Louie's POV
Nakauwi na kami isang araw bago magpasukan. Salamat kay Fredie dahil hindi lang si Lina ang nailigtas niya, pati ako. May sinabi siya sa akin bago ako operahan. Ako na ang mag alaga kay Jean. Maitext nga si Lina kung kamusta si Jean.
To: Lina
Bro, kamusta na? Si Jean ba okay na? Ano nangyari nung wala ako?
From: Lina
Daming tanong ah. Haha. Okay lang ako. Si Jean ayun... Pinagdadaanan ang stages of grief. Nasa Bargaining na. Sabi kasi ni Tita Carmina, habang nasa kwarto eh naririnig nilang sumisigaw. Pagbukas ng kwarto, magulo. Kung anu ano yung pinagbabato. Tapos kinakausap yung litrato ni Fredie na nagmamakaawang bumalik. Hayst...
Nahihirapan siya ngayon. Kailangan na sa tabi niya ko kaso baka maalala niya si Fredie sa akin dahil nasa akin na ang puso ng mahal niya. Jean...
To: Lina
Ah. Ganun ba. Tulong tulong tayo nila Peter para sa kanya. Wag natin siyang iiwan. See you tomorrow na lang, bro. Good night.
From: Lina
6pm pa lang ah. Hay. Sige, magpahinga ka na. Bawal ka nga pa lang mag puyat. Good night para sayo.
Di na ko nag reply para di na mag tuloy tuloy ang usap. Baka hindi matapos. Humiga na ko sa kama ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nagpatugtog ako para makatulog.
♪ All day
Staring at the ceiling
Making, friends with shadows on my wall ♪Nakatitig lang ako sa kisame kong kulay black. May mga nakalagay na glow in the dark stars and moon. Ganito lang ang ginagawa ko para magrelax sa tuwing stress na ang utak ko.
♪ All night
Hearing voices telling me
That I should get some sleep
Because tomorrow might be good or something ♪Pumikit na ko nang maramdaman ko ang antok. Sana maging maayos na ang lahat. Teka!
Napabangon ako ng de oras. Di pa ko nakapagdasal! Buti na lang naalala ko. Pinatay ko yung music at nag indian seat ako at yumuko. "Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat. Maraming maraming salamat sa lahat. Sa biyaya, pangalawang buhay at pagkakataon na mabuhay akong muli. Kayo na pong bahala sa kaibigan ko. Sana ay masaya na siya sa piling Niyo. Paki sabi po sa kanya na maraming salamat sa sakripisyo niya. Asahan niya na gagawin ko po ang lahat para mapasaya si Jean. Sana maging okay na kaming lahat. Kayo na pong bahala sa pamilya ni Fredie. Sana ay kayanin nila ang pagkawala niya." Napahinto ako nang maramdaman kong may tumulong luha sa mata ko. Pinunasan ko agad at nagpatuloy.