Asaran part 2

5.5K 54 5
                                    

Author's POV

Ayun na nga natapos silang kumain na kasama ang asaran ni Daniel at Kath. Sa table nila silang dalawa lang nagbibigay ng buhay doon na kahit masakit sa tenga para kila Julia, mas pipiliin na nila iyon kesa naman tahimik silang apat. Minsan lang sumama si Sam sa kanila dahil na rin sa practice niya sa sayaw.

"Panget!" sigaw ni Daniel kay Kath habang naglalakad.

"Mas panget ka!" sabi ni Kath at dinilaan niya si Daniel.

"Kath may itatanong ako sayo." sabi ni Diego. 

"Ano yun kuya?" tanong ni Kath.

"Nakakapag-usap pa ba kayo ni Sam? I mean bihira na kayong magkasama di tulad dati." sabi ni Diego.

"Magkasama lang kami kaninang umaga bago magstart ang klase." sagot naman ni Kath. Nalungkot ito bigla.

"Pasan mo na ba ngayon ang daigdig?" tanong ni Daniel

"Huh?"

"Wala. Sabi ko ang panget mo pag nakasimangot ka." sabi ni Daniel.

"Concern si Padilla sa akin. HAHAHAHA!!!" sabi ni kath habang tumatawa

"Feeling mo naman." sabi ni Daniel

"Sus! Okay lang yan marami talagang nagkakagusto sa akin. Hindi malabong maging isa ka dun. HAHAHAHA!!!" asar ni Kath kay Daniel. Natawa naman si Julia at Diego.

"Hoy! Yabang mo ah! Baka ikaw, may crush sa pinakagwapong lalake dito sa school. Okay lang yan Kath, ako bahala kay Sam di yun magagalit, crush lang naman e." asar ni Daniel kay kath

"Hoy! Wag na wag mong sasabihin yan kay Sam." sabi ni Kath

"HAHAHAHA! So totoo nga may crush ka sa akin?" tanong ni Daniel 

"Hindi noh! Napakafeeling mo talaga." sabi ni Kath at iniwan silang tatlo.

"HAHAHAHA!!! Guilty si Kath!" sabi ni Daniel na medyo malakas

"Hindi nga kasi totoo yun!" sigaw ni Kath na medyo malayo na sa kanila.

"Ui Kath! Antayin mo kaya kami." sabi ni Julia. Tumakbo ang tatlo para mahabol si Kath.

Julia's POV

Alam niyo minsan iisipin kong may gusto din si Kath kay Dj. May sasabihin ako sa inyo pero secret lang natin to ah. 

Mahal ko pa naman talaga si  Diego e. Hindi ko lang talaga mababaan yung pride ko kasi nagbreak kami dahil kailangan niyang pumuntang Los Angeles. Sabi ni Kath para daw yun sa business na ipapaman sa kanya ng parents niya naiintindihan ko naman yun kaso hindi kasi nagpaalam sa akin ng maayos. Umalis na lang siya basta at nag-iwan lang ng letter. Ang masakit pa umalis siya sa mismong araw ng anniversary namin nag-iwan din siya ng regalo. Sobrang sakit nun kaso hindi ko rin naman siya masisisi kasi alam niyang pipigilan ko lang siyang umalis at iiyak ako kaya siguro pinili na lang niyang wag akong makita bago siya umalis.

Tama na nga ang drama ko balik na tayo sa asaran nitong dalawa kong bestfriend.

"Daniel bakit ang gwapo mo?" tanong ni Kath

"Yiiiiie!! Gwapo daw ako sabi ni Kath. HAHAHA!!" ay baliw na tong lalaking to.

"Bingi ka na ba? nagtatanong lang ako." depensa naman ni Kath.

"Bakit mo tinatanong? May crush ka nga sa akin noh?" asar ni kath.

"Wala nga. Ang daming kasing may gusto sayo." sabi naman ni Kath.

"So???? Nagseselos ka?" HAHAHAHA!!! Ano ba naman tong dalawang to?

 "Epal ka talaga!" sabi ni kath.

"Bes bakit namumula ka?" bulong ko kay Kath pero narinig ni Dj

"HAHAHAHAHA!!! Nagbblush si Kath!!!" asar ni Dj.

"Tigilan niyo nga ako. Ang init kasi kaya ako namumula." sabi naman niya. 

"Mainit??? Bakit ka nakasweater?" tanong ni Daniel habang nilapitan niya si Kath. Hindi nakapagsalita si Kath.

"HAHAHAHA!!! Buking na si Kath! Okay lang yan. Hindi magagalit si Sam." asar ni Daniel

"Tae naman Daniel e! Sabi ng hindi kita crush e. Love pa siguro." sabi ni Kath.

O.O <------ reaksyon namin nila Diego at Daniel

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!" biglang tawa ng malakas ni Kath. Kaya napatingin kami sa kanya.

"Kung nakita niyo lang yung mga mukha niyo! HAHAHAHA!! Matatawa kayo sobra." sabi ni Kath na tawa ng tawa

"Joke lang yun. Mahal ko ata si Sam. Una na ako ah! Wag niyo na ulit uulitin yung reaksyon niyo, hindi bagay. HAHAHAHAHA!!!" sabi ni Kath habang papaalis at tumatawa.

-----------------------------------------------

lame ba? sorry yan lang nakayanan ko eh.

VOTE

BE MY FAN

ADD TO YOUR LIBRARY :))

KATHNIEL and JULIEGO <3

Lucky ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon