Author's POV
It's my POV! Ngayon na ang araw ng pageant pero may problema ang barkada and it is a very big one.
"Guys, asan na ba si Dj? Magstastart na oh!" sabi ni ni Kath na nagpapanic. Naglalakad siya pabalik-balik habang sila Julia natataranta na rin dahil kay Kath.
"Bes maupo ka nga muna. Nahihilo na ako eh. Please?" sabi ni Julia habang hawak ang kamay ni Kath. Naupo si Kath at inabutan ng tubig ni Diego.
"Asan na ba kasi yun? Kinakabahan ako. Mamaya ako lang magtalent portion dun at sumagot. Makikipagbreak talaga ako sa kanya pag iniwan niya ako dito." sabi ni Kath. Nagulat sila Julia.
"Sigurado ka jan?" tanong ni Julia.
"Oo." sabi ni Kath pero may halong pagdadalawang-isip.
"May we call on the participants for the pageant. Please assemble yourselves for the entrance of participants. Thank You." biglang sumingit ang emcee.
"Di ba si Kuya Diego lang naman ngayon?" sabi ni Kath.
"Ang alam ko oo." sagot ni Julia.
"Kath asan na si Dj?" biglang pumasok ang isang teacher sa room nila.
"Wala pa nga po eh. Si Kuya Diego lang naman po kailangan ko ngayon di ba?" tanong ni Kath.
"Mas maganda sana kung nandito na rin si Dj. Pero oo si Diego lang naman ngayon." sabi ng teacher.
"Magready na kayo ah. Kayo na next. Labas na kayo." sabi nito.
"Bes goodluck! Padating na din yun si Dj." sabi ni Julia at hinug si Kath at kiniss sa cheeks si Diego.
-------------------------------------------------
"Ms. Kathryn Bernardo and Mr. Diego Loyzaga!" sabi ng emcee at lumabas na si Kath at Diego. Nagulat ang mga kaklase nito kasi hindi nila kasama si Daniel at hindi siya ang partner ni Kath sa paglabas pero maganda ang kinalabasan ng team-up nila at nagclick agad sa mga audience. Natapos na ang pagrampa. Hindi pinakita ni Kath na nawawalan na siya ng pag-asa na dadating pa si Dj kasi todo ngiti at project pa rin ito.
"BES!!! Wala pa rin ba si Dj?" natatarantang tanong ni Kath.
"Sorry bes, wala talaga e. Hindi siya tumawag o anu pa man." sagot ni Julia. Napasimangot si Kath at napabuntong-hininga.
"Kath be ready you'll be next after 2 contestants." sabi ng isang teacher. Nagtaka naman si Kath kasi hindi hinanap ng teacher si Dj.
"Ako lang magperform?" tanong ni Kath. Nagshrug ng shoulders sila Julia at Diego. Nagpractice ng konti si Kath ng mga lines at kinabisado na rin niya ang part ni Daniel in case na hindi nga siya sisiputin.
"Tandaan niyo tong dalawa. Kapag hindi sumipot si Daniel ngayon, makikipagbreak talaga ako sa kanya. Kapag ako lang ang nagperform mamaya at wala akong kasama sa Q&A, sabihin niyo sa kanya maghanap na siya ng bagong girlfriend kasi makikipagbreak na ako." sabi ni Kath at nagwalk-out.
Julia's POV
Patay kang bata ka! Asan na ba kasi si Dj?
Biglang nagring yung phone ko. Bes Dj
ME: HOY! ASAN KA NA BA? ALAM MO BANG NAGPAPANIC NA KAMI DITO? TAPOS SI KATH NATATARANTA NA! ASAN KA NA BA HA?
???: JULIA? MOMMY TO NI DJ
ME: AI SORRY TITA! BAKIT NIYO PO GAMIT YUNG PHONE NI DJ?
TITA MONICA: ANO KASI NAIWAN NI DJ YUNG PHONE NIYA. KAYA TINAWAGAN KITA. WALA PA SI DJ JAN?
BINABASA MO ANG
Lucky Chance
FanfictionPaano kung yun taong mahal mo, pagmamay-ari ng bestfriend mo? Paano kung ayaw niyang amining gusto ko rin niya? At kung kelan okay na lahat, tska mo malalaman na may malubha pa la siyang sakit? Kaya mo pa ba? Anong gagawin mo?