Chapter 17: Grief

38 3 0
                                    

Lina's POV

Isang linggo na ang nakalipas. Malapit ng magpasukan at isang linggo na rin ang nakalipas simula noong ma-operahan si Louie na nasa Maynila pa rin dahil naka confine pa para sa obserbasyon. Naiuwi na si Fredie, at isa na siyang... abo. Kailangan kasing i-cremate ang katawan niya dahil hindi pwedeng ibyahe ang bangkay nito. Madami daw aasikasuhin na documents kapag ganun at maglalabas pa ng malaking halaga.

Nandito kami ngayon sa bahay nila Fredie. Dito gumawa ng musileo para sa lalagyan ng jar ng abo ni Fredie. Hay... Nakakamiss yung kulitan naming lahat.

Si Jean naman, ayun sa sulok. Tulala.

Hindi umiiyak. Malaki na ang eye bags. Nakita kong lumapit si Tita Carmina sa kanya, mama niya. Nagsalita si Tita Carmina na halos di ko marinig at pagkatayo ni Tita ay nagsalita pa. Ang huli lang napakinggan ko, "Umiyak ka, anak." Saka umalis.

Di pa namin nakikitang umiyak si Jean simula ng mawala na si Fredie. Minsan lang daw kumain kaya nangayayat siya. Nawala na yung malaking Jean. Yung matakaw, nawala. Nilapitan ko siya para kausapin. Kailangan niya siguro ng comfort. Mali, kailangan niya talaga. Kailangan mag sink in na sa kanya para maka let go na.

"Jean." Tawag ko. Hindi pa rin siya lumilingon. Di ko rin naman siya masisisi. Fisrt love, first boy friend and first heart break. Heart break na hindi dahil sa break up, mas mas masakit pa. Patay na ang mahal niya.

"Jean, tumingin ka sa akin." Hindi niya pa din ako pinapansin. Iniharap ko siya sa akin at sinampal ko na ikinagulat nila Mama at iba pa.

"Bakit mo sinampal?" Tanong ni Mama. "Para matauhan po." Di na nila ako pinakailaman. Ako ng bahala dito. Kailangan niyang malagpasan ang pagsubok na 'to.

Five stages of Grief. Kailangan niyang pagdaanan lahat yun.

1. Denial
2. Anger
3. Bargaining
4. Depression
5. Acceptance

Kailangan niya para makalaya siya. Nasa one na siya. Di pa nagsisink in. Panigurado ay naiisip niya na hindi totoo ang lahat ng 'to. Na panaginip lang. Nagtataka ba kayo kung bakit ganito na ko mag isip although I'm just a 12 year-old girl? Simple lang, pinagmature ko ang sarili ko. Mahilig ako sa logics, psychology, science, philosophy at quotations in life.

"Jean! Ano ba?!" Sa wakas! Tumingin siya sa akin kaso... Walang emosyon. Tulala. Tumayo ako at pumunta kay Tita Yvet. Nagtanong ako kung may bakanteng kwarto pa sa bahay nila. Meron naman kaya bumalik ako kay Jean at binatak ko siya. Wala pa din siyang reaction.

Pagdating sa kwarto, ni lock ko muna para walang makapigil sa gagawin kong oplan acceptance.

Pinaupo ko siya sa kama. Kumuha ako ng upuan at umupo sa harap niya mismo. Nagsimula na ko sa kailangan kong gawin.

"Jean, wala na siya. Tanggapin mo na." Sabi ko sa kanya. Hinihintay ko ang nagiging reaction niya at di ako nagkamali, nasa stage one siya. Denial.

"Hindi. Buhay siya. Alam ko yun. Yang abo na nandyan, peke yun. Magkasama pa rin sila ni Louie sa Maynila. Buhay pa siya." Sabi niya habang nakatulala sa kawalan.

Hinawakan ko siya sa dalawa niyang balikat at niyugyog ko siya. "Gumising ka nga!" Sigaw ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. Pinapahiwatig na 'tumigil' ako. Natakot ako sa naging aura niya. Hay...

Hate No More (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon