Daniel's POV
It's been a week since nangyari yung pagkakaospital ni Kath. As of now, okay naman siya balik sa dati niyang sigla, makulit at lagi ulit akong inaasar. Kami naman nila Julia kahit alam na namin at alam na rin ni Kath na alam ko na, hindi pa rin namin pinapadama na alam namin. Ayy oo nga pala, nagdecide sila mommy na pagbakasyunin muna si Kath syempre kasama kami. Oo nga pala, semestral break na namin. Ang bilis nga eh kaya ayun bakasyon daw kami.
"Dj! Tara na! Malalate tayo sa flight eh." tawag ni Kath. Nasa loob pa kasi ako ng kwarto habang sila nag-aantay sa sala.
"Pababa na!" sabi ko naman. Naglast glance ako sa salamin at bumaba na. Lahat sila nakatayo at nakapameywang.
"Sorry na!" sabi ko sabay peace sign. Nilapitan ko na si Julia at hinalikan sa cheeks tapos kay Diego nakipagmanly hug at kay Kath na kiniss ko sa noo.
"Tara na?" sabi ko at ngumiti. Tumango na rin sila. Binuhat ko na yung gamit ko ganun din sila.
"Kath ako na magdala niyan." sabi ko. Hindi nga kasi pwedeng magbuhat at mapagod si Kath di ba?
"I can handle it." sagot naman niya. Hinila na niya yung maleta niya. Isusuot pa sana niya yung isang bag pero kinuha ko na.
"Ako na neto, please?" sabi ko. Tumango na siya at lumabas. Sumakay na kami sa van. Papunta kami ngayong Palawan.
"Bes pengeng chips." sabi ni Kath. Inabutan siya ni Julia ng Chocolate Chip Cookies. Bawal junkfoods.
"Walang Piattos, Nova, CLover?" tanong niya. Umiling kaming tatlo.
"It's for the better okay? Mas healthy yan kesa dun." sabi ni Diego. Kumain na lang si Kath habang nakasandal yung ulo sa balikat ko.
"Kath?" tawag ko sa kanya.
"Bakit?" sagot niya.
"Mahal kita." napatingin siya sa akin at hinawakan yung noo ko.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.
"Wala ka namang lagnat a. Siguro may kasalanan ka sa akin noh?" sabi ni Kath. Napatawa sila Julia na nakikinig sa amin.
"Funny Kath." sabi ko at natahimik.
"Uy Dj! Naman oh! Niloloko lang kita e." sabi niya
"Kasi naman seryoso ako tapos ----- whatever! Matulog ka na nga lang jan." sabi ko at sumandal sa may bintana at pinikit mata ko.
"Bati na muna tayo." sabi niya. Nagnod na lang ako sa kanya.
"Sa lap mo ako hihiga okay?" sabi niya.
"Okay." sagot ko. Maya-maya amy umaalog na sa akin.
"DJ!!! Gising na!! Nasa airport na po tayo!!" sabi nung boses and definitely kay Kath yun. Binuksan ko na mga mata ko.
"Tara na!" sabi niya at nagsmile sa akin. Bumaba na kami ng van dala yung mga gamit namin. Maya-maya tinawag na yung flight namin.
"Let's go!!" sabi ni Julia at Kath at parehong tumakbo. SInundan na lang namin ni Diego ang dalawa. Pagsakay sa eroplano syempre magkatabi kami ni Kath.
"Dj?" sabi ni Kath.
"O?"
"Wag mo akong iiwan ah." sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Hawak niya yung picture naming apat.
"Ano ka ba? Syempre hindi kita iiwan. Mahal nga kita di ba?" sagot ko naman.
"Pag napapagod ka na sabihin mo lang sa akin ah." sabi ni Kath.
"Hinding-hindi ako mapapagod." sagot ko
"Kapag ayaw mo na, wag mo akong iiwan bast-basta. Sabihin mo muna sa akin okay?" sabi niya ulit.
"Hindi kita iiwan at hindi kita aayawan." sagot ko ulit.
"Pag namatay ako dapat maging masaya ka, wag kang iiyak. Gusto ko humanap ka ng babaeng mamahalin ka at hindi ka lolokohin. Syempre dapat ipakilala mo rin siya sa akin. Pag namatay ako, dapat nakangiti ka ayokong makita kang umiiyak kasi mahihirapan lang ako." sabi ni Kath. Napaiyak na ako. Niyakap ko siya.
"Tae naman Kath eh! Wag ka ngang magsasalita ng ganyan! Hindi kita iiwan okay? Lagi ako nasa tabi mo. Hindi kita pababayaan. Aalalayaan kita pag di mo na kaya. Hindi ako mapapagod sa pag-aalaga sayo. Tska please Kath wag na wag mong sasabihin na mamamatay ka kasi hinding-hindi yun mangyayari. Hindi ka mamamatay okay? Gagawin namin lahat ng paraan para gumaling ka. Kaya please, magpalakas ka. Wag ng matigas ang ulo, sundin mo na lang kami. Pag hindi mo na kaya sabihin mo agad sa akin, kay Julia o kay Diego. Andito kami lagi para alagaan ka." sabi ko habang umiiyak. Naririnig kong umiiyak na rin si Kath.
"Sorry! Hindi ko lang mapigilang isipin yung mga bagay na yun." sabi ni Kath. Naglet go ako at hinalikan siya sa noo.
"Please be strong Kath. Para sayo, sa akin, kila Julia at kila tita. Kasi kami magpapakatatag para sayo. For now please wag muna nating isipin yan. Just sit back, relax and enjoy this trip." sabi ko.
"I will. Promise!" sabi ni Kath at ngumiti. Sumandal na siya sa balikat ko at natulog. Ako naman nakatingin lang sa salamin.
"Juls stop crying na okay? Alam kong umiiyak ka kanina pa." sabi ko. Lumingon sa akin si Julia.
"Sorry. Narinig ko kasi yung mga sinabi ni Kath e." sagot niya sa akin.
"Let's just be strong for everybody." sabi ko at nagnod siya.
I won't leave you Kath. I'll be with you always. Ako una mong makikita after ng mga tests mo. Ako makakasama mo habang magchechemotheraphy ka. Ako mag-aalaga sayo hanggang sa makagraduate tayo. Please sana gumaling ka, sana bigyan ka pa ni Lord ng mahaba pang panahon para makasama kita. Kath please be strong, pakakasalanan pa kita.
-----------------------------------------
VOTE
COMMENT
BE MY FAN
ADD TO YOUR LIBRARY :)
KATHNIEL and JULIEGE <3
BINABASA MO ANG
Lucky Chance
FanfictionPaano kung yun taong mahal mo, pagmamay-ari ng bestfriend mo? Paano kung ayaw niyang amining gusto ko rin niya? At kung kelan okay na lahat, tska mo malalaman na may malubha pa la siyang sakit? Kaya mo pa ba? Anong gagawin mo?