Julia's POV
Ayun oh! POV ko na naman. Ang bilis ng panahon noh? Mag-5 months na kami ni Diego and we're still happy and strong. Kami yung type ng magboyfriend at girlfriend na hindi pinapansin yung mga issues na alam naming hindi naman totoo hindi tulad nila Kath at Dj na simpleng bagay pinalalaki. Hindi ko nga maintindihan kung paano nila nakakayanang mag-away pero sa huli magbabati at sweet na naman. Hai minsan nakakasawa na yung pag-aaway nila pero ang kyut nila tignan pag nag-aaway. Ano ba yan?!? Bestfriend ko ba talaga tong dalawang to? Tignan mo ngayon, kapapasok lang ni Dj may MU na naman sila.
"Ano ba kasi Dj? Sinabi ng ako magdadala ng bag mo eh." sabi ni Kath. Ayaw kasi ibigay ni Dj yung bag niya kasi kaya daw niya.
"Ako na nga sabi eh. Bakit ba ang kulit-kulit mo?" sagot naman ni Dj.
"Para namang kaya mo. Tignan mo nga ni hindi ka makalakad ng ayos tapos kaya mong dalhin yang bag mo." sagot naman ni Kath.
"Eh nahihirapan ka na eh. Ako yung lalaki tapos ikaw gumagawa niyan." sagot naman ni Dj. Napatingin lang sa kanya si Kath.
"Hindi ako mahihirapan kasi dahil sayo naman. Okay lang ako." sabi ni Kath at ngumiti. Umakyat na kami ng stairs.
"Daniel tulungan ka na namin." yung mga klasmeyts naming lalaki nag-aalok na ng tulong.
"Hayaan niyo na ako. Kaya ko toh." sagot naman ni Dj. Pero pag hakbang niya bigla siyang na-out of balance buti na lang nasalo siya ng mga classmates namin.
"Kaya daw. Magpatulong na kasi. Hindi naman mababawasan kagwapuhan mo eh." asar ni Kath at tumawa. Napangiti na lang kami ni Diego. Inalalayan na nila si Dj hanggang sa makarating sa room. Pag-upo ni Dj nagsidatingan yung mga get well soon letters at gifts. Halos mapuno na naman yung table ni Dj.
"Excuse me lang po ah." singit ko naman. Grabe ganito pala talaga kasikat tong si Dj.
"Ano gagawin ko dito?" bulong ni Dj sa akin.
"Wag ako tanungin mo. Ayan o si Kath." sagot ko naman.
"Kath! Tulong naman oh." sabi ni Dj.
"Bakit?" tanong ni Kath.
"Ano gagawin ko dito?" tanong ni Dj.
"Ewan ko sayo. Akin ba yan?"
"Nagtatanong lang eh." inilagay na lang namin nila Diego sa isang bag yung mga regalo at sulat. Nagstart na din yung klase. Maya-maya lunch break na namin. Syempre inalalayan namin si Dj. Pagdating namin sa table namin halatang wala sa mood si Kath.
"Ui bes! Anong nangyari sayo?" tanong ko sa kanya ng pabulong.
"Wala. Pagod lang siguro." sagot niya naman. Tumayo siya at bumili ng makakain. Iniwan niya kami nila Dj.
"Anong nangyari dun?" tanogn ni Dj,
"Di naman niya sinabi. Sabi niya lang baka pagod lang." sagot ko naman kay DJ.
"Sorry talaga guys ah. Sabi ko naman kasi sa inyo wag niyo na muna ako papasukin e. Tignan niyo na napapagod kayo dahil sa akin." sabi ni Dj.
"Nako Dj. Wag ka na magdrama. Ikaw kaya may sabi na gusto mong pumasok kasi wala ka namang gagawin sa bahay niyo." sagot ni Diego. Ngumiti na lang si Dj. Dumating bigla si Kath dala ang isang tray ng pagkain tapos may mga nakasunod sa kanya may dala ring pagkain.
"Gutom lang Kath?" tanong ni Diego. Hindi umimik si Kath.
"Pakilagay na lang dito. Salamat." sabi niya sa mga lalaking nasa likod niya. Umupo siya sa tabi ni Daniel. Nakatingin lang kami sa kanya.
BINABASA MO ANG
Lucky Chance
FanfictionPaano kung yun taong mahal mo, pagmamay-ari ng bestfriend mo? Paano kung ayaw niyang amining gusto ko rin niya? At kung kelan okay na lahat, tska mo malalaman na may malubha pa la siyang sakit? Kaya mo pa ba? Anong gagawin mo?