Binuhat ko siya atsaka dinala sa waiting shed medyo malayo sa school na pinapasukan ko. Wala kasing ibang nadadaan dahil sabagay mainit. Sino ba namang maglalakad sa gitna ng tirik ng araw?
Inihiga ko siya sa isang mahabang upuan na gawa sa bakal. Bakit ba siya naglalakad, eh sobrang init? Umupo ako sa may paahan niya at inantay siyang magising. Magkasing edad lang kami pero maaga siyang ikinasal nihindi nga siya nakapag tapos ng kolehiyo.
Medyo matagal din bago siya magising. Inalalayan ko siyang umupo at nagpasalamat lang siya. Umupo ako sa tabi niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong itanong. Bakit kaya siya naglalakad sa daan tas nakapaa? 35 pesos lang naman ang tsinelas pag bargain ah?
" Bakit ako nandito? " tanong ni Fiona. Nakaramdam ako ng awa sakanya. Ikaw ba namang makita ang firstlove mo na naglalakad ng walang tsinelas? At ang dumi-dumi or in short mukha na siyang pulubi. " Hinimatay ka " simple at magalang kong sagot kay Fiona. Ngumiti siya ng bahagya.
" Anong nanyari sayo? " tanong ko sakanya. Biglang tumulo ang luha mula sakanyang mata kaya naman ibinigay ko sakanya ang panyo ko para pamunas niya. Tinanggap naman niya ito.
" Binugbog ako ng asawa ko. L-leonardo, p-pinatay n-niya a-ang anak ko " napahagulgol na si Fiona. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin gaya ng dati ay niyakap ko siya ng walang pag-aalinlangan wala narin akong pake kong madumihan ang puti kong uniporme. Humiwalay na ako sa pagkakayakap.
" Diyan ka lang, bibili lang ako ng makakain " hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Lumakad na ako papunta sa isang tindahan hindi kalayuan sa kinauupuan namin ni Fiona. Bumili lang ako ng apat na biscuits atsaka zest-o para sakanya. She looks hungry at naawa ako sakanya dahil kahit papaano ay may pinagsamahan kaming dalawa. But I still can't believe this, that her husband can kill his own child? Buang siguro 'yon. Bumalik na ako atsaka umupo sa tabi niya.
" Eat first " atsaka ko iniabot sakanya ang apat na biscuits. Mukhang ayaw pa niyang kunin, iniisip ko lang kung ayaw niya ba ng biscuits o mas gusto niyang kumain sa mga fancy na restaurant? Pssh.
" Huwag ka nang maarte. You need to eat, you look pailed. " sambit ko. Kinuha naman niya ang biscuits atsaka mabilis na binuksan at kinain. Ibang Fiona ang nasa harapan ko ngayon, ibang iba siya. Kung dati ay maarte at fashionista siya, ngayon ay halos hindi muna makilala. Ang payat payat, ang dungis at kaawa-awa.
" Ano bang nangyari talaga? Why did your husband killed his own child? " ininum ni Fiona ang zest-o na hawak niya bago sumagot.
" I-I don't know, pag ka-uwi ko ay nadatnan ko na lang ang anak kong wala ng buhay sa sahig at nakita kong hawak ni Tristan ang kutsilyong ginamit niya sa anak ko " umiyak siyang muli. Hinagod ko naman ang kanyang likod.
" I'm sorry about that. Kaya ba takot na takot ka dahil hinahabol ka niya? " tumango lang si Fiona bilang sagot.
BINABASA MO ANG
MY Miss Popular (EDITING)
Romance" I'm sorry " saad niya may nabangga pala akong kung anong ewan alien ba 'to? Kasi balot na balot eh o baka nilalagnat? Ano bang pake ko sa babaeng 'to? Iniangat niya yung mukha niya dahilan para makita ko ang kanyang mukha. Binabawi ko na yung sina...
