Lina's POV
Tatlong linggo ding nanahimik sa pag tatalo sina Louie at Jean matapos yung hilaan. Wait, nandyan na si Ma'am. Mag uuwian na pala. Di ko napansin kasi ang daldal nitong si Jean. May sasabihin daw si Ma'am. Mukhang yung lipatang magaganap. Sana magkasama pa rin kami ni Jean.
"Okay class, ito na yung record at sasabihin ko lang kung sino yung mag ii-stay dito sa Rambutan. Ang mga di ko mababanggit, mapupunta sa 7-Papaya." sabi ni Ma'am.
Nagsimulang mag iyakan ang mga kaklase kong babae habang kami ni Jean, sitting pretty lang. Mukhang di naman kami magkakahiwalay. J lang siya at L ako. Wala naman kaming kaklase na K kaya okay lang yung pagitan. In fact, 1st siya sa attendance ng girls at 3rd ako.
Nagsimula ng mag salita si Ma'am, inuna yung nga boys. Si Louie nalipat din. Eto na... Parang kinakabahan ako.
"Girls, wag kayong umiyak. Dapat si Jean ang umiiyak sa inyo. Joke." wait...
"Bakit po?" sabay naming tanong ni Jean. "Ikaw lang yung maiiwan na babae dito." sagot ni Ma'am.
Napatigil kami ni Jean. Di namin alam ang kinilos namin pero umiyak na lang kami. Magkayakap. Siya lang yung kaibigan ko ngayon. I treat her as my best friend. Actually, as my older sister. Para ko siyang ate na isip bata.
"Tahan na Jean at Lina. Magkikita pa naman kayo. Sa kabilang room lang oh." pinapatahan na kami. Grabe...
Di ko alam pero natatakot ako na baka di na kami maging close ulit. Natatakot akong mawalan ng kaibigan. Ayoko... OA kung OA, first time kong magkaroon ng tunay na kaibigan eh.
Jean's POV
Ayokong mawalay kay Lina. Best friend ko siya. 1st time ko lang magkaroon ng tunay na kaibigan eh. Alam kong ganun din siya sakin. Nagkakaintindihan kami kasi pareho kami ng pinagdaanan nung elementary. Palagi akong binubully tulad niya. Kaya ngayon di kami magpapabully. Sa totoo lang, nanahimik muna ako tungkol dyan sa Louie na yan dahil nag iisip pa ko ng plano para mapalabas yung tunay na ugali niyan. Pakitang tao kasi.
"Jean." Tawag ni Lina habang nagpupunas ng luha. "Lipat na kong classroom. Nagsisilipat na sila eh."
Ewan ko ba pero hawak ko ang braso niya. Ayaw kong umalis siya. Pinapakiusapan ko na si Ma'am Crisostomo na wag na lang lumipat si Lina kaso... Wala akong nagawa.
"Lina... Basta ah. Mag uusap pa din tayo palagi. Tuwing recess, lunch at uwian." paalala ko.
"Oo naman. May time pa naman tayo para mag usap sa hapon kasi 2:21 pm na uwian natin. Ayoko ng maging OA." sagot niya. "Sige. Bye..."
Umalis na siya. Si Louie, di pa umaalis. Ayaw siyang paalisin nung so what you called best friend niya na si Fredie.
"Uy, wag kang lumipat. Wala na kong matalinong best friend." pagdadrama ni Fredie. Para siyang baliw. "Drama mo. Dyan lang ako sa kabilang room eh." sagot ni Loiue.
Matalino? Baka matalino? Tsk.
"Wala na kong kokopyahan."
"Kailan pa kita pinakopya?"
"Edi wala na kong kukuhanan ng sagot."
"Baliw. Sige. Alis na ko."
Umalis na si Louie. Buti naman. Feeling ko hindi talaga sila best friends. Parang temporary friends lang. Di magtatagal. Sana hindi kami ganun ni Lina.
Louie's POV
Grabe, kahit na naiinis ako kay Jean the Giant kanina, naawa ako sa kanila ng best friend niya. Para na kasi silang magkapatid. Magka share sa lahat. Hay... Kaya ayokong ma attached eh. Mahirap masaktan.
Pagpasok ko ng room, ang ingay nung mga bago naming mga kaklase. Mukhang may Mafia dito. Joke. Mukhang mga adik pero sa tingin ko di naman. Mga magulo lang talaga. Ayoko munang manghusga ng tao hangga't di ko pa kilala. Ayokong gumaya sa Jean na 'yun na hinusgahan kaagad ako. Porke maliit at may matang pusa ako (not literally, pag tingin lang) eh gaganyan siya. Tss...
Nakita ko yung best friend niya, umiiyak pa din. Attached agad sila kahit three weeks pa lang. Hay... Kaya di ako gaanong nakipag close kay Fredie eh.