Julia's POV
Pabalik na kami ng Manila galing Palawan. We somehow enjoyed it pero napuno lahat yun ng tensyon at pag-aalala dahil kay Kath. Masaya kami kasi nakapagbakasyon kami magkakasama and Kath is still strong pero syempre hindi mawawala sa amin ang pag-aalala kaya hindi kami masyado nagpapagod. Well, nasa van na kami at didiretso na kami sa ospital to start Kath's several tests.
"Bakit kayo sumama sa akin? Dapat di na kayo nag-absent." sabi ni Kath
"Hello?! Syempre sasama kami first test mo kaya to. Dapat kasama kami." sabi ko naman. Maya-maya nakarating na kami.
"Una na kami ni Kath. Sunod na lang kayo sa room niya. Itetext ko na lang sa inyo. Kumain muna kayo." sabi ni Tita Min. Nagnod lang kami at bumaba na sila. Kami naman pumunta na Mcdo.
"Sana maging okay yung results ng tests ni Kath." sabi ko habang kumakain na kami.
"Magiging okay yun. Si Kath pa! A-tapang A-tao yun eh." sabi ni Dj at tumawa. Nagkatinginan naman kami ni Diego.
"Paano mo nagagawang maging masaya na parang walang problema?" tanong ko. Natahimik si Dj.
"Wala naman kasing magagawa kung makikisabay pa ako hirap na nararamdaman ni Kath. Mas mabuti nang makita niyang masaya ako para kayanin niya. Di ba nga sabi niyo sa akin kumukuha ng lakas si Kath? Dapat lagi ako masaya." sabi ni Dj at ngumiti. Napaluha naman ako sa sinabi niya. Eh di ako na emotional.
"Ang emo mo dude!" sabi ni Diego at tumawa
"Pero salamat." dagdag ni Diego at tinap yung balikat ni Dj. Nagpatuloy kaming kumain hanggang sa nagring yung phone ni Dj.
PHONE CONVERSATION
DJ: HELLO? TITA BAKIT PO?
DJ: AH GANUN PO BA? CGE PO PAPUNTA NA KAMI JAN
DJ: SALAMAT! PAKISABI PO KAY KATH MAHAL KO SIYA.
DJ: SIGE PO! BYE
Ayan ang usapan nila. TIngin ko si Tita Min yun eh.
"Ansabe?" tanong ko
"Rm326 daw si Kath at magstart na daw yung una niyang test." sagot naman ni Dj.
"Ah. Tara na?" aya ko. Bumalik na kami sa ospital. Walking distance lang naman yung Mcdo sa ospital eh. Pagdating namin dumiretso na kami sa kwarto ni Kath at inintay na lang siya.
"Ang tagal naman ni Kath." reklamo ko
"May test ba na mabilis? Juls naman eh. Syempre matagal talaga yun." sabi naman ni Dj at napakamot ng ulo.
"Sorry na pwede?" sabi ko naman. Naglaro muna kami ng TapTap Battle sa iPod ko.
"Andito na pala kayo. Sorry kung natagalan pagbalik ko." biglang may nagsalita. Pagtingin namin si Kath na nakahospital dress at may dextrose.
"Okay lang ano ka ba?" sabi ko at hinug siya.
"Nakakain na kayo?" tanong ni Tita Min.
"Opo. Libre nga po ni Dj eh." sabi ni Diego.
"Weh?!?! Ang daya naman eh!" sabi ni Kath at nagpout.
"Bakit?" tanong ko
"Nanlibre siya nung wala ako. Grabe!!" sabi ni Kath. Hindi na lang pinansin ni Dj si Kath.
"Tita alis po muna ako. May bibilihin lang po ako." sabi ni Dj. Lumapit siya kay Kath.
"Alis muna ako. Wag ka na magtampo!" sabi nito at hinalikan ang noo ni Kath at umalis na.
BINABASA MO ANG
Lucky Chance
FanfictionPaano kung yun taong mahal mo, pagmamay-ari ng bestfriend mo? Paano kung ayaw niyang amining gusto ko rin niya? At kung kelan okay na lahat, tska mo malalaman na may malubha pa la siyang sakit? Kaya mo pa ba? Anong gagawin mo?