din ang ginawa ko .


" Ano bang naisipan mo at nagbihis ka ng ganyan? " basag ni Zeke sa katahimikan . Napalunok naman ako sa sobrang kaba .

" T-trip ko lang " ani ko atsaka umiwas ng tingin .

" Tss " then he smirked . " Nag dress ka ng maikli tas nagbabasketball ka? Hindi mo ba alam na sa bawat shoot mo ng bola ay tumataas 'yang damit mo at nakikita ang hita mo? " hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Ano nga ba kasing isasagot ko hindi naman kasi pwedeng sabihin ko na nag bihis ako ng ganito para mapansin mo ako sh*t .


Does he cares for me? . Buti na lang at dumating sina Denver at Miguel kaya hindi na ako nakasagot pa . Buti na lang talaga .


" Okay ka lang ba Tans? " nag aalalang tanong ni Denver . Ngumiti nalang ako sakanya . " Nextime wag kanang magsuot ng ganya ah? " ani naman ni Miguel . Ngumiti na lang din ako .


Kahit naman pala nagbihis ako ng ganito Boyish na Tanya parin ang nakikita nila . Okay lang din atleast nasubukan ko . Nagpaalam muna ako sakanila upang pumunta ng restroom . Tumango naman sila .



Pagkapasok ko ng restrom ay hinilamusan ko kaagad ang mukha ko . Nagulat na lang ako ng may pumatak na luha sa mga mata ko siguro nasaktan labg ako dahil hindi na kita ni Zeke yung kagandahan ko . Haha ang OA ko 'no?


" Miss Miranda? " nilingon ko yung tumawag sa apelyido ko . It's Dansel . " Are you alright? " tama nga sina Mommy . Kahit gaano man kasikat ngayon si Dansel ay may mabuti parin 'tong puso . Kaya siguro gusto siya ng lahat .


" Ah.. Miss Montellion ah . Sorry pala dahil sinabihan kita ng Haliparot " yumuko ako sakanya . " Ah .. ano ka ba Miss Miranda sanay na ako doon " ani niya . Ang bait nga niya . Iniangat ko yung mukha ko atsaka ngumiti sakanya . Ang elegante niya tingnan ngayon ibang iba sa Dansel na nakauniform na gusto akong maging kaibigan .



" Actually hindi kita nakilala pero dahil nakita ko yung heart tattoo mo . Nalaman kong si Miss Miranda ka " oo nga pala may tattoo ako .

" A-anong ginagawa mo sa dito? " tanong ko wala na kasi ako sa sarili kaya di ko na alam kung ank yung tinatanong ko .



" Ah, opening kasi ngayon ng C wartchz at ako yung nag endorsed " kaya naman pala ang elegante niya tingnan . Nakasoot siya ng isang dress na kulay gold at naka stilletos pa na gold . Parang hindi 19 years old itong kaharap ko .

" Oh, sige Miss Miranda mauna na ako " saka siya nag smile . Nakakaginhawa yung mga ngiti niya .





Umalis na siya lumabas narin ako ar sinundan sya ng tingin hindi naman gaano nalalayo ang C Wartchz sa restroom . Tanaw na tanaw ko kung gaano siya pagkaguluhan ng mga tao . Autograph dito papicture doon at inteview dito . Grabe . Minsan pinangarap ko ding maging artista kahit sa extra extra lang muna tas hanggang sa ma-discover ka . Nagsimula siyang pumasok sa mundo ng Showbiz noong 9 years old siya nakitaan kasi siya ng talento sa pag arte hanggang ngayon . Isang dekada na siyang artista pero sikat parin siya .




Nakita naman ng aking mga mata si Zeke na kumikinang ang mata dahil sa nakita niya . Ang iniidolo niya mali . Minamahal niya . Si Zeke din simula bata si Dansel na talaga ang iniidolo naaalala ko pa sa tuwing inaasar ng mga classmate namin si Dansel nagagalit si Zeke . Pinagtatanggol niya si Dansel kahit hindi niya alam .






Nag simula na ang opening binigay kay Dansel ang isang guting atsaka siya kinuhaan ng litrato hanggang sa naputol niya na ang ribbon nag palakpakan naman ang mga tao .




Meron pa nga eh . Mamimigay ang C Wartchz ng mga pabango at t-shirt sa mga pumunta sa grand opening . Mayaman . Tinext ko na sina Denver na mauuna na ako sa pag uwi medyo nawalan na kasi ako ng gana .




Si Zeke naman ay hindi pinalagpas ang pagkakataon na makausap si Dansel I mean malapitan at makipagkamay . Sa ganon masaya na si Zeke. Kakaiba talaga 'tong lalaking 'to ang gwapo pero nagkakandarapa sa isang artista na malabo siyang mapansin .



Naglakad na ako at papuntang sakayan . Nakakawala sa mood . Tinext ko si Zeke na umuwi na ako alam mo kung ano ang reply? ' Ge. ' yun lang . Siguro hindi pa siya nakakarecover sa nangyari or let me say na busy siya sa Love of his Life .



Sana ako na lang si Dansel . Hahaha . Don't worry magiging artista din ako someday . Titingalain ako ng mga tao magpapa autograph at magpapicture ang sarap siguro ng ganoong buhay . Pero sa ngayon kailangan ko munang umuwi ang sakit na ng mga paa ko eh .


MY Miss Popular (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon