Epilogue

37 3 2
                                    

Louie's POV

"Louie, why you cannot tell her that you like her?" Tanong ni Yo Sub sa akin. Na hot seat ako ng de oras pagkatapos umalis ni Jean para maglakad. "I said it to her but she took it as a joke." Sagot ko sa kanya. Totoo naman eh.

"I have a dare for you, Louie. Tell her that you like her. No, you love her." Nandilat naman ako sa sinabi ni Lina. Loko 'to ah. "Ayoko nga! I can't." Tatayo na sana ako sa papag ng bigla akong batakin ni Joy.

"Tell her in Korean way. Agree ba, Lina?" Tango naman ni Lina. Korean way... Hindi niya maiintindihan. Magkakaroon din ng tanong si Jean sa isip niya kung anong sasabihin ko. Tama!

"Okay. So, what is it in Korean?" Tanong ko. "Naneun Jean-eul johahae. Ani, saranghae." Sagot ni Yo Sub sa tanong ko. Talagang gusto nilang sabihin ko.

Sinaulo ko within 10 minutes. Naka bantay si Joy sa may bakuran kung parating na ba si Jean.

"Ayan na!" Tumakbo si Joy sa amin at pinipilit ako pero di niya ko kaya. Syete, kinakabahan ako. Tumayo si Yo Sub at siya na ang bumatak sa akin. Nasa may harap na ng bakuran si Jean. "Go! Tell her!" Pilit nila.

Tumayo na ko at tinulak pa nila ako palapit kay Jean. "Na-naneun Jean-eul johahae. Ani, saranghae." Straight kong sabi para matapos na. Hindi naman maipinta ang mukha ni Jean. Hindi niya kasi naintindihan.

"Anong ka alienan 'yan?" Tanong niya. Buti na lang talaga Korean. "Yo Sub, what did he say?" Tanong ni Jean kay Yo Sub pero hindi sinabi. "Malalaman mo sa tamang panahon." Pa suspense na tono ni Lina. "Mga baliw. Uwi na nga tayo." Hindi na muli pang nagtanong si Jean.

Kinuha na namin ang bag namin at umalis na.

***************
Jean's POV

Umuwi kami ng maaga dahil baka sapukin kami ng mga pamilya namin. Kailangan maging mabuting anak, kapatid at apo ako para sa kinabukasan ko.

Gumugulo pa rin sa isipan ko kung anong ibig sabihin nung sinabi ni Louie. Mga sira talaga sila. Nag Korean na naman pero ako lang ang hindi naka intindi.

Bahala na nga. Sabi ni Lina sa tamang panahon ko malalaman. Saranghae? Parang naririnig ko na 'yun dati pero di ko alam kung saan.

******************
Third Person's POV

Habang Christmas Vacation ay nag bonding ang lima. Susulitin nila ang mga panahong magkakasama sila dahil babalik ulit si Lina sa Korea para mag college. Ayaw siyang bitawan ng embassy ng Korea dahil siya ang Top 1 sa buong Grade 12 ng school na pinapasukan niya.

Bisperas na ng Pasko. Napagkasunduang mag salo-salo ang mga pamilya ng bawat isa maliban kay Yo Sub dahil nasa Australia ang pamilya nito.

Sa bakuran nina Lina sila magpapalipas ng Pasko. Maganda at ramdam ang Pasko sa lugar nila dahil din sa mga ilaw ng Christmas Light at Parol na nagbibigay liwanag para sa mga puno at halamanan nila Lina.

Nakita ni Louie ang kasayahan ng bawat isa. Si Jean ang una niyang napansin na nakikipag selfie sa bawat pamilya. Umuwi na ang Mama at Papa niya bago pa ang araw na ito kaya't buong pamilya silang pumunta.

Si Joy ay nakikipag laro sa mga pamangkin ni Lina. Kita sa mga mata niya na gustong gusto niya ang mga bata.

Si Lina naman ay kumakanta sa Videoke at nanonood sa kanya si Yo Sub. Sinisigawan naman si Lina ng kanyang Kuya Michael na tumahimik na pero nagtatawanan na lang ang lahat. Maganda ang boses ni Lina pero trip lang talaga ng kanyang Kuya na asarin siya pero hindi naman tumatalab kay Lina.

Hate No More (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon