Nakarating na kami sa bahay nila Leonardo . Pagkapasok namin ay nandoon na ang dalawang kaibigan niya si Miguel lang ang natatandaan ko dahil binanggit siya ni Lily kani-kanina lang . Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay nila. Malaki, mansion nanga ata 'to eh . May malaking chandelier sa itaas atsaka mahabang sofa . May isang lamesa na nadoon ang mga pictures nila .
" Hello kuya! Hi ate Dansel! " saka lumapit sa'kin yung bata at niyakap ako sa baywang . " Hoy Ezra! Wala ka pang ligo! " ani Leonardo . " Ay oo nga pala hihi! " bumitaw yung bata atsaka tumakbo papuntang kwarto niya ata o sa banyo nila .
" Upo ka Dansel " ani Leonardo . Pinaupo niya ako sa sofa katabi nung kaibigan niya . " Hello Danseeeel! " nabingi naman ako sa sigaw nito . " Ah . Hello " ani ko .
" Ako pala si Denver " ani Denver atsaka naglahad ng kamay . Tinanggap ko 'to " Nice meeting you Denver " lumabas na si Leonardo kasama ang Mama, ate at ang bunso niyang kapatid .
" Nako Dansel alam mo ba naiinis ako sayo dati? Kasi napahamak yung anak ko " nakangiti niyang sambit ngumiti ako sa kanya ng nakakalungkot . Okay lang .
" Ayos lang po 'yon kasalanan ko naman po kung bakit gumulo ang buhay ng anak niyo " ngumiti ako . Niyakap ako ng mama ni Leonardo at nakangiti naman ang ate niya sa'kin .
" Ano ka ba hihi past na 'yon masaya ako dahil ayos na kayo at nasolusyunan na ang mga problema mo " ani niya .
" Salamat po Ma'am " sambit ko .
" Ano ka ba Tita na lang " saka niya ako pinalo ng mahina sa braso . Cool mom sana ganyan din si mama sa'kin .
" Leonardo, anong status niyo ni Dansel? Kayo na ba ? Ikakasal na ba kayo? Ano? " binatukan ni Leonardo yung ate niya .
" Nililigawan ko pa lang ate " kakamot kamot na sabi ni Leonardo,teka liligawan? Parang wala naman ata kaming napag usapan na ganoon . Pero hayaan na nga lang .
" WHAT?! Pards totoo ba 'yan? " hindi makapaniwalang tanong ni Denver, binatukan siya ni Miguel . " Tanga! Natatae ka diba kanina? Kaya hindi mo nasaksihan yung eksena sa gitna ng quadrangle " haha ang rahas naman ng magto-tropa na 'to .
" By the way Dansel " napalingon naman ako sa ate ni Leonardo .
" Yes Ma'am? "
" Ma'am ka diyan. Ate En na lang " ani niya . Tumango naman ako .
" Ayos naman kaya sa manager mo na ligawan ka ng kapatid ko? Eh sa mga fans mo? Magiging maayos naman kaya kayo? " ani ate En.
BINABASA MO ANG
MY Miss Popular (EDITING)
Roman d'amour" I'm sorry " saad niya may nabangga pala akong kung anong ewan alien ba 'to? Kasi balot na balot eh o baka nilalagnat? Ano bang pake ko sa babaeng 'to? Iniangat niya yung mukha niya dahilan para makita ko ang kanyang mukha. Binabawi ko na yung sina...