Chapter 4: The Bridge

44 4 0
                                    

Louie's POV

*KINABUKASAN*

HAY!!! LATE AKO KAINIS!!! TAPOS NAPAHIYA PA!!! Nakakainis na Jean yun. Grrr...

*Flashback*

Naku naman, 7:40 na. Patay ako sa teacher namin. Umuulan pa. Basang basa nako. Nagmadali ako sa paglalakad dahil sa nakasanayang room...

"Sorry Ma'am I'm late. May I come in?" nakayuko kong sabi. "Louie, sa kabi-" hindi pinatapos ni Giant si Ma'am Crisostomo.

"Hoy basang pusa! Doon ka sa kabilang classroom! Nakalimutan mo na ba? Hahaha!!!" sigaw niya na may panlalait.

Nagtawanan ang buong klase at yung Jean the Giant na iyon ang pinaka malakas ang tawa. Nakakapikon na.

*End of Flashback*

Pumunta na ko sa classroom ko. Buti na lang mabait yung 1st subject namin. Pero tinawag niya kong pusa?! Wala siyang karapatang sabihin yun! Pinapaalala niya lang yung ex-MU ko. Kainis!

Dahil sa di ko alam kung saan ako uupo, dun sa tabi ni Lina ako umupo. Wala ng angal angal. Kaysa naman walang maupuan.

Lina's POV

Katabi ko po ang greatest enemy of my best friend. Grabe. Pero sa tingin ko mabait naman 'to. Parang may chemistry nga yung mga yun kahit na maliit si Louie at malaki si Jean. Haha! Bagay sila. I think so... I have an idea! Haha!

*Recess*

Sinundan ko si Louie sa canteen. 1st plan, kaibiganin. Hehe. Ginulat ko siya para masaya.

"Louie!"

Sumulpot ako bigla sa harap niya. Loner din pala. Talagang magkakasundo kami at ni Jean pag naging friends sila.

Wait. Parang...

"Louie!"

Napasigaw ako bigla ng bigla siyang na stun hawak ang dibdib niya. Mukhang may sakit pa ata 'to. Nilapitan ko agad siya at agad na inakay. Pinaupo ko siya muna doon sa may gilid ng hagdan sa building ng mga 4th year.

"Wait. Kuha muna akong tubig."

Hay naku. Napabili pa tuloy ako ng tubig ng de oras. Ang tanga mo kasi Lina. Di mo naisip na baka may sakit sa puso yang si Louie. You must thought the consequences, Lina.

"Eto oh." inabot ko ang tubig. Huminga muna siya ng malalim bago magsalita. "S-salamat." Hawak pa rin niya ang kaliwang dibdib niya.

"Sorry ah." paghingi ko ng tawad sa katangahan ko. "Okay lang. Next time mag iingat ka. Baka atakihin na talaga ako sa puso pag nagkataon." sabi niya. Mabait naman pala siya. Naging OA lang si Jean.

"Sorry. May sakit ka pala sa puso. Pasensya na." ulit ulit ako noh? Ganun talaga. Masanay kayo. Ininom niya muna yung tubig bago magsalita. "By the way, about kay Jean. Bakit ganun na lang siya kagalit sakin?"

"Kasi dahil sa word na 'Misunderstanding'." sabi ko. "Huh?"

"Bakit ka ba tumawa nung nagpakilala si Jean?" tanong ko. "Ah... Ano kasi yung katabi ko, si Fredie, kiniliti ako nun tapos tinutukso pa ko kay Jean na crush ko daw. Ganun." explain niya. Pagtripan ko nga 'to. Hehe.

"Totoo ba?"

"Na ano?"

"Na may crush ka?"

"W-wala." tensyonado niyang sagot. Alam na. Haha!

"Ah. Pero sana magkabati na kayo. Feeling ko magiging best friends din kayo." recommend ko sa kanya. Mas magandang friends muna sa una bago maging lovers noh. Hihihi.

"Siya naman ang gumawa ng dahilan para magalit ako sa kanya." sabi niya.

"Galit na galit ka ba sa kanya?" tanong ko.

"E-ewan? Inis siguro."

"Ganto, Louie." Tinap ko siya sa balikat. "Ako gagawa ng paraan para magkabati kayo." sabi ko.

"Paano?"

"Basta. I can handle it."

"Are you sure?"

"Yes! Tama na nga yung pag english. Baka ako naman ang atakihin sa puso niyan." natatawa kong sabi.

"Hahaha!" halakhak niya.

"Grabe ah. Corny kong 'to natawa ka pa." sabi ko.

"Mababaw lang naman ang kaligayahan ko." sabi niya.

"Pero matalino?" nakangisi kong tanong.

"Di naman. Tanga ko nga sa pag ibig eh." sabi niya ng nakayuko.

"Bakit?"

*RINGGGGG*

"Saka ko na i kwento ah. Bell na kasi." sabi niya. Panirang bell yan. Ibabato ko sa bukid yan eh.

"Yo! Baka malimutan ko." sabi ko. May memory gap kasi ako kahit bata pa. Pasensya na. "Edi alalahanin mo." sabi niya habang natatawa.

"Grabe siya. Ang hirap magkaroon ng memory gap ui." sabi ko sa kanya. "Friends?" tanong niya habang naka extend ang kamay.

"Friends pre!" sagot ko sabay apir. "Tomboy ka ba?" aba loko ata to. "Di naman. Kilos ko lang talaga ang ganto pero ang puso ko, para dun sa kababata ni Jean." hala! Napudulas pa anak ng tokwa!

"Sino?" tanong niya pa. "Ayoko. Famous dito." nakakahiya kaya. Sikat kasi eh.

"Anong section?" daming tanong ah. Male-late na kami. "Uhm... Santol?" sagot ko.

"Wait! Parang si P-" tinakpan ko yung bibig niya. Ang daming tao eh. Sira ata siya! "Don't you dare!" banta ko sa kanya sabay tanggal ko ng kamay ko sa bibig niya.

"Oh, hindi na." sabi niya habang tumatawa. "Tara na nga! Bumalik na tayo." binatak ko na siya papuntang room. Grabe talaga.

Hate No More (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon