Chapter 17

13 0 0
                                    

Dansel's PoV

Tatlong linggo na ang lumipas, wala paring Leonardo sa harapan ko . Ano pa nga bang aasahan ko? Kasalanan ko 'to . Ngayon ang alis ko papuntang US . Naayos ko na ang problema ko dito . Hindi ko narin nakita si Zach matapos ang nangyari sa'min mabuti narin 'yon .

" Bestie? May problema ba? " tanong ni Lily . Nginitian ko na lang siya . " Pwede mo namang sabihin sa'kin. Makikinig ako " napangiti naman ako sa sinabi ni Lily . Biglang tumulo yung luha ko nung maalala ko si Leonardo .

" Is this about Leonardo? " tumango ako bilang sagot kay Lily . Niyakap niya ako . Tuluyan nang kumawala ang mga luha ko.

" Hindi ko alam Lily kung mahal ko si Leonardo dahil yun ang nararamdaman ko . O dahil sa naaawa ako " ihinarap ako ni Lily sakanya . Pinunasan niya yung basa sa pisngi ko . I'm so lucky to have Lily as my bestfriend.

" Kung masaya ka kapag nandyan si Leonardo baka nga mahal mo na siya . Naaawa? Baka ikaw ang naaawa sa sarili mo bestie dahil hindi mo naipagtapat ang nilalaman ng puso mo. " tama . Baka nga naaawa ako sa sarili ko .

" Sa palagay mo, tama ba na Kasikatan mo ang pinili mo kaysa sa kasiyahan mo? " napa-isip ako sa sinabi ni Lily .

" Kasiyahan ko ang kasikatan ko " sagot ko .

" Admit it bestie, iba parin kapag si Leonardo ang kasama mo . Iba yung happiness na nararamdaman mo " umiling nalang ako .

" Now tell me bestie, do you love Leonardo? "

" Oo " mabilis pa sa alas kwatro na sagot ko . " Pero iniisip ko yung kalagayan ni Leonardo. Baka mapahamak siya " habol ko . Huminga ng malalim si Lily .

" Syempre at first hindi 'yan matatanggap ng mga fans mo. Pero duh~ bestie, lalaki si Leonardo . He can handle his self " tama si Lily . Atleast nalinawan na ako .

" Ano? Puntahan mo na si Leonardo " saka ako ipinagtulakan ni Lily palabas ng condominium niya .

" A.. aray Lily! " napasubsob kasi ako sa pinto ng pagtulakan niya ako . " Sorry bestie! Text mo 'ko kung ano ang naging resulta " ani Lily atsaka isinara ang pinto . Binuksan niya ulit ang pinto atsaka ihinagis sa'kin ang shoulder bag ko at ang susi ng sasakyan ko . Bastos talaga 'to . But, I still love her .

MY Miss Popular (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon