Jean's POV
Kinabukasan. Di ko na lang pinansin kung sino yung babaeng yun. Baka naman ex? Kaya nagsinungaling siya para di na ko magselos.
May pumasok na SSG Officer sa room at nagsalita sa harap.
"Magandang umaga sa inyong lahat. Ang pagbibigay sa kapwa ay isang mabuting gawa. Si Louie Herrera ng 7-Papaya ay kasalukuyang nasa St. Joseph Hospital sa kadahilanang siya'y inatake sa puso kahapon. Kahit na maliit na halaga ay malaki ng tulong upang siya'y makalabas sa ospital. Maraming salamat po." Sabi ni Kuya Gerard na President ng SSG.
Si Louie? Inatake? Bakit? Anong ginawa nung lalaking yun? At may sakit siya sa puso? Naku po... Inaway ko pa. Shocks!
"Magkano ang ibibigay mo, Jean?" Tanong ni Fredie sakin.
"20 na. Kailangan eh." Sabi ko.
"Akin 50 na para makalabas na agad si Louie. Hay... Kawawa naman siya." Ang bait niya talaga.
Ngumiti na lang ako sa kanya.
"Akala ko ba galit ka kay Louie?" Tanong niya.
"Ah... Napag isip isip ko kasi na time na para magpatawad. Hindi naman napakalaki nung ginawa niya at nagbabago na yung tingin ko. Di naman siya mayabang. Hay... Mali yung first impression ko." Nakakababa man ng pride pero yun ang totoo. Kailangan na naming mag usap.
"You know, Jean." Panimula niya. Pansin niyo ba na wala kaming endearment? Ayaw ko kasi, corny pakinggan. "Kailangan mag usap na kayong dalawa,hindi yung ganyan. Kahit tatlong linggo ko pa lang nakasamasa si Louie nung pasukan, nakilala ko agad siya kahit feeling close ako sa kanya at may alam akong sikreto niya na bawal sa sabihin sa iba." Sabi niya.
"Anong sikreto?" Na curious ako, sorry na.
"Syempre, secret noh. Dati nalilito pa siya pero ewan ko kung na realize na niya." Pa curious naman 'to eh.
"Oo na. Ayaw mo ngang sabihin eh. Wag ka ng magpa curious." Pagtatampo ko pero walang effect. Tumawa lang siya ng tahimik.