Chapter 25: Moving Forward

29 3 0
                                    

Jean's POV

Masayang masaya akong umuwi sa bahay dahil sa nangyari. Okay lang sa pamilya ni Fredie ang maka move on ako. Very understanding sila. Pagkahiga ko sa kama, nagbukas ako ng facebook. May post na naman si Mama ng picture nila ni Papa sa Dubai. Miss ko na sila. Magpapasko na pero di pa sila umuuwi.

Habang nag scroll ako sa news feeds ko, tumabi sa akin si Florie at kinulit ako. "Ate! Tawagan natin si Mama!" Niyuyugyog niya ko. Ang lakas ng batang 'to. "Oo na! Sandali!" Tinawagan ko na si Mama para tumigil na si Florie. Palagi naman naming nakakausap sina Mama at Papa pero iba pa rin 'yung personal.

"Ma, kailan po kayo uuwi?" Tanong ni Florie kay Mama habang ako ay nakikinig lang sa kanila habang nagkakalikot sa bag ko, naka video call kasi. "Di ko pa alam anak eh. Florie, tawagin mo nga ate mo." Napalingon ako agad at hindi na hinintay pang tawagin ni Florie. "Bakit po?" Tanong ko habang papalapit sa harap ng laptop. "Ayos lang ba dyan? Okay ka na ba?" Alam ko kung anong pinahihiwatig ni Mama.

"Opo, ayos na ayos po." Ngumiti ako ng walang halong lungkot. Totoo naman na ayos na ako. "Mabuti yan anak. Florie, labas ka muna. Tawagin ka na lang ni Ate ah. Mag usap lang kami." Umangal pa si Florie pero lumabas din. "Anak, kung may bago kang napupusuan. Huwag muna ah. Mabuti na muna sigurong mag aral ka. Crush o mahal, okay lang pero yung commitment? Wag muna. Hindi ka pa capable sa ganung bagay."

Tahimik lang akong nakikinig sa payo ng nanay ko. Tama naman siya. Masyado akong naging padalos dalos sa mga desisyon ko noon kaya nasaktan din ako bandang huli. "Nagkakaintindihan ba tayo dyan?" Tumango ako bago sumagot ng 'opo'. Pagkatapos ng pag uusap namin ay tinawag ko na si Florie. Hinayaan ko na silang mag usap. Natulog na ako agad dahil sobrang napagod ako sa araw na 'to.


Presentation na namin ngayon, gutom na kaming lahat dahil bago mag lunch break ang Filipino namin. Di pa naman kami nag recess kasi nagpractice pa kami. "Next, Group 3." Kami na! Kaya ko 'to. Kaya k--. "Wag kang kabahan. Kaya natin yan. 2-3 minutes lang yung presentation natin." Nagulat ako sa pagbungad ni Louie sa likod ko. Wala namang pasintabi. "Tara na!" Sigaw niya sa mga kagrupo namin para ma cheer up.

Naging maganda ang simula ng presentation namin. Lahat ay tahimik na nakikinig. Patapos na, malapit ng magwakas. "Simon, maraming salamat sa iyo. Sa..." Nakng! Mental block. Hindi ko na mahagilap 'yung susunod na dialogue! "A-ahm..." Save me, Lord. Napapikit ako sa hiya, na nakalimutan ko ng biglang maramdaman kong binatak ako ni Louie sabay niyakap. Napadilat akong bigla. Wala sa script 'to!

"Ayos lang iyon, aking sinta. Ang mahalaga ay ika'y ligtas na." Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso niya. Kanya nga ba? O akin? Di ko na malaman. Pagkatapos ng pagkakayakap ay nagline up na kaming lahat ng Group 3. Pagkahawak ni Louie sa kamay ko ay sabay kaming napa aray. Parang may kuryente. Ground. Ganun.

Umupo kami agad. Gutom lang 'yan Jean. Ikain mo na lang. 10 minutes na lang kainan na. "Are you okay, Jean?" Tanong ni Joy sa akin. Kinakabahan pa rin ako. "Okay lang, bro." Sagot ko sa kanya pero hindi pa rin siya kuntento sa sagot kong wala din namang kasiguraduhan. "Mamayang uwian, sasabihin ko." Tumango naman siya. Alam kong alam niya na ang sagot. Gusto niya lang malaman sa akin. Di ako tanga ng tulad ng nasa telenovela noh.

Binatak agad ako ni Joy pagdating uwian. Di na ko nakaangal dahil nakarating na kami sa park. Sobrang lapit lang ng park sa school. Mga 500 meters lang kaya madali kaming nakapunta. "So, what is it?" Agad niyang bungad na tanong bago kami makaupo sa damuhan. "Joy, alam mo naman 'yung nangyari kanina, ay. Di mo na kailangang itanong." Nakayuko kong sagot sa kanya. Ramdam kong nakatingin lang siya sa akin. Hinihintay na dagdagan ang statement ko.

Hate No More (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon