Concerned??

5.5K 65 1
                                    

Diego's POV

Hi! Eto ata first POV ko dito bukod dun sa nagpakilala ako sa inyo. Anyways, nandito ako ngayon sa bahay ni Dj. Bakit? Eh panu ba naman kasi may sakit ginawa pa akong yaya. Alam niyo naman si Kath ayaw namang pumunta dito kasi mag-aaway lang daw sila kahit may sakit pa daw. Kaya, eto ako ngayon nag-iisa naglalagbay sa gitna ng dilim - aii sorry napakanta mali mali. Mag-isa lang akong nagbabantay kay Dj kasi si tita bumili ng gamot tapos si Juls naman mamaya pa dadating, pipilitin daw niyang sumama si Kath. Makapunta na nga sa kwarto ni Dj.

KNOCK! KNOCK!

"Dj? Gising ka ba? Papasok na lang ako a." sabi ko. Hindi ko na hinintay yung sagot niya. Pagpasok ko nakita ko siyang naglalaro ng PSP niya. 

Anak ng? Akala ko ba may sakit toh?

Paglapit ko sa kanya agad ko siyang binatukan.

"Aray naman! Bakit ba?" tanong niya sa akin habang hinihimas yung ulo niyang binatukan ko.

"May sakit ka ba talaga o niloloko mo lang kami?" sabi ko naman sa kanya.

"HAHAHA!! May sakit talaga ako. Nabobored lang talaga ako kaya ako naglalaro. Bakit ka ba nandito?" tanong naman niya sa akin.

Kaibigan ko ba talaga toh? 

"Malamang binabatayan ka. Wala si tita bumili ng gamot mo. Kaya ako tinawagan. Inaasahan mo bang si Kath pupunta dito?" tanong ko naman.

"Wala ako sinasabi ah. Tinanong ko lang bakit ka nandito." sabi naman niya. Tinabi na niya yung PSP niya at humiga ulit. Umupo ako sa tabi ng kama niya at tinignan kung may lagnat pa siya.

"Ang taas ng lagnat mo dude! Nagawa mo pang maglaro lalo pa tataas lagnat mo eh." sabi ko sa kanya at tumayo. Kumuha ako ng tuwalya at tubig tapos bumalik ulit ako sa kwarto ni Dj. 

Ano ba naman tong ginagawa kong to? Para akong babae. Bakit kasi ang tagal ni Julia eh?

"Ano gagawin mo jan?" tanong niya sa akin

"Iinumin ko siguro. Malamang ilalagay ko jan sa noo para bumaba ng konti yang lagnat mo. Wag ka na maarte at walang babae dito. Alangan namang yakapin kita, kadiri naman!" sabi ko naman. Binasa ko na yun tuwalya at nilagay sa noo niya.

"Babalik ako. Tatawagan ko lang si Julia." sabi ko at lumabas na ako ng kwarto.

PHONE CONVERSATION

ME: JULS? ASAN NA KAYO?

JULS: HA?? AII OO NGA PALA. SORRY NAKALIMUTAN KO. WAIT LANG MAGBIHIS LANG AKO. OKAY LANG BA SI DJ?

ME: OO KASO ANG TAAS NG LAGNAT NIYA. WALA PA SI TITA. ISASAMA MO BA SI KATH?

JULS: KUNG PAPAYAG SIYA. ALAM MO NAMAN YUNG DALAWA EH. UY, SIGE SIGE TATAWAG NA LANG AKO PAG MALAPIT NA AKO. BYE!

END OF CONVERSATION

Ayun na nga nakalimutan pala netong si Julia. Ako na nga bahala muna dito kay Dj. Pumunta muna ako ng kusina at kumain. Nakakagutom kayang magbantay sa isang Daniel Padilla. Ang tigas ng ulo. Kawawa naman magiging girlfriend neto pero alam niyo boto ako sa kanya para sa pinsan ko. Ayaw ko talaga dun sa Sam na yun e.

DING DONG! DING DONG!

Sila Julia na siguro yan. Buksan ko na nga.

Julia's POV

Naman oh nakalimutan kong pupunta pala ako sa bahay nila Daniel. Nagmamadali tuloy ako, dadaan pa ako kila Kath at pipiliting sumama. Ano ba yan oh? Tawagan ko na nga si Kath.

Lucky ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon