Chapter 23: Heart Saviour

26 3 3
                                    

Lina's POV

Pagkauwi na pagkauwi ko kasama si Shin Yo Sub - 15 years old na kaibigan ko simula nung kinukulit niya ko sa school, kumain muna kami sa condominium na tinitirahan ko. Di naman malaki, yung okay lang. Palagi ko siyang kasama at siya ang taga pagtanggol ko pag may umaaway sa akin sa school.

"Dongsaeng (little sister), your phone is ringing." Sigaw niya mula sa sala. "Wait, oppa! (Brother)" Tama kayo, lalaki siya. Para kaming magkapatid mag turingan kaya oppa and dongsaeng realationship kami.

Pumunta na ko sa sala. Kinabahan ako sa pangalan na nakita ko.

Peter calling...

Via messenger siya tumawag. Nanood ng t.v si Yo Sub kaya di niya ko inistorbo kahit magkatabi lang kami sa sofa.

"Yeoboseyo (Hello)?"

"Lina, may sasabihin ako." Seryoso ang tono ng pananalita niya na nagpakaba sakin. Tumingin si Yo Sub sa akin pero sinenyasan ko siyang tumahimik.

"A-ano?"

"Pasensya na kung hindi ko napanghawakan 'yung pangako ko. Uhm... May girl friend na kasi ako ngayon."

Pinilit kong i sink in sa utak ko ang mga sinabi niya. "Sino naman?" Masayang tono ko kahit na sa totoo ay hindi. "Reyha." Nagulat ako sa pangalang binanggit niya. Reyha? Ex ni Louie.

"Yung ex ni Louie. Ah, sige. Okay lang." Nagulat ako ng biglang hawakan ni Yo Sub ang mukha ko. "Why are you crying, dongsaeng?" Nag aalala niyang sabi. Umiiyak na pala ako ng di ko alam.

"Sino 'yun?" Tanong ng nasa kabilang linya. "Ah. Si Yo Sub, kuya kuyahan ko." Biglang inagaw ni Yo Sub 'yung phone sa akin. "Give me that, oppa!"

"What did you say about my dongsaeng? Why she's crying?!" Sigaw ni Yo Sub. Matapos ang mahabang sinabi siguro ni Peter dahil ang tagal niyang nakinig, binabaan niya.

"Are you okay, Lina-ya? That guy! I don't trust him since you showed me his picture. His attitude is worst!" Nanggigil niyang sabi. Bigla niya kong hinarap sa kanya. "Don't cry, hm? He's not worth it. He can't wait for you."

Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti. "I'm okay, oppa. Promise." Niyakap niya ko para pakalmahin pero dahil doon, di ko na napigilang umiyak. "It's my fault, oppa. I-I said to him that don't wait for me... because we're not in a relationship. He is free." Paliwanag ko.

Humiwalay siya sa akin tsaka hinawakan ang ulo ko. "I'm here to comfort you." Ngumiti siya sa akin kaya naging okay na ko. "Gomawo (thanks), oppa."

Pagkatapos niyang tumambay dito, umuwi na siya. Ang lamig dito, buti na lang may heater. Tumambay ako sa balcony. Kahit di pa bumabagsak ang snow, ang lamig na. Dati kailangan ko pang kumain ng mikmik para may puting bumubuga, ngayon hindi na dahil sa lamig.

"Nakakainis. Buti na lang malayo ako kundi nasaktan ko na 'yun." Salita ko sa hangin. "Lina, malakas ka. Nandyan naman si oppa para bantayan ka. Mawawala din 'yung sakit, okay?" Para na kong tangang nagsasalita mag isa. Buti na lang dahil sound proof mga pader dito.

Hate No More (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon