Jean's POV:
First day of High School! Grabe... Tumatakbo lang naman ako ngayon at hinahanap ko kung saan ang room ko dahil na late ako. Pagod na pagod na ko kakaikot dito. Ang laki ko pa naman. Alam niyo na yun pero hindi naman sobrang katabaan. Gymnast na ko nung elementary ako. Grade 7 pa lang ako ngayon. Ang school namin ay City of Balanga High School. Bagong batch ng K-12. Year 2013-2014 lang naman.
Eto na! Nahanap ko din at last! Pagpasok na pagpasok ko.
"Sorry Ma'am I'm late. May I come in?" , sumagot naman yung mga kaklase ko, "Yes you may!"
"Sakto, magsisimula pa lang kami mag pakilala isa isa. You may take your seat here in front." sabi ng teacher ko. Hay... Buti na lang mabait. "Sige po." na lang ang tanging lumabas sa bibig ko.
Buti na lang mabait yung adviser namin. Nakahinga ako ng maluwag dun ah.
"Okay, I will introduce myself. I'm Ms. Aila Crisostomo. You can call me Ma'am Crisostomo. I'm your Adviser and your English teacher. May pag asa pang maglipatan ng section dahil hindi pa sigurado ang sections niyo. By last name ang basehan, alphabetically kaya maaaring mausog kung may kulang na estudyante sa isang section. Now, it's your turn to introduce. Let's start from you. Your name, age and school kung saan ka nagtapos ng elementary." Ang speech ni Ma'am. Haba ah. Pero...
Ako agad? Grabe naman si Ma'am sakin. Pumunta na lang ako agad sa harap para matapos na.
"I-I'm Jean C. Jeson. 12 years old. From Cataning Elementary School."
Napakamot ako ng ulo dahil sa hiya. Nakapukaw ng pansin sa aming lahat ang isang lalaking tumawa. Nasa harap din siya pero sa kabilang row lang. Di ko alam kung bakit siya tumawa. Yung tawa niya parang pinipigilan niya pa kanina kasi habang nagsasalita ako, nakatakip yung bibig niya.
Napa sorry sabay peace sign na lang siya. Yabang. Kala mo kung sino. Tingnan lang natin kapag lumipas ang mga buwan kung nasa top ka pero I'm sure, baka wala ka pa sa top 20.
Louie's POV:
Grabe 'tong katabi ko. Makatukso sa akin wagas. Ganto kasi yun.
"Pre, wag ka ngang maingay. Lumipat ka dun oh. May bakante pang upuan." iritang sabi ko kay Fredie.
"Ayoko nga. Tsaka di ba nga sabi ni Ma'am, may isa pang late tsaka babae yun." confident na sagot niya. Feeling close eh. Di naman kami magkaibigan. I did not consider him as a friend. Kakilala lang.
Napatingin ako sa labas dahil may nagsalita sa pinto.
"Sorry Ma'am I'm late. May I come in?" ow... Ang ganda niya kahit medyo chubby siya. "Yes you may!" sigaw ng mga kaklase ko.
Nagsalita pa ang teacher namin habang ako? Ewan ko ba pero lutang ako.
"Hey! Pre, tulala ka ata. Ayiiieee. Crush niya yung babae." natauhan ako ng sabihin ni Fredie yung crush? Di nga... "H-huh? Di ah."
Deny ko.
"Naku nga. Aminin mo na. Maganda naman eh. Malaki lang siya." panunukso niya pa. "Hindi nga!"
Pinipigilan kong ngumiti. Ewan ko kung bakit gusto kong ngumiti.
"Yan na siya! Siya na yung magsasalita!" turo sakin ni Fredie.
Medyo malakas yung pagkakasabi niya kaya gusto kong tumawa pero di ko magawa kasi nakakahiya. Loko loko kasi 'tong si Fredie.
Bumulong ako ng lagkahina hina, "Ano kayang pangalan niya?" Pero narinig nitong Fredie na to.
"Hoy, pinagpapantasyahan mo na. Ayiiiee."
Ayan na naman siya. Nagsasalita na yung babae kaso di ko maintindihan kasi distraction 'tong si Fredie. Kainis lang. Buti na lang may pag asang malipat ng section.
Nagulat ako sa ginawa ni Fredie, kiniliti na niya ako pagkatapos magsalita nung babae sabay 'ayiiieee' sa akin. Baliw talaga. Pero... Ang sama ng tingin sakin nung babae. Bakit?
May nagawa ba kong mali?
Napaka tensyonado ng buong paligid. Kahit na uwian, nakita ko yung babae na masama ang tingin sakin. Patay.