Jean's POV
Ayos na kaya si Lina? Ilang araw na siyang di tumatawag at nag o-online. Malapit nang mag Christmas Party. May group activity kami sa Filipino bukas. Kagrupo ko si Joy at siya ang naatasan ng lider na maging scriptwriter dahil sa angking galing niya sa pagsusulat ng istorya.
"Mamayang hapon, dapat may script na tayo para makapag practice na ng role playing. Jean, tumulong ka sa pagbibigay ng ideya sa script na gagawin ni Joy. Okay?" Napadilat ako sa narinig ko. Si Joy?! Ang init nga ng dugo sa akin ng kambal ni Fredie eh!
"Okay." Cold na pag sang-ayon ni Joy habang ako? Di makapaniwala. Umaga pa lang at magrerecess na. Pumunta ako kay Joy para tumulong.
"I don't need your help. Bumalik ka na lang sa upuan mo." Bungad niya pagkaupo ko. Tiningnan ko siya, nagsusulat na siya sa yellow paper niya. "Joy, hindi sa lahat ng pagkakataon, ikaw palagi ang gagawa mag isa. Ang topic natin ay epiko. May idea ka about sa pasikot sikot ng ganung genre ng kwento?"
Lumingon siya sa akin sandali pero bumalik siya agad sa pagsususlat. "Kaya ako na assign ng lider natin na tumulong sayo dahil mahilig akong magbasa ng kahit anong genre ng kwento. Di man ako magaling sa pagsusulat ng may buhay, kaya kong magbigay ng idea kung anong tamang scene ang susunod." Dagdag ko pa.
Napatigil siya sa pagsusulat ng dahil sa mga sinabi ko. Tumayo na ko sa kinauupuan ko pero di ako umalis agad. "Wag puro pride ang pinaiiral mo. Kaya wala kang kaibigan dahil dyan sa ugali mo. Joy, di mo pa ko kilala pero nagawa mo na kong husgahan. Subukan mo muna akong kilalanin bago mo ako I judge. If you need help, tawagin mo lang ako."
Paalis na ako ng bigla niya kong tawagin. "Jean. I need your help." Napahinto ako sa sinabi niya. Ito ang unang beses na humingi ng tulong si Joy. "Sure." Umupo ako agad sa tabi niya at nagsimula na kami. Dapat maikli lang ang kwento pero dapat, hindi bitin ang pakiramdam kapag binasa o pinanood. Dapat ma satisfied ang mga manonood lalo na ang teacher namin.
Pagkatapos ng recess, nakatapos na kami ng ¾ ng kwento. Magaling sa pag iisip ng linya si Joy. Bagay sa kanya ang pagiging scriptwriter. Pagdating ng lunch, nag polishing at editing na kami. Ako ang nagbibigay sa kanya ng malalalim na salita. Formal siyang magsalita sa akin. Feeling ko tuloy ang tanda ko.
"Joy, magsalita ka ng informal. Feeling ko tuloy mas matanda ako sayo eh kahit na mas bata ako." Sabi ko sa kanya ng medyo natatawa. Napangiti naman siya sa sinabi ko. "Ah! Ngumiti ka!" Sigaw ko dahil first time yun. Hindi pilit. Bigla naman niyang pinigilan yung ngiti niya.
"Hindi ako ngumiti." Sabi niya kaya pinagpatuloy ko siyang tuksuhin. "Ngumiti si Joy for the first time!" Tuloy ko ng panunukso. Nakikita kong nagpipigil siyang ngumiti. "H-hindi nga!" Deny niya pa rin. "Ngumiti ka eh. Kita ng dalawang mata ko!" Pinandilatan ko siya para i-emphasize yung dalawang mata.
Hindi na niya napigilan at natawa siya ng konti. "Natawa ka! First time! Achievement unlocked!" Sabi ko habang pumapalakpak pa. Nakatingin na sa amin yung mga kaklase namin. Kahit sila nagulat ng makita nilang nakangiti si Joy. "Tumigil ka na nga, Jean." Natatawa niya pang sabi.
"Oo na! Titigil na. Tapusin na natin 'tong script." Tinapos na namin 'yung kwento. Binigay na namin sa lider 'yung ginawa namin at napagdesisyonang mag lunch kahit 10 minutes na lang ay klase na ulit.
"Thank you, Jean." Pasasalamat niya habang kumakain kami dito sa room. "A-ah. You're welcome. Ganun talaga, kailangan eh." Sabi ko at ngumiti ako sa kanya. "Hindi dahil doon." Napatigil ako at hinayaan ko siyang magsalita pa. "Dahil sa mga sinabi mo, natauhan ako. Sorry kung inaway kita." Ngumiti ulit ako sa kanya. Buti naman at may na realize siya.