Chapter 21

17 0 0
                                        

Kasalukuyan kaming nandito sa library. Nag-cutting kasi kaming tatlo nila Miguel at kunwari nagbabasa kami pero nag uusap lang naman. Si Dansel? Nagtatampo sa'kin dahil hindi ko siya naihatid sa airport kasalanan ko bang may pasok ako? Huhu Dansel napaka unpredictable mo! Pero mahal parin kita.

Si Denver ay natutulog na bali kaming dalawa lang ni Miguel ang nag uusap.

" Pards, hindi ka ba nahihirapan dahil nililigawan mo si Dansel? " tanong ni Miguel.

" Ofcourse nahihirapan pero pards alam mo namang lalaki ako diba? " sagot ko sakanya.

" Gago ka ba? Mga tanong mo eh! Mukha kang dugong! " pabulong na sagot ni Miguel.

" Ang gwapo ko namang dugong? Haha " tumawa ako ng mahina baka sitahin kami ng dragon na librarian at palayasin kami tas makikita kami ng Prof namin ay bang! May record na kami sa office.

" Yung kagwapuhan mo pards parang hangin " haha bumabanat si Miguel.

" Bakit? Dahil malakas ang dating? " confident kong sagot.

" Hindi. Hindi ko makita kung saan banda yang kagwapuhan kong dugong ka! " namumuro na 'to ah.

" Hoy supot! Bago mo landiin si Kyla magpatuli ka muna gago " hinampas ni Miguel yung Encyclopedia book sa pisngi ko. Sh*t lang. Pakiramdam ko na dislocate yung perpekto kong panga at namula ang mga pisngi ko. Ang sakit shit!

" Bwiset ka! Ang sakit hayop ka! " sagot ko. Medyo napalakas kaya naman pinagtinginan kami ng mga tao sa library maski ng librarian.

" GET OUT! "

" Nag babasa kami M— "

" I SAID GET OUT! "

" Shhh " sambit ng mga nagbabasa.

" AY GET OUT! " wika ni Denver. Kinuha nanamin yung mga gamit namin atsaka hinila si Denver.

" Akala mo naman siya nagpagawa ng library kung mag pa get out naman " wika ni Miguel nung makalabas kami ng Library. Saan naman kaya kami tatambay ngayon? Jusko inengdaydoy! Kapag minalas ka nga naman oh.

" Gutom na ako mga pards " sambit ni Denver tingnan mo 'to natulog lang tas ginutom na kaagad

" Bilib din ako sayo Denver eh kung tamaan ka ng gutom maya't maya yung totoo? Ilang milyong bulate ang nasa loob ng tiyan mo? " napatawa naman ako sa sinabi ni Miguel. Tinamaan nanaman ng pang aasari 'tong si Miguel.

MY Miss Popular (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon