Daniel's POV
After almost a week na nasa ospital ako nakalabas na rin ako sa wakas. Buti na lang naagapan ako at hindi lumala ung dengue ko. Sabi ng doktor pwede na daw akong pumasok pero wag daw akong magpapagod. Nagpahatid ako sa driver ko sa school at tinext ko na rin sila Diego para antayin ako sa gate kasi baka pagkaguluhan ako ng mga schoolmates namin. You know, namiss nila ang kagwapuhan ko. HAHAHA!! Okay magaling na talaga ako kasi nagyayabang na naman ako.
"Dude!" sabi ni Diego habang papalapit sa akin. Ang daming tao. Artista na ba ako ngayon?
"Tara na! Marami masyadong tao baka manghina pa ako. Bukas na lang ako rarampa." sabi ko naman. Nakatanggap tuloy ako ng batok mula kay Julia.
"Ang yabang mo na naman." sabi niya sa akin.
"Ui Kath bakit tahimik ka ata? Hindi mo ba ako namiss?" tanong ko sa kanya. Pero di siya sumasagot.
"Kath?" tawag ko ulit. Kinalabit ko sila Julia. Nag-usap kami through our eyes. WOW sosyal!
"KATH!!!" sigaw naming tatlo.
"ANO?? bakit kailangan niyon sumigaw? At ikaw Mr. Padilla ano na namang problema mo? Ikaw na naman nagpasimuno noh?" aray naman. Grabe naman to si Kath.
"Ako na naman sinisisi mo. For your information Ms. Top1 kanina ka pa po namin kinakausap pero hindi mo kami pinapansin tapos ikaw pa ngayon ang magagalit." sabi ko naman.
"Sorry naman! Kais makasigaw kayo wagas eh. Bakit ba?" tanong niya
"Wala. Sabi ko tara na!" yung na lang sinabi ko at naglakad na.
Girl1: Balita ko isang tao lang yung nagbabantay kay Daniel sa hospital.
Girl2: Isa? Siguro mommy niya.
Girl1: Hindi kasi naka out-of-town daw mommy ni Daniel e.
Girl2: Sino? Wala namang kapatid si Daniel di ba?
Yan yung mga naririnig ko sa mga schoolmates na nadadaanan namin. Pagpasok namin, nagsigawan ang mga classmates ko.
"WELCOME BACK DANIEL!" sigaw nila sabay-sabay. Napangiti lang ako sa sobrang saya.
"Salamat." sabi ko. Nag-abot sila ng mga regalo nila sa akin. Wow para akong artistang nawala sa limelight for several years ah. AHAHAHAHA!! Nagstart na ang class at binati rin ako ng mga teachers namin.
KRIIIIIIIIINGGGGGG!!!!
Lunch na at syempre sabay-sabay kaming apat kumain.
"Sino ba yung bantay mo nung nasa ospital ka?' tanong sa akin si Julia.
"Ang alam ko si Diego." sagot ko naman.
"Pero hindi ako nagtatagal. After class lang kita binabantayan pero hindi ako umaabot ng sobrang gabi." sagot ni Diego.
"Bes! Bakit kanina ka pa tahimik jan? Tska bakit parang ang tamlay mo? Nakatulog ka ba ng ayos?" tanong ni Julia. Napatingin ako kay Kath. Iba yung muka niya parang may problema na kulang sa tulog na hindi maimagine.
"KATH!!!! Huy okay ka lang ba? Bakit muka kang zombie?" asar ko sakanya sabay tawa.
"Ha-ah-eh..." sabi niya. Hala ano nangyari dito?
"Ano ba nangyari sayo?" tanong ni Julia.
"Uhmmmm- bes pwede kausapin ko muna si Daniel? Okay lang ba bes, diego?" tanong ni Kath.
Ako kakausapin niya? Anong meron?
Tumango sila ni Julia tapos umalis naiwan kaming dalawa ni Kath.
BINABASA MO ANG
Lucky Chance
FanfictionPaano kung yun taong mahal mo, pagmamay-ari ng bestfriend mo? Paano kung ayaw niyang amining gusto ko rin niya? At kung kelan okay na lahat, tska mo malalaman na may malubha pa la siyang sakit? Kaya mo pa ba? Anong gagawin mo?