Louie's POV
Lumipas ang isang buwan. Di pa rin kami nagkakaayos ni Jean. Mukhang nagkamabutihan na talaga sila ni Fredie. Ang sakit lang pero sabi nga ni Lina, kontrolin ko ang emosyon ko lalo na at delikado sa puso ko.
Malapit nang mag October. Nagbabalak kami nila Lina na maggala sa Manila kapag sembreak na kasama ang mga magulang namin at si Peter. Tropa na namin si Peter. Madami na ring na kwento si Peter tungkol kay Jean dahil magkababata sila.
What a coincidence, right? May something na kila Lina at Peter ngayon. Buti pa sila...
Nakita ko sila Lina at Peter na papalapit sa akin. Galing sila sa canteen dahil sila na daw ang mamimili ng pang recess namin. Ayaw pa kasing umamin ng mga ito. Ayoko na lang silang pakialaman.
"Bro! Ito na oh." sigaw nila sa akin. "Madami yan. Akin lang 'tong chocolates ah." sabi ni Peter. Grabe talaga 'to pag chocolates, nagdadamot. Haha! " Sayong sayo na. Di ka namin pipigilan." Natatawa kong sabi.
"Tama na nga yang usapang tsokolate. By the way, ang tagal naman kasi mag sembreak. Excited na ko pumuntang Star City tsaka sa MOA. First time kong makakapunta doon eh." sabi ni Lina habang nakatulala sa kisame ng room.
First time niya?! "Are you serious?!" sabay naming sabi ni Peter. Grabe, ganun siya ka grounded?
"Grabe kayo sakin. Edi kayo ng nakapunta. Mga anak mayaman kasi kayo eh. Tsss..." Hala, nainis siya oh.
"Sorry na, Lina. Nagulat lang talaga kami." Eto na naman si Peter. Sinusuyo si Lina with matching paghawak sa dalawang braso ni Lina tapos nagpapacute. Sira talaga. Haha!
"Che! Porke alam mong gusto kita, makukuha mo ko sa ganyan." Aba, pakipot pa. Pag untugin ko kaya 'to. Aha! Alam ko na!
"Nilalanggam na yung chocolate oh!" sigaw ko para tumigil na sila. Haha! Tumingin naman silang pareho sa chocolate. Uto-uto talaga. Hahahaha!!!
"Di naman ah." sabay nilang sabi tapos binatukan pa ko. Aba'y, meant to be nga. Haha!
"Haha! Di pala yung chocolate, ako yung nilalanggam. Chansingero pala 'tong si Peter. Hihihi!" Nagulat silang pareho ng makita nilang magkahawak sila ng kamay. Pulang pula silang pareho, parang kamatis.
"Hay naku... Bakit kasi hindi pa mag aminan eh? Tsk." Parinig ko. Nagulat naman sila.
"A-ano na naman ba? Makabalik na nga sa room. Time na eh. Bye, Lina at Louie!" Tumakas na naman siya kasi hot seat. Hehehe. Alam na.
"Di na natin na kain yung recess natin. Kain na lang tayo habang nagkaklase si Ma'am." Sabi ko kay Lina. "Sige." Tipid niyang sagot.
Grabe ah. Sa pagkakaalam ko, kinikilig 'to kasi hawak niya yung kamay niyang hinawakan ni Peter. Edi sila na. Haha! Inggit ako. Joke!
"Joke is half meant truth." nagsalita bigla si Lina. "Huh? Ano ba yang sinasabi mo?" Mind reader ba 'to?
Humarap naman siya sakin. "Hay naku, Louie. Nagsasalita ka ng mag isa. Bumulong ka kaya alam ko. Wag kang mainggit. Masama yun. Don't worry, mapapatawad ka din ni Jean at tsaka hindi sigurado ang samin ni Peter. Malay mo talagang friends lang kami. Di ako umaasa na gusto niya ko." paliwanag niya. Tama nga naman. Napaka mature nito. Grabe.
"Sige. Hay... Sana nga magkaayos na kami." Huling sabi ko at dumating na ang teacher namin at may kasama. Kumukulo ang dugo ko.
"Kainis." Napakuyom ako ng kamay ko na nakita ni Lina. "Kalma lang, bro."
"Anong ginagawa niyan dito?"
"Ma'am, balik na po ako." sabi ni Fredie.
"Salamat, Fredie. Kung di para kay Jean, di mo gagawin." sabi ni Ma'am Crisostomo. Boto si Ma'am. Aray.
"Ganun talaga Ma'am pagmahal mo yung tao, gagawin mo ang lahat para sa kanya." proud niyang sabi.
Nagsi ingay naman yung mga kaklase ko. Hiyawan dito, ayieee dito. Grabe sila. May nasasaktan dito oh!
"Tsss... Baka mahal niya? Tsk." nagsalita na 'tong katabi ko. Nainis din siguro.
"H-hayaan na natin siya. Lalabas din ang totoo." sabi ko na lang. Ayoko ng magalit.
Bago siya lumabas. Tumingin siya sa akin at nag salute. Oo nga pala, wala siyang alam na naiinis ako sa kanya pero ayoko munang mainis. Ayokong manghusga ng ibang tao. Ano ba yan?! Nalilito ako.
Lumipas ang mga araw at Linggo na. Nag usap usap kami nila Lina at Peter na mag simba. For sure, sila na namang magkatabi. Haha!
Papasok kami ng simbahan ng may makita kaming dalawang tao na agad na pumukaw ng pansin sa aming tatlo. Kahit nakatalikod, kilala namin kung sino. Si Lina at Fredie. Date, ah.
"Control, Louie." Paalala ni Lina. Buti na lang at kasama ko 'to para makapag pigil ako.
Pagkatapos ng misa ay sinundan namin yung dalawa. Nasa harap na sila ng Jollibee sa Centre Plaza Mall. Nagtago kami sa gilid na malapit sa kanila. Nahaharangan kami nung haligi ng mall kaya di kami kita.
S-sandali... Di ko na kaya ang mga sumunod na nangyari... May luhang pumatak sa mga mata ko. Pinunasan ko agad pero nakita nila Peter ang luha ko.
Binuhat niya pa si Jean. Halatang masaya naman si Jean. Sa bagay, gusto niya naman si Fredie dati pa.
Tumakbo ako at hinabol ako nila Lina. Pagdating ko sa harap ng mini stop... Naninikip na ang dibdib ko. Di ko na kaya... Masakit na ang puso ko.
Literally & emotionally.
"Louie!" sigaw nila at bigla ng nagdilim ang paligid ko.