Chapter 3

74 7 0
                                    

MY Miss Popular

Ezekiel Leonardo's POV

Dahil wala akong pasok nandito lang ako sa bahay namin . Wala si Ate En dahil nagtrabaho si Ezra naman ay pumasok ganoon din sina Mama at Dad . Kaya ako lang ang mag isa dito HAHA . De biro lang tatlo kami dito .

Pinapunta ko kasi dito sina Denver at Miguel hindi nga lang kasama si Tanya dahil may pasok siya .

" Wag mong sabihin na pinapunta mo lang kami dito para manood ng nakakasukang Horror Film ng Dansel mo " wika ni Miguel . Mindreader ba 'to?

" Paano mo nalaman ? "

" Oh anak ka nga naman ng tinapa . Uuwi na lang kami " ani Denver .

Bakit ba ayaw nila sa mga palabas ni Dansel? Ang ganda ganda kaya .

" Iba naman pare, sa school Dansel sa kwarto mo Dansel pati ba naman sa panunuorin natin Dansel parin? " - Denver

" Pare pakiusap . Iniidolo ko 'yang si Dansel pero hindi ka ba nagsasawa? Mas maganda pa kaya si Tanya kaysa sakanya . Sexy lang naman siya at maganda " ani Miguel

" Sige na mga pards isa lang " sambit ko . Napakamot naman ang dalawa . Kaya sa huli ay pumayag sila .

" Isa lang pare ah? Put* maawa ka naman samin " ani Denver

Isinalang ko na ang The Lady on his nightmare ni Dansel . Paborito ko 'to eh! Grabe ! Kilabutan sana silang dalawa .

Isinalang ko na 'to atsaka pinatay ang ilaw sa dito sa sala kaya madilim .

" Bakit mo pinatay?! " tanong ni Miguel .

" Kabaklaan mo nanaman Pre umiiral " panunukso ni Denver. Umayos naman ng upo si Miguel atsaka nagsalita . " Joke lang. Sa gwapo kong 'to matatakot ako?" Tumawa naman kami ni Denver . " Anong tawag mo sa ginawa mo kanina? " tanong ni Denver . Inawat ko na sila dahil magsisimula na ang palabas .

Maganda ang palabas dahil nakakaexcite pero para sa dalawa nakakaboring dahil wala man lang daw lumalabas na multo .

Bigla namang lumabas ang isang babae na mahaba ang buhok at sobrang puti ng mukha idagdag mo pa ang puting bistida niya . Nakakatakot nga naman talaga . Idagdag mo narin pala yung sigaw nung lalaki . Bakla din ata 'to . Haha .

" WAA! OH SHIT! " sambit nilang dalawa . Haha nakakatawa dahil nakayakap sila sa isa't isa . Hindi pala takot ah .

" Akala ko ba hindi kayo takot? " saka ako humalakhak . Hindi na sila nagsalita bagkus ay tahimik na silang nanuod .



MY Miss Popular (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon