Sam's POV
Hi! First and last POV ko siguro to dito. So, ayun kasama ko ngayon si Daniel sa garden namin sa bahay. I just want to talk to him about Kath.
"Anong gusto mong pag-usapan?" tanong niya sa akin.
"Mahal mo talaga si Kath noh?" tanong ko sa kanya.
"Tinatanong pa ba yan? Hindi p aba sapat ang pagpaparaya ko sa kanya para sayo? Yung mga araw na nakikita kong umiiyak si Kath dahil nag-aaway kayo. Pilit ko kayong pinag-aayos kahit nasasaktan na ako. Dude, pinagkatiwala ko sayo ang pinakamamahal kong babae tapos sasaktan mo lang. Usapan natin hindi mo siya sasaktan at usapan natin ititigil mo na ang pambubully pero di mo pa rin ginawa. Hindi ko na kayang pagtakpan pa ang alam na ni Kath." sabi niya sa akin.
"Sorry. Alam ko nagkamali ako sa ginawa ko. Dapat sinunod kita at pinakinggan para sana hindi nawala sa akin si Kath. Dude alam mo kung gaano ko kamahal si Kath pero hindi ko alam na ganun mo pala siya kamahal. Mas deserve ka ni Kath kesa sa akin. Alam kong gagawin mo ang lahat para hindi siya masaktan. Dude, pangako mo sa akin na hindi mo siya iiwan. Kahit anong mangyari, pag nagkita ulit tayo gusto ko kayong dalawa ang makikita kong magkasama. Ipinauubaya ko na sayo si Kath." sabi ko at ngumiti. Tinignan niya ako at nag-alok ng handshake. Niyakap namin ang isa't-isa.
"Salamat dude. Sorry din sa panununtok ko sayo." sabi ni Daniel at tumawa.
"Masakit din yun ah. Lakas mo sumuntok. Sorry din sa suntok at sa pagbibintang ko." sabi ko. Ayan, ang sarap sa pakiramdam na maayos na ang lahat bago ako umalis. Wala na rin naman kasi akong mukang maihaharap sa school kasi alam na nila ang totoo. Bumalik na kami ni Daniel sa loob at nakita naming nakaupo sila Kath at Julia kasama si mommy sa kusina at kumakain.
"Andyan na pala kayo. Kain na!" alok sa amin ni Julia. Umupo kami ni Daniel. Siya katabi ni Kath ako katabi ni mommy.
"Sorry talaga sa ginawa ng anak ko sa inyo lalo na sayo Daniel. Bestfriend ka pa man din nasuntok ka pa nito. Sorry din Kath ah, sana maging okay ang lahat." sabi ni mommy.
"Ma, okay na ang lahat. Yun nga lang break na kami ni Kath." sabi ko naman at tumingin kay Kath.
"Ai ganun ba? Sayang naman. Sira ka din kasi e, bakit ba nagsinungaling ka kay kath?" sabi sa akin ni mommy sabay batok. Napatawa naman sila Kath.
"Aray naman ma! Kelangan mambatok?" sabi ko naman sabay himas ng ulo.
"Sorry talaga Kath ah. Pero naging ayos naman break-up niyo?" tanong ni mommy.
"Actually kabbreak lang po namin ngayon." sagot ni mommy.
"ANO?!?!" sigaw ni mommy. Hala makareact. HAHAHA
"Ma!" sabi ko.
"Ai sorry. Nabigla lang ako." sabi ni mommy.
"Okay lang po yun tita. Bakit nga po pala kayo aalis?" tanong ni Julia.
"Bukod sa ayaw na ni Sam bumalik sa school niyo kasi nga alam na ng lahat ang tungkol sa kalokohan nito. Aayusin pa kasi namin yung business namin dun kaya babalik na kami dun." sagot ni mommy.
"Ganun po ba?" sabi ni Kath.
"Oo pero babalik siya bukas sa school niyo para kuhain yung mga naiwan niyang gamit. Pwede niyo ba siyang samahan? Alam niyo na, baka kung anong mangyari dito e." sabi ni mommy.
"Sure!" sabay nilang sagot. Nagkwentuhan pa kami hanggang sa nag-aya ng umuwi si Julia.
"Tita una na po kami. Gabi na rin po kasi." sabi ni Kath.
"Sige. mag-ingat kayo ha. Salamat sa pagbisita. Sam, hatid mo na lang sila sa labas." sabi ni mommy na galing sa kusina ang boses.
"Salamat ah." sabi ko. Nagbeso sa akin si Julia.
"See you tomorrow. Wag ka na malalate ah." sabi sa akin ni Kath at niyakap ako.
"Salamat sa lahat." sabi ko naman.
"Ehem, dude!" singit ni Daniel.
"Ai oo nga pala. Salamat talaga ah. Bantayan mo yang si Kath kung hindi patay ka sa akin." sabi ko at napatawa naman sila Julia. Nagmanly hug kami at saka umalis na sila.
Salamat sa lahat Kath, hinding-hindi ko makaklimutan lahat ng pinagsamahan natin. Salamat sin sayo Daniel, dahil kahit nasasaktan ka na hindi mo kami hinyaang magkahiwalay pero siguro hindi talaga kami para sa isa't-isa. Sana alagaan mo siya at hindi saktan gaya ng ginawa ko sa kanya. Goodbye sa inyo!
---------------------------
Ayan na po :) Thanks for waiting. How was it?
VOTE
COMMENT
BE MY FAN
ADD TO YOUR LIBRARY :)
KATHNIEL and JULIEGO <3
BINABASA MO ANG
Lucky Chance
FanfictionPaano kung yun taong mahal mo, pagmamay-ari ng bestfriend mo? Paano kung ayaw niyang amining gusto ko rin niya? At kung kelan okay na lahat, tska mo malalaman na may malubha pa la siyang sakit? Kaya mo pa ba? Anong gagawin mo?