Louie's POV
Bago umalis mamayang 10 pm si Lina papuntang Korea, nagsimba muna kami ng umaga at nagdesisyong mag gala muna hanggang 5 ng hapon. Ilang oras ang byahe niya papuntang Maynila kaya hanggang maaari, kailangan niyang maging maaga sa flight niya.
"Wag nga kayong naka simangot! Babalik naman ako pag bakasyon eh." Sabi ni Lina sa amin. Pinilit na lang naming ngumiti. Baka kami pa ang maging dahilan para di siya umalis. Oo, ayaw namin siyang umalis pero pangarap niya 'yon. Hindi namin pwedeng hadlangan 'yon. Ang sama naman naming kaibigan kapag ginawa namin 'yon. We're not selfish.
Naisip ko tuloy 'yong offer ng ninong ko na mag aral sa U.K. Big time 'yong mga nakuhang ninong at ninang ko eh. Si Papa kasi madami ng kilalang mga artista at business man. Tinanggihan ko 'yong offer kasi ayokong malayo kila mama tsaka baka ma home sick ako. May sakit pa ko sa puso.
Naalala ko nung bata pa ko, 'yong ninong ko na iyon eh... Actually, siya ang tatay ng ex ko. Kakabreak lang namin noon kaya hindi rin ako pumayag na doon mag high school.
"Ang lalim ng iniisip mo Louie." Bumulong si Peter sa akin. "Nandyan lang siya, wag mo ng isipin. Baka mabilaukan 'yan." Dagdag niya pa. Nasa Jollibee kami at kumakain. Ala una pa lang kaya maaga aga pa.
Nagulat ako ng biglang nasamid si Jean. Dali namang kumuha ng tubig si Lina at pinainom si Jean. "Yan. Sabi ko sa'yo eh." Natatawa pang bulong ni Peter sa tainga ko. Binatukan ko siya ng mahina kaya tumigil na siya.
"Saan tayo pagkatapos?" Tanong ko. Susulitin na namin ang maghapon na 'to. "Sa Wonder Park tayo. Gusto kong maglaro ng mga arcade games." Sagot ni Jean habang pumalakpak at nakangiti ng malawak. Para talagang bata.
"Sige ba! Bilisan na natin!" Sabi ni Lina. Pagkatapos ay umakyat na kami sa 2nd Floor ng CPM dahil nandoon lang ang Wonder Park. Pagpasok namin ay anim lang ang naglalaro. Tanghali kasi kaya walang masyadong tao.
Naglaro ng Basketball sina Lina at Jean habang kami ni Peter ay naglaro ng Teken. "Wag kang maduga, Louie!" Sigaw ni Peter sa akin. "Anong maduga? Baliw!" Natatawa kong sabi.
Nakita ko si Jean na naglalaro at ang taas ng score niya. Kahit boyish kumilos, babae ang itsura. Pumayat din siya dahil sa stress dati. Nag 'yes' pa siya at kitang bilib si Lina. Nag apir pa sila.
"Yes! Panalo ako!" Sigaw na naman ni Peter. Yikes! Nakalimutan kong naglalaro ako. "Maduga!" Sigaw ko sa kanya. Tumawa naman siya kaya nahawa ako.
"Ano ba yan? Sigaw kayo ng sigaw." Nandito na pala sa harap namin 'yong dalawa. "Eto kasi sinamantala 'yong pagka-" Napatigil ako. Muntik na kong madulas. Syete na yan!
"Ano 'yung sinamantala ni Peter?" Tanong ni Lina na naka ambang pingutin si Peter. "A-ah. Nanakit lang kasi 'yong kamay ko kaya nahirapan ako sa control." Palusot ko. Buti na lang naniwala. Pagkatapos ay nagpunta na lang kami sa Park ng Donya Francisca. Naglakad lakad kami at naglaro sa mga slide at swing. Bata pa naman kami kaya okay lang. Haha!