Chapter 8: He Knew It

50 4 1
                                    

Jean's POV

"Ano naman yung sasabihin mo? Panong naging nonsense issue?" tanong ko sa kanya. Bago niya sagutin, binatak niya ko sa likod ng classroom namin para walang makarinig.

"Alam mo Lina, maiintindihan naman kita kung crush mo si Louie pero tand-" "Ha?!" gulat niyang sabi. "Bakit? Tama ba ko?"

"Ano na naman yang naiisip mo Jean? Hindi ko gusto si Louie. Kilala mo naman di ba kung sinong gusto ko." Paliwanag niya pero di pa rin ako kumbinsido.

"Ows. Naku nga Lina. Wag mo ng pagtakpan." sabi ko habang nakangisi. "Jean, hindi ko gusto si Louie. Baka ikaw ang may gusto kay Louie kaya ka nagkakaganyan? Tsk." siya naman ang ngumisi.

"Ako? Duh? Si Fredie ang crush ko." napatakip ako ng bibig sa sinabi ko. Anak ng!

"Si Fredie? Haha! Yung playboy na yun?" panong playboy? Mabait si Fredie! "Alam mo kung bakit nasabi kong playboy si Fredie? Simple lang, pinaiyak niya si Joy. Kaklase ko nung elementary. Ex niya." dugtong niya.

"Di totoo yan, Lina. Mabait si Fredie. Alam ko yun dahil ako ang nakakasama niya." naiinis kong sabi. "Di mo pa siya kilala. Baka mamaya ikaw na ang next victim niya. Mag ingat ka."

Aalis na sana siya ng may sabihin pa siya. "Mas matino pang kausap si Louie kaysa kay Fredie." bago siya umalis.

Nanatili lang ako doon. Paano nga kaya kung... Hindi! Mabait si Fredie. Hay! Naku naman. Tsaka alam ko naman di kayang ipagpalit ni Lina si Peter eh.

Si Peter eh yung kababata ko. Nagustuhan siya ni Lina nung bakasyon daw kasi nakita niya sa may mall na nagpapicture para sa I.D. Nagustuhan niya kasi nung natalisod yung camera man, tinulungan niya.

Nung kinuwento niya yon, sinabi kong mabait naman talaga yun. Magkaibigan na sila pero di pa alam ni Peter na may gusto si Lina. Hayst... Tama na nga yan.

Makabalik na nga sa classroom. Malapit ng mag time. Pabalik na ko ng biglang may humarang. Patay.

"Gusto mo pala ako ah." sabi niya sabay kindat. A-alam niya na. Tumakbo ako. Wala na kong mukhang maihaharap kay Fredie. Alam niya na.

Papasok na ko sa room pero pinigilan niya ko. Hawak niya ang kamay ko. Nakatingin siya ng seryoso. Parang matutunaw na ko. Umayos ako ng pagkakatayo. Aakting ng na lang ako ng parang wala.

"Fredie, alam mo. P-palusot ko lang yun noh. Wag kang feeling." tumawa ako pero, peke lang.

"Wag mo ng i deny. Na sabi mo na eh." sabi niya kaya tumahimik ako. Pumasok na lang ako ng classroom pero sinundan niya pa din ako hanggang sa upuan ko. "Fredie, bumalik ka na sa upuan mo. Parating na si Ma'am Crisostomo." sabi ko sa kanya.

Tumingin ako sa upuan niya at nakita kong nakatingin sa amin ang tropa niya. "Fredie, hinihintay ka na nila Rody. Pumunta ka na doon." umiling lang siya. Naiinis na ko. Hayst!

"Ano bang gusto mong gawin ko para bumalik ka sa upuan mo at tigilan mo ko?!" naiinis na ko. Nakatingin kasi siya sa akin tapos nagpapa cute pa. Anak ng!

"Ang gusto ko, aminin mo sa akin ang totoo. Di ba magkaibigan naman tayo?" sabi niya ng dahan dahan na parang bata.

"Oo na! Sige na. Totoo yon! Crush kita! Masaya ka na?" no choice. Kailangang aminin. Pagkatapos nito, di ko na alam ang gagawin ko.

Tumingin lahat ng kaklase namin. Masyadong malakas ang pagkakasabi ko. Ayan na. Nagtuksuhan na naman. Kaya ayokong may makakaalam na kaklase ko eh. Kantsawan kase.

"Ayiiieee!"

"Crush ni Jean si Fredie!"

"Meant to be! Pareho silang malaki! Haha!"

Hayst!

"Sasabihin mo din pala eh." tumayo na siya at bumalik sa upuan niya. Buti na lang dumating na si Ma'am. Tumahimik lahat.

Nakita kong nagbulungan sila ng tropa niya. Di ko na lang pinansin. Tropa nila yun eh. Lima sila.

Sila ang 'The Crashes'. Yes, crashes hindi crushes. Pero gwapo silang lahat kaya madaming nagkakagusto sa kanila. Tama na nga yan. Makikinig na ko kay Ma'am.

Hate No More (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon