Jean's POV
Inagahan ko na ang pagpasok ko, baka malate pa ko kaso may halimaw akong kasama ngayon. Ang sama ko ba masyado? Pasensya na. Nakakainis kasi eh. Ayoko sa lahat yung tatawanan ako habang nagsasalita ako. Wala namang mali sa sinabi ko ah!
Alam ko na pala pangalan nito kasi nagpakilala din. Louie Herrera. Pangalan pa lang, hay!!! Nakakairita baga.
"Hi..." bati niya. Ang lamig ng boses niya. Grabe... pero...
Di ko siya pinansin. Di kami close. Duh? At tsaka nga pala, kaming dalawa pa lang nandito. Next time, papa late na ko tulad ng dati. Kainis!
"May ginawa ba k-" di ko na pinatapos ang sasabihin niya. "Pwede bang wag mo kong kausapin?" taray na tanong ko.
"I just wanna be your-" pinutol ko ulit ang sasabihin niya. "Friend? Sorry pero ayoko."
Lumabas na lang ako at pumuntang canteen. Namili na lang ako para pampawala ng inis. Nag ikot ikot ako sa buong school. Nagkaroon naman na ko ng kaibigan kahapon eh. Si Lina Luchan. Mabait na loka loka lang naman siya. Haha! Pero close kami agad. Ang gaan ng loob ko sa kanya eh.
Ang tagal naman niya. Malapit ng mag 7:30 eh. Isang oras din pala akong naglibot.
Louie's POV
Nasan na si Jean? At bakit ko ba siya hinahanap? Hay... Lumabas kasi eh. Di ko alam kung bakit ganun siya sakin. Pagkalabas niya, umupo ako dun sa upuan niya. Di ko rin alam kung bakit ko ginawa yun.
Dumating yung kaibigan niya bago mag 7:30. Di ko matandaan yung pangalan eh. Buti na lang katabi siya ni Jean sa seating arrangement. Kausapin ko nga.
"Hi." bati ko. "Hello." bati niya pabalik.
Simulan ko ng magtanong, "Pwedeng magtanong?" "Nagtatanong ka na nga eh." Taray ah.
"No, what I mean is... Eto na nga. Bakit galit si Jean sakin?"
"Si Jean? Bakit? Di mo ba alam yung ginawa mong pagpapahiya sa kanya kahapon?" Huh? Paano?
"Paanong pagpapahiya?" clueless kong tanong. "Alam mo Mr. Herrera, sarili mo lang ang makakasagot dyan sa tanong mo." hindi ko nga alam!!!
Magsasalita pa sana ako ng dumating siya...
"Lina!" si Jean.
Dumating na siya. Anong gagawin ko? Para akong na stun sa kinauupuan ko.
"Pwede bang umalis ka sa upuan ko?!"
Sumigaw na siya. Wait. Nabingi ba ko?
"Mr. Herrera, umalis ka na dyan kung ayaw mong-" di na pintapos pa ni Jean si Lina.
"Aray!!!" Sigaw ko.
Bakit ganito si Jean sakin?! Ano bang ginawa ko? Bat kailangan niya pang buhatin ako at kaladkarin pabalik sa upuan ko?!
"Ayoko sa lahat yung kukupad kupad." cold niyang sabi.
Bumalik na siya sa kinauupuan niya. Wala naman akong ginawang mali ah?! Kung ganyan ang pinapakita mo sa akin, ipapakita ko sa yo ang bad side ko. Pero di ko sisirain yung pag aaral ko ng dahil lang sayo Jean Jeson. Mali ka ng kinaharap.
Isang Louie Herrera pa talaga. Tsk. Kahit na gaano kalaki yang katawan mo, kaya kita. Now, face your greatest enemy.
Jean's POV
Wala akong pakialam kung magalit ka sakin Louie. Di mo pa ko kilala. Ayoko yung pinapahiya ako.
Lina's POV
Galit si Jean kay Louie. Pinahiya DAW kasi siya ni Louie. Wala naman akong makitang dahilan. Di ko na lang sila gaanong iniintindi pero grabe talaga yung ginawa ni Jean. Sumobra naman ata siya. Kaninang nag usap kami ni Louie, nabasa ko sa mga kilos niya na hindi niya talaga alam kung ano yung tinutukoy ko. Mukhang may mali eh. Basta, ngayon. Ako si Canan, ang kanang kamay ni Conan! Haha! Ang corny ko. Naniniwala akong walang misteryong di malulutas.