Chapter 23

9 0 0
                                        

" EZEKIEL LEONARDO MIRANDA DAWSONE! GUMISING KA! "

" AY NUDE! " napabalikwas ako sa pagkakahiga dahil sa sigaw ng kapatid ko. Bwiset! Ibig sabihin panaginip lang ang lahat?! Sayang naman edi sana nakascore ako haha joke lang mas gusto ko paring si Dansel ang... eh! Ano ba 'tong nasa isipan ko. Ang laswa!

" Anong Nude?! " napakamot naman ako ng ulo. Bwiset talaga 'tong babaeng 'to eh.

" NUDELS (noodles) kako " tatayo na sana ako kaso bigla niya akong tinulak. Abnormal.

" HOY MISS ENGRACIA LETICIA ANO BANG PROBLEMA MO?! HUWAG MONG SABIHIN NA NAIINLOVE KANA SA KAGWAPUHAN KO? " oo alam kong napakapangit ng pangalan ng ate ko. Si Mama kasi ang nagpangalan sakanila ni Ezra mabuti na lang at si Daddy ang nagpangalan sa'kin dahil kung si Mama? Asahan niyo na ang pangalan ko ay Pinky Eduardo. Diba?! Nakakasuka haha mabuti na lang at si Daddy ang nagpangalan. Ezekiel Leonardo, pangalan pa lang pogi na.

" HAHA! Ako maiinlove sayo? Mukha kang kabayo! Atsaka kapatid kita monggoloid ka ba? " saby bhelat niya. Nakaka-inis talaga 'tong unggoy na 'to eh :( lagi akong niaaway.

" Edi shing, ikaw naman mukhang isang ubo na lang " mabilis akong tumayo atsaka tumakbo papalabas ng kwarto. Haha ayaw niya kasing inaasar na isang ubo, payatot siya eh. Yung tipong kahit plato nalang ang hawakan ay mababali na ang buto niya. Hahaha.

" Unggoy ka! Sexy ang tawag dito! " sigaw ni ate En habang tumatakbo. Pumunta kaagad ako sa likod ni mama. Mariin kong kinagat ang kamay ko.

" Ano nanamang problema Engarcia? " tanong ni Mama.

" Engracia? Call me 'EN'. Nah, si Leonardo kasi Ma eh inaasar ako! " lumingon sa'kin si Mama. Matangkad si Mama pero mas matangkad ako. Nagtatago parin talaga ako sakanya mukhang sasabog na si Ate sa sobrang inis eh.

" Totoo ba 'yon Leonardo? " umiling ako kay Mama. " Siya ngayon Mama eh! Tingnan mo " pinakita ko sakanya yung kinagat ko kanina lang. " Pinagtripan niya yung kamay ko Maaa! " nagulat si Ate sa ginawa ko. " WHAT THE-- ?! " nag bhelat ako kay Ate haha. Nakabawi din ako.

" Ikaw En! Abnormal ka eh! Magbalat ka ng patatas diyan! " binigay ni Mama yung kutsilyo at patatas kay Ate En. Ako naman ay tinawanan siya. Mukhang abnormal hahaha.

Sumunod lang ako kay Mama. " At ikaw Leonardo, kausapin mo si Fiona doon dahil bisita mo 'yon " tinulak ako ni Mama papunta kay Fiona. Na ngayon ay maayos ng nakabihis. Malinis na siya, ibang iba sa Fiona kanina. Mas lalo siyang pumuti sa red t-shirt na pinahiram ni Ate. Akala ko naman makakatakas ako kay Mama pfft. Ang daldal ko 'no? Ngayon ko lang napansin eh hehe.

" Hey Fionalicious " naptakip ako ng bunganga ko. Shit naman!

" Ah, by the way Leo, salamat sa tulong na ibinigay mo " wika niya. Huu mabuti na lang at hindi niya narinig yung Fionalicious. Grrr!

" Wala 'yon " namagitan sa'min ang katahimikan. Parang hindi ko kaya 'to, gusto ko kasing palaging maingay tapos gusto ko dumaldal ng dumaldal. Hehe sorry na.

" Ah? Nasabi sa'kin ni Tita na nililigawan mo daw si Dansel? " nilingon ko siya. " Ah, oo. Si mama talaga ang daldal. " sambit ko. Namagitan muli sa'min ang katahimikan.

" Gusto mo mamasyal? " tanong ko sakanya. Parang kuminang naman ang mata niya sa sinabi ko. Oo nga pala, gustong gusto niyang gumala kami na may kasamang camera . -_-"

" Sure. Pero wala na tayong camera *pout* " oh diba? Ingudngod ko sakanya yung camera ng cellphone ko pinanganak ba 'to ng may camera na kasama?

" Pfft. Mukha kang camera. Hindi kana artista okay? " tumango na lang siya at malungkot na ngumiti. Drama shet.

" Sige! Tara na! " tas nauna na siyang lumabas. Sige gumala ma mag isa mo! Sinundan ko na siya. Maganda siguro kung si Dansel ang kasama ko. Ang hirap talaga kapag artista ang nililigawan mo tas non-showbiz ka.

Nagulat ako dahil bigla siyang napahinto hindi pa kami nakakalayo sa bahay. " Bat ka nahinto? " tanong ko sakanya. Hindi niya ako sinagot, tinignan ko kung saan patungo ang mga mata niya.

Sht lang.

" Pumasok ka muna sa bahay " hindi nanaman niya ako pinansin.

" Fiona " napaluhod si Fiona atsaka humagulgol. Niyakap ko siya para hindi niya masaksihan 'yong pangyayari. Ikaw ba namang makita ang ulo ng anak mo na bitbit ng nababaliw mong asawa.

" Sabi ko na nga ba at nandito ka " sambit nung asawa niya. Inihagis niya ang ulo ng anak niya at napunta 'to kay Fiona.

" A...a-a " wala sa katinuang sambit niya.

Hinarap ko 'yong asawa niya, ang baliw naman ay ngumisi lang. Ano kayang nasingot nito?

" Sabi na eh, may gusto ka parin kay Fiona " sambit niya at umambang lumakad papalapit sa'kin. Si Fiona naman ay humahagulgol lang, mabuti na lang at hindi naririnig nila mama dahil ayokong madamay pa sila.

" HAYOP KAAA! "

" FIONAAA! " tumakbo kasi bigla si Fiona na may dalang bato  pero mabilis 'tong nailagan ng baliw niyang asawa bagkus ay tinutok nito ang hawak na baril sa ulo ni Fiona. Sht!

" Pag usapan natin 'to " wika ko.

" Pag usapan? Close tayo? " kitamo 'to baliw na talaga. Tumalikod siya at binaling muli ang atensyon kay Fiona. Nakaisip naman ako ng paraan mabilis akong tumakbo papunta sakanya atsaka sinipa ang kanyang tagiliran dahilan para matumba siya at tumalsik ang baril na hawak niya. Sinuntok ko ang mukha niya ng magkabilaan. Bigla niya akong sinuntok sa sikmura kaya napadaing ako. Nakapaibabaw na siya ngayon sa'kin at pinauulanan ako ng suntok.

Sht.

Nakita ko si Fiona sa likuran ng asawa niya na may nakatutok na baril. Sinenyasan ko siya na wag niyang gagawin.

*BANG! BANG!*

Dahan dahang napatumba ang kanyang asawa at si Fiona naman ay hindi makapaniwala sa nagawa niya.  Nabitawan niya ang baril at pumunta sa gawi ko.

" I'm sorry " wika niya atsaka ako hinalikan sa labi. Natulak ko siya. Mabilis siyang tumayo atsaka tumakbo na para bang walang nangyari.

Habang tumatagal ay mas lalong sumasakit yung katawan ko. Wala na si Fiona dahil tumakas na siya. Argh, nakita kong lumabas sina Mama at Denver. Hinahabol ko ang bawat paghinga ko. Drama sheyt.

" PARDS!/ ANAK! " sigaw nila. Natanaw ko sina mama at Denver bago ako mawalan ng malay.

MY Miss Popular (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon