Examinations and Christmas Break

4.2K 46 4
                                    

Kathryn's POV

Susulitin ko na ang POV ko. Examination week na namin buti na lang nakakopya na ako ng mga notes kaya hindi ako nahuli sa lessons.

"Ready na kayo sa exams?" tanong ko sa kanila

"Kinakabahan pero okay lang. Ikaw kasi kayang-kaya mo yan e." sagot ni Julia.

"Ano ka ba? Kaya natin to noh. Basta think positive!" sabi ko.

"Teka, asan si Dj?" tanong ko.

"Hindi ko alam e. Nandito lang siya kanina e." sagot ni Kuya Diego.

"Nandito po ako." narinig namin yung boses ni Dj. Nakita namin siyang may dalang chocolates.

"Oh? Para saan yan?" tanong ni Julia

"Pampatanggal ng stress." sagot ni Dj at abot sa amin ng chocolates. Kinain muna namin yun bago kami pumasok ng room.

"Keep everything away. We will start in a minute now." sabi nung prof namin.

"Guys this is it! Goodluck sa atin." sabi ko sa kanila.

"Goodlusk sa ating lahat!" sabi nila. Maya-maya nagstart na ang exams. Medyo mahirap yung exams pero keri lang. 

"Aiiiish!" narinig ko. Paglingon ko nakita ko si Dj nakakunot noo na. Napangiti naman ako sa nakita ko. 

"Kaya mo yan babe!" bulong ko sa kanya at ngumiti siya. YEY!!!! Tapos ko na exams ko.

"Tapos ka nA?" gulat na tanong sa akin ni Julia. Nagnod lang ako at pinasa na sa prof namin.

"You may now wait outside." sabi nung prof. Kinuha ko na yung gamit ko.

"Goddluck guys! Hintayin ko kayo dun sa labas." bulong ko sa kanila. Ngumiti lang sila. Lumabas na ako sa room. Dun na lang ako umupo sa may corridor. Mga 15 minutes dumating na sila.

"Bes!!!" tawag sa akin ni Julia.

"Grabe! Sobrang hirap nung math. Okay na ako sa iba eh, yung math lang talaga eh." sabi ni Julia.

"Hahaha! Di ka na nagbago bes. Tinuruan ka naman ni Dj ah." sabi ko. Pagdating kasi sa math kay Dj kami nagpapaturo.

"Oo nga! Kaso iba pa rin pag actual na eh. Namemental block ako." sagot ni Julia.

"Ikaw kuya? Kamusta naman ang exam?" tanong ko kay Kuya Diego

"Okay lang. English naman ako nahirapan." sagot niya. Nagulat si Julia. Sa english kasi kay Julia naman kami kasi siya pinakamagaling dun.

"Ang dali kaya ng English." sabi ni Julia.

"Alam ko naman na magaling ka dun kaya di mo na kailangan ipagmalaki yun." sabi ni Kuya.

"Hehe. Sorry! O ikaw Dj?" tanong ni Julia.

"Hulaan ko----- science noh?" sabi ko naman kay Dj. Binigyan niya ako ng dead glare

"HAHAHA!! Sabi na eh. Dun ka lang naman nahihirapan eh." sabi ko.

"Oo na. Ikaw na magaling eh." sabi ni Dj.

"Joke lang naman eh." sabi ko at nilambing si Dj.

"Yiiieee... HAHAHA!!" sabi nila Kuya Diego.

"Eh ikaw Kath? For sure hindi ka naman nahirapan e." sabi ni Julia. 

"Mali kayo jan. Kung alam niyo lang nahirapan ako sa economics." sabi ko sa kanila. Yung mga muka nila ganito oh. O.O

"WEH!?! Di nga? Ang Dean's Lister na si Kathryn Chandria Bernardo nahirapan sa economics? Nahirapan sa exams?" sabi ni Julia.

"Oo nga. Ayaw maniwala tong mga to." sabi ko naman.

"Hindi kasi kapanipaniwala eh." sabi ni Julia

"Nahihirapan din naman ako noh. Kayo talaga." sabi ko naman. Tuluy-tuloy ang pag-uusap namin hanggang sa dumating na ang dismissal. Last day naman na kasi ng exams eh.

"Greenhills tayo!" aya ni Julia. 

"Sure! Bili na tayo ng panregalo. Malapit na Christmas eh." sabi ko

"Tagaytay tayo this Christmas. Sa resthouse namin, gusto niyo?" tanong ni Dj.

"SURE!!!!" sabi naming tatlo.

"Halatang excited kayo noh?" sabi ni Dj.

"Syempre! First time naman natim to sa Tagaytay tapos magkakasama ulit tayo sa Christmas." sabi ni Julia. Umuwi muna kami tapos sinundo kami nila Dj.

--------------------------------------------------------------

Updated! I know it's lame but I'll make sure the next chapter would be of so much kileeeg :))

VOTE 

COMMENT

BE MY FAN

ADD TO YOUR READING LIST :)

HINDI AKO NAKAPANUOD NG GROWING UP, ASAP ROCKS AND THE BUZZ :((

KATHNIEL and JULIEGO <3

Lucky ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon