Chapter 15: Outing

59 4 3
                                    

Louie's POV

Sa wakas! Dumating na ang araw ng ito! Excited na ko sa families bonding ngayon. Haha! Limang pamilya kami kaya Families. Nag arakila kami ng dalawang van para sa pamilya nung apat. May kotse naman si Papa kaya doon na lang kami.

Yung pamilya ni Peter at Lina ang magkasama sa isang van. Kina Fredie at Jean naman yung isa. Nakakapagselos pero okay lang. Tanggap ko naman.

Nakapag Bro Talk naman na kami ni Fredie. Alam niya na din na gusto ko si Jean. Siya pa ata ang unang nakaalam dahil nung first day kasi eh. Hehe. Okay naman yun basta bawal ng mang agaw. Di naman ako ganung tao. Matino ako eh.

Papunta na kaming Manila. First stop namin, Star City.

"Ang ganda naman dito!" Sigaw nila Lina at Jean.

"Jean! Wag mong sabihin na di ka pa rin nakakapunta rito tulad ni Lina?" Sabi ni Peter.

"Ah.... Eh... Hehe... Di pa eh..." Sabi naman ni Jean sabay kamot ng ulo niya.

"Di naman kasi kami gaanong nakakagala ni Ate." Sumingit yung kapatid ni Jean. Ang cute nito.  Pareho sila ng ate niya.

"Ah. Ganun ba." Sabay sabay naming salita nila Peter at Fredie.

"Parang may ochestra dito ah. Sabay sabay palagi ang pagsasalita. Planado ba yan?" Natatawang sabi ng mama ni Peter.

"Haha!" Nagtawanan na kaming lahat. Nagbayad na kami sa entrance at may nilagay na something bracelet para kada rides ay pwedeng sumakay kahit wala ng bayad dahil doon na sa entrance nagbayad. Sulit di ba?

Sa akin nakahawak ang kapatid ni Jean. Seven years old lang kasi 'to at sa akin naging close. Pogi daw kasi ako? Di kaya.

"Kuyang pogi, bili niyo ko ng stuff toy." Sabi niya. Abay kulang na lang tatay na lang itawag niya sakin. Makapag pabili, wagas.

"Florie, mahiya ka naman kay kuya Louie mo." Suway ni Jean. Umiyak naman yung kapatid niya. Yung totoo? Seven years old ba 'to o four? Di man lang ba nag mature kahit konti?

"Okay lang, sige. Ibibili na kita, Florie. Wag ka ng umiyak." Pagpapatahan ko. Tumigil naman sa pag iyak si Florie at nag yehey pa. Bata nga naman. Okay na yan, pinagdaanan ko naman yang stage ng pagkabata. Hehe.

Binilhan ko siya ng stitch na stuff toy. Iyon kasi yung tinuro ni Jean dahil paborito daw ni Florie. Bumalik kami agad kung saan nakatayo sila Mama.

Sumakay na kami sa mga rides. Roller coaster talaga yung pinaka gusto ko. Gusto ko kasi ng thrill. Nagtaka kayo kung bakit di ako pinagbawalan nila mama? Kasi malakas ang loob ko at di ako matatakutin sa mga rides. Pati viking sinakyan namin. Hilong hilo si Lina, hindi kinaya. Pagkababa naming lahat, pumasok agad siya sa may comfort room sa Star City. Alam na. Haha!

Pagkatapos ng aming pagliliwaliw sa Star City, pumunta kami sa MOA. Kumain kami sa may Jollibee. Favorite fast food chain eh. Haha!

Naging magkakaibigan na rin yung bawat pamilya namin. May sarili silang mundo kaya may sarili din kaming mundo, kaming tropa. Hehe.

Hate No More (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon