Chapter 20: Sad Surprise

30 4 1
                                    

Jean's POV

This is it! Ngayon na ang araw na pinakahihintay namin. Masasabitan na naman kami ng medal sa harap ng madaming tao. Nakakakaba pero keri lang. Naka uniform lang naman daw sabi ng principal namin. Mga 4th year lang ang naka toga. Syempre, sasabitan lang kami. Sila incoming graduates. Sayang at hindi kasama si Lina. Ayaw niya daw kasi ng retain grades. Gusto niya daw makita ang totoong grades niya. May konting pride din 'yung babae na iyon.

Natawa naman ako sa naiisip ko. Napatingin ako sa paligid ko. Nandito na pala ako sa school at nakatingin 'yung ibang mga kasama kong Grade 7 sa akin. Nag peace sign ako sa kanila. Baka mapagkamalan pa kong baliw. Di naman na sila tumingin sa akin. Hanggang ngayon wala pa sila Peter. Malapit ng magsimula eh. Alas sais ng gabi ang start ng program. Nagulat ako ng biglang may nagyugyog sa akin mula sa likod ko.

"Anak ng!" Si Lina lang pala. Kasama niya ang Mama niya. Natatawa si Tita habang 'yung babaita naman ay tawa ng tawa. "Grabe 'yung reaction mo Jean!" Tawa pa rin siya ng tawa. Pinagtitinginan na kami. Loka loka talaga 'to kaya natawa rin ako. Binatukan ko siya para matigil na. "Ah! Grabe ka ah!" Binatukan niya din ako. "Yan! Kwits na tayo. Haha!" Nangiti na lang ako sa kabaliwan niya. Walang pagbabago. "Ang tagal naman nila. Nauna ka pa sa sasabitan." Sabi ko habang lumilinga linga kung saan saan dito sa school.

Napatingin ako kay Lina ng tumunog ang cellphone niya. "Wait, bro. Ay! Si Peter."

"Anong sabi?"

"Papunta na daw sila ni Louie."

"Bakit magkasama 'yung dalawang 'yun?"

"Nag gala daw sila bago mag ayos at pumunta rito." Hay naku. Mag best friend nga talaga. Hindi mapaghiwalay 'yung dalawang iyon. Kapag dito sa school, kadalasan silang mag usap ng sila lang. Ang nakakapagtaka, seryoso sila. Pakiramdam ko may sikreto sila. Minsan makikita kong kasama nila si Lina sa usapan nila at ako lang ang hindi nila sinasama. Bahala nga sila. Ayoko namang magtanong. Baka sabihing curious ako. Hindi naman eh. Hindi nga?

"Jean!" Nabalik ako sa wisyo ng sumigaw silang tatlo. Aba'y nandito na pala 'yung mga VIP ang datingan sa ayos. "Bakit parang tulala ka dyan? Katabi mo lang ako, iniisip mo pa ko." Hindi ako makapagsalita ng marinig ko ang boses niya. "Silence means yes!" Sigaw ni Peter.

"Ano ba? Hindi nga eh. Ang kulit niyo." Sumandal na lang ako sa pader. Naiistress ako. Bakit ba nagkakaganito ako? Si Louie lang 'yon. We're just friends. Close friends, best friends at iyon lang. Si Fredie pa rin ang mahal ko.

"Di bagay sa'yo ang mag isip ng malalim." Narinig ko si Lina na nagsalita. Nasa tabi ko na pala siya at nakasandal din. "H-ha? Di ako nag iisip ng malalim." Sinungaling ka Jean. Best friend mo 'yong kausap mo!

"Kilala kita. Kahit di mo sabihin ngayon, sasabihin mo rin yan pag di mo na kaya. Pumunta ka na doon sa pila mo. Hinihintay ka na ng lola mo. Malapit na magsimula." Tumingin siya sa relo niya. "Three minutes bago magsimula. Go!" Tinulak na ko ni Lina. Naglakad na ko papunta sa pila namin ni Lola. Wala si Mama dahil nasa Dubai na siya.

Hate No More (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon