Louie's POV
Pumasok ako maaga dahil may usapan kami ni Lina na siya ang kakausap kay Jean kung anong meron sa kanila ni Fredie. Nakita niya kasi kahapon na nakahawak ako sa dibdib ko at namumutla. Inaatake ako kahapon pero buti na lang at inagapan ni Lina.
August pa lang pero nagkakaganito na ko. Bakit ang lakas ng epekto ni Jean sa akin? Hayst. Napaamin ako kay Lina ng de oras. Oo na, may gusto ako kay Jean kahit ang sama niya sa akin. Di ko alam kung bakit ko siya nagustuhan pero bakit kailangan pa kong sumpungin ng dahil lang sa selos? Di naman ako nagkaganito kay Reyha kahit nung nagbreak kami.
Yes, di na ko bitter. Naka move on na ko sa babaeng iyon. Di ko nga alam kung 1st love ba talaga yun o puppy love lang.
Dumating na si Lina. Umupo siya sa tabi ko at... kinikilig?
"Hey, bakit namumula ka? Para kang timang, nakangiti ka pa." pang aasar ko pero di siya nag react.
"Huy!" natauhan naman siya ng gulatin ko. "A-ano?" aba, tulala nga kanina.
"Anong nangyayari sa 'yo? Bakit kinikilig ka?" pagtatakang tanong ko. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Nakakapanibago. Puro kasi pag aaral at pagkanta ang pinaiiral. Haha!
Humarap siya sa akin at hinawakan ako sa dalawang balikat ko tapos bigla akong niyugyog. "Pre! Grabe! Best day ever!" sigaw niya sa akin.
"Ano ba kasi yan?!" pasigaw kong tanong. Nakaka ano na eh ha. Haha!
"Kasi kasabay ko siyang pumasok..." bulong niya. "Nino?" di ko naman kasi kilala kung sino. Malay ko ba. "Si... Peter pre..." kinikilig pa siya ng sabihin niya yan. Haha!
"Oh, ano pang nangyari?"
"Kinausap niya ko, as in! Mamaya daw sabay kami. Kung sasabay ka, sa likod ka para tabi kami. Haha!" sabi niya. Mga galawan ni Lina ah. Di ko alam na may ganito siyang side. Hihihi.
"Oo na. Sige. Di ba kakausapin mo pa si Jean? Sige na." pilit ko sa kanya. "Oo na po. Crush mo kasi eh..." bulong niyang sabi. Siya naman ang nang aasar. Siraulo talaga 'to. Haha!
Tinulak ko na siya palabas. Kinakabahan ako. Bigla kasi naming nakita si Fredie... may dalang rosas? Ano 'to?
Jean's POV
Pagpasok ko, wala pa si Lina sa room niya. Ang aga aga kong pumasok. Nag iisa lang ako dito. Dumukdok muna ako para makaidlip sandali.
Habang ako'y nakadukdok, mga 20 minutes na rin, ay may kumalabit sa akin at kinabahan na naman ako. Yung ngiti niya talaga, napaka disente.
"Jean, para sayo." nag abot siya ng bulaklak, rosas na puti at isang kitkat na tsokolate. Kami pa lang ang nandito. "P-para saan 'to?"
"Para sayo. Di ba nga, liligawan kita?"
"Oo nga pala. Pasensya na." napakamot ako ng ulo. Kinakabahan pa rin ako. Ang lapit niya sa akin.
"May sasabihin ako, Jean. Di ko pa nasasabi lahat." hinawakan niya ang kamay ko. Anak ng!
"Jean, gusto kita. Last month pa. Kaya nandito ako, inaamin ko lahat." nakatingin siya ng seryoso sa akin habang sinasabi iyon.
"Ah. Okay..." wala na akong ibang masabi. Kinakabahan talaga ako ng sobra. Yung naririnig ko na yung bawat heartbeat ko.
Nagsidatingan na ang mga kaklase namin at bumalik na siya sa kinauupuan niya. Grabe, this is the first time na may gumawa sa akin nito.
"Louie!" nakita ko si Lina galing sa gilid ng room. Nagmamadaling naglakad si Louie. Anong nangyari? Narinig kaya nila? Ano naman ngayon kay Louie? Eh ayaw niya sa akin because we're enemies, right? Tsk.
Lina's POV
Nakita namin si Fredie. Sumama sa akin si Louie para makita niya ang mangyayari. Baka ano kasing gawin ni Fredie. Silang dalawa lang ang nasa room.
Ibinigay ni Fredie ang white rose at chocolate. Itong katabi ko naman, ang sama ng tingin kay Fredie.
"Huy, anong mga tingin 'yan? Para kang papatay ah." bulong ko sa kanya.
"Di ba nga, liligawan kita?"
"Oo nga pala, pasensya na."
Rinig namin sa loob. Narinig pa namin lahat ng usapan nila Fredie at Jean. Kinakabahan ako para sa kaibigan ko, baka masaktan siya ng sobra. Pinapa-fall siya ni Fredie. Ayaw naman kasi niyang maniwala na ganun ang pakay sa kanya ni Fredie dahil playboy siya.
Naunang umalis si Louie, namumula na siya... sa selos. Delikado sa puso niya. Naku naman.
"Louie!" sigaw ko at hinabol ko siya hanggang sa room.
"Ano?" tanong ko sa kanya habang papaupo sa upuan namin.
"Nakakainis." mahina pero may diin niyang sabi.
"Nagselos ka?"
"Ano sa tingin mo?" halata sa boses niya. Nagselos nga.
"S-sorry naman, pre." grabe. Ang tensyonado ng palagid ah. Di bale, may kasabay naman ako mamaya. Hihihi
"Lina." tawag niya.
"Ano?"
"P-paki kuha yung gamot ko sa bag. N-nakalimutan ko pa lang uminom..." nahihirapan na siya kaya dali kong kinuha yung gamot niya.
"Ang tanga mo! Bakit mo kinalimutan yung pag inom mo ng maintenance mo? Paano na lang kung atakihin ka? Hayst!" kinuha ko yung tubigan niya at binigay ko na sa kanya ang gamot at tubig niya.
Pagkatapos niyang uminom. "Sorry. Pasensya na."
"Wag mo ng gagalitin ang sarili mo. Matuto kang kumontrol ng emosyon mo." sermon ko.
"Opo."
Matapos ang maghapon ay umuwi na kami at kasabay nga namin si Peter. Si Peter pa mismo ang pumunta sa room para sunduin ako. Gentleman overload talaga. Kaya ko nagustuhan ni 'to eh. Hihihi.
Buti pa ito, maayos ang love life ko. Aminan na lang ang kulang. Joke! Walang gusto sa akin si Peter. Asa pa? Haha! Kay Louie? Iyon, nasa karibal niya yung gusto niya at ayaw pa sa kanya nung taong gusto niya. Malupit di ba? Hindi pa alam ni Jean na gusto siya ni Louie. Saklap.