Louie's POV
Pagkauwing pagkauwi ko, humiga ako sa kama ko. Nakakapagod! Nakakainis! Di man lang ako pinag explain tapos tatawagin pa kong pusa? Seriously?!
Nagpagulong gulong ako sa kwarto ko ng biglang nasipa ko yung maliit na lamesa ko sa kwarto. May drawer din. Malupit di ba? Kakaiba, hindi common. Joke.
May naalala ako sa drawer ko. Binuksan ko at kinuha ko ang isang box.
Box that full of memories...
Binuklat ko yun at nakita ko ang picture namin... ng first love ko. Si Reyha. Grabe ako noh? Elementary pa lang may first love na ko. Siya lang ang tumatawag na pusa sakin. First girl friend ko din siya pero hiniwalayan niya ko nung Grade 6 kami at saktong graduation.
*Flashback*
Sobrang saya ko, nakapagtapos na ko! Yes! Nakita ko si Reyha, kasama niya ang mama niya. Mapuntahan nga.
"Hi Reyha!" niyakap ko siya ng mahigpit pero di niya binalik. Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya. "Bakit? Anong problema?" tanong ko.
"Tita, ano pong nangyari?" tanong ko sa mama niya. Legal naman kami. "Di ko alam. Ilang linggo ng ganyan yan." sagot ni Tita sa akin. "Reyha, anak. Di ba dapat masaya ka kasi Top 2 over all si Louie? Bakit malungkot ka?" tanong ni Tita kay Reyha.
Tumingin si Reyha sa amin ni tita at nagulat ako ng batakin niya ko. Ang sakit ng pagkakahawak niya sa akin.
"Reyha! Ano ba?" sigaw ko. Ang sakit kasi. Bumabaon yung kuko niya. Tumigil kami sa paglakad nang makarating kami sa classroom namin. Walang ibang tao. Kaming dalawa lang.
"Ano bang problema, Reyha?" nag aalalang tanong ko sa kanya. "Break na tayo." tumahimik ang buong paligid. Di ako makakilos. Bakit...
"Bakit, Reyha? Anong nagawa ko?" tanong ko pero lumakad siya palabas. Bago pa siya makalabas, "Di na kita mahal. Pasensya na kung limang buwan na kitang niloloko. Si Lemuel na ang gusto ko." nagulat ako sa mga sinabi niya. Nang dahil lang kay Lemuel?!
"Dahil ba siyang valedictorian? Tama ba ko?" mahina kong sabi pero may panggigil. Ang sakit. May mga tumulong luha sa mga mata ko. Tumingin lang siya at ngumiti, "Oo." at umalis na siya. Worst day.
*End of flashback*
"Kung di mo ko mahal, Reyha. Pinaparaya na kita." Tinapon ko na yung box. Kailangan ko ng makalimot. Mag aaral muna ako. Naglinis na ko ng katawan ko at nag syiesta na. 3:30 pm pa lang naman eh.
Kinabukasan. Maaga akong pumasok. Kailangan kong makwento kay Lina yung sa past ko. Mukhang gulong gulo siya kahapon dahil na iniasta ko.
Pagkita ko agad sa kanya, ikinuwento ko lahat. Naintindihan niya naman. "Alam mo Louie, tama yang ginawa mo. Para makalimot ka, kailangan mo ng itapon lahat ng alaala niyo. Buti na lang at naikwento mo sa akin. For sure, magaan na ang kalooban mo kasi nailabas mo na lahat." sabi niya. Napaka open minded nitong si Lina, may pagka loner lang taglay.
"Ikinuwento ko na rin sayo yan para malaman mo kung bakit ayaw kong tinatawag akong pusa. Ang ganda kaya ng mata ko para maging pusa lang. Tapos ang pogi ko." natatawa kong sabi sa kanya. "Wait, bukas ba yung aircon? Bakit ang lakas ng hangin?" sarcastic niyang sabi.
"Ang sama talaga nito." huling sabi ko. Humarap ako sa bintana at may nakita ako, bad day again. Tsk.
Jean's POV
May crush ba si Lina kay Louie? Naku... Di ako papayag. Dapat lang na magdusa si Louie. Pero... Parang may pumipigil sa akin na gawin yun. Ano nga bang ginawa ni Louie na sobrang kinagalit ko? Naguguluhan na ko pero isa lang ang alam ko, napahiya ako.
Kinabukasa, pumasok ako ng maaga. Papalakad pa lang ako papasok ng room, nakita ko si Louie sa loob ng room nila. Ang sama ng tingin sa akin. Di ko na lang tiningnan. Mamaya ko na lang aawayin. Wahaha!!!
Bago ako pumasok ay tinawag ako ni Lina. "Jean!" tumakbo siya palabas ng classroom nila at hinawakan ako sa braso. "Mag usap nga tayo." seryosong sabi niya.
"Mukhang kailangan nga nating mag usap eh. About sa inyo ni Louie?" sabi ko.
Seryoso na talaga siya. "Hindi. About sa inyo, Jean. A Nonsense issue."