Julia's POV
Ang laki ng problema naming dalawa. Paano kung hindi namin napapayag si Daniel? Hala naman! Pupunta kaming States? Kath naman kasi eh. Pero dapat mapapayag namin si Daniel. Eh, pag-aaral niya yung pinunta niya dun eh. Tska sabi na din ni Kath, susuko na si Daniel. Hala panu na to? Bahala na.
Papunta na kami kila Daniel para gawin ang aming misyon. Bahala na kung anong mangyayari. Nagdoorbell na kami. Yaya ni Dj ang nagbukas ng gate.
"Ya, si Dj po nandyan?" tanong ko. Iba yung mukha ni Yaya. Pinapasok niya kami pero hindi nagsalita. Pinaupo niya kami sa sala tapos may kinuha siya sa taas.
"Anong meron kay Yaya? Hindi naman niya tayo sinagot e." sabi ko kay Diego.
"Hindi ko din alam. Pero pansin mo iba yung mukha ni Yaya." sagot ni Diego. Tumango lang ako.
"Sino ba sa inyo si Kathryn?" tanong ni Yaya pagbaba niya galing sa taas.
"Ah-eh, wala po si Kathryn dito e." sagot ko naman.
"Ah ganun ba? Si Julia ka iha?" tanong ni Yaya. Tumango lang ako.
"At ikaw siguro si Diego?" tanong ni Yaya kay Diego.
"Opo. Bakit po?" tanong ni Diego. Naupo si Yaya sa kabilang sofa.
"Pinapaabot ni Daniel sa inyo to tska kay Kathryn." sabi ni Yaya. Inabot niya sa amin ang tatlong sulat.
"Ano po ito?" tanong ko naman.
"Sulat ni Daniel para sa inyong tatlo. Ano kasi---aah..." Hindi matuloy ni Yaya yung sasabihin niya. Kinakabahan na ako. Tapos biglang may tumulong luha mula kay Yaya.
"Ya bakit kayo umiiyak? Ano po ba kasi nangyari? At para saan 'tong sulat?" sabi ko habang lumapit na ako kay Yaya at niyakap siya.
"Kasi--- umalis na siya. Nauna na siya sa states. Pinamove niya yung flight niya na dapat bukas pa. Sinulat niya yan last week pa ata kasi kanina nag-ayos na lang siya ng gamit tapos inabot niya yan sa akin. Sabi pa niya wag niyo ng isiping sumunod sa kanya kasi hindi niyo rin dsaw siya mahahanap tska kinausap na niya lahat ng airport officials na huwag kayong payagang umalis ng bansa." sagot ni Yaya.
ANO!?! Anak ng!! Ayos ah. Alam ni Dj na yun ang balak namin.
Napaiyak na ako matapos kong marinig yung mga sinabi ni Yaya. Niyakap ako ni Diego. Nagpakalma lang muna kami dun bago kami bumalik kila Kath para sabihin. Palabas na kami ng bigla akong tinawag ni Yaya.
"Ay, Julia sandali lang." sabi ni Yaya. May kinuha siya sa taas. Sa kwarto ata ni Daniel.
"Eto. Pakibigay na lang daw kay Kathryn." sabi ni Yaya at inabot niya sa akin ang isang box. Hindi ko na itinanong kung ano yun. Nagpaalam na kami at bumalik kila Kath.
"Die, panu natin sasabihin kay Kath? Baka kung ano mangyari dun." sabi ko kay Diego.
"Wala na tayo magagawa. Kailangan nating sabihin sakanya ang totoo. Masasaktan talaga siya kasi may kasalanan din naman siya. Di naman natin masisisi si Daniel kung pumayag siyang pumunta ng states." sagot naman ni Diego. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.
"Ngiti ka naman jan. Papanget ka nyan sige ka. Iwan din kita." sabi niya.
"Huy wag! Sige na ngingiti na." sabi ko sabay ngiti. Hinalikan niya ako sa noo. Nagdoorbell na kami at siya ang nagbukas. Ay oo nga pala, yung mga sulat nakatago sa bag ko tapos yung box din.
"Uy bes Diego. Ang bilis niyo naman. Anong nangyari? Pumayag ba si Daniel?" tanong agad ni Kath pagkapasok namin at pagkaupo. Hindi ako sumagot syempre ganun din si Diego. Naupo si Kath sa harap namin. Actually sa sahig na nga siya nakaupo e while kami nasa sofa.
"Bes? May problema ba? Bakit hindi ka sumasagot?" tanong sa akin ni Kath. Tinignan ko si Diego at ngumiti lang siya.
"Kasi bes ano-- si Dj... Uhm---" errrrrr. Hindi ko matapos yung sasabihin ko. Tapos trinaydor naman ako ng luha ko ayun umiiyak na ako.
"Ui bes. Wag mo nga akong pakabahin. Ituloy muna kasi. Ano ba yan? Tears of Joy kasi hindi na aalis si Daniel? Di ba?" sabi ni Kath na parang pinipilit niyang yun ung sabihin ko sakanya.
"Ano kasi Kath ahmmm--- wala na si Dj. Umalis na siya kanina pagkatapos niyong mag-usap. Hindi na namin siya napigilan." sinabi ko yung habang umiiyak at mabilisan.
"Teka teka. Hindi yan totoo. Bes hindi pa umaalis si Daniel. Diego, sabihin mo sa akin di ba hindi totoo yung sinabi ni Julia? Di ba???" sabi niya habang umiiyak na. Nagmamakaawa na siya kay Diego para sabihing mali yung sinabi ko.
"Totoo yung sinabi ni Julia. Umalis na si Dj." sabi ni Diego pero hindi tumingin kay Kath. Kinuha ko na yung sulat sa bag ko. Pati na rin ung amin.
"Pinapabigay ni Dj. Basahin mo." sabi ko at inabot sa kanya yung sulat. Binuksan na namin ni Diego yung sulat at binasa na namin. (Yung mga nilalaman ng sulat mababasa sa next chapter. Thank You!)
Kathryn's POV
Inabot sa akin ni Julia ang isang sulat galing kay Daniel. Nagdadalawang-isip ako kung bubuksan ko pero binuksan ko pa rin. Simula pa lang iyak na ako ng iyak. Hanggan sa matapos ang nilalaman ng sulat. Nadurog yung puso ko dahil alam ko kung gaano ko siya nasaktan.
"Okay ka lang?" tanong ni Julia. Nilapitan niya ako at niyakap. Doon ko na binuhos lahat ng luhang kaya kong iiyak sa oras na yun.
"Juls, ibigay mo na." sabi ni Diego. Napatingin ako kay Diego tapos kay Julia na may kinukuha sa bag niya. Tapos nilabas niya ang isang box.
"Pinapabigay ni Dj. Hindi ko alam ung lama. Galing yan kay Yaya pinabigay lang sa amin." sabi ni Julia. Kinuha ko yung box tapos binuksan ko. Nagulat ako sa laman ng box tapos tumulo ulit yung luha ko.
"Bakit bes? Ano ba yan?" tanong ni Julia. Umupo na rin sa tabi namin si Diego.
"E-eto yung binigay ko sakanya. Eto yung sign na may pag-asa siya sa akin nung time na yun. Eto yung binigay ko sakanya nung una niyang sinabing mahal niya ako. Ito yung singsing ko." sabi ko at napaiyak na ako. Niyakap ako nila Diego.
Bakit Daniel? Bakit mo binalik sa akin to? Talaga bang susuko ka na? Talaga bang wala ng pag-asa? Hindi mo na ba ako mahal? O binalik mo dahil alam mong wala ka ng pag-asa sa akin dahil sa pag-iwas ko. Nagkakamali ka, mahal kita at malaki ang pag-asa mo sa akin. Potek naman Daniel oh, oo na ako na may kasalanan ng lahat. Please bumalik ka na!!!
Iyak lang ako ng ako ng iyak hanggang sa siguro nakatulog na ako sa sobrang pagod.
Mahal kita, mahal na mahal..................
--------------------------------------------------------
Oooooooops! Okay lang ba?
Nako heartbroken na si Kath... Umalis na ba talaga si Daniel? Ano ang nilalaman ng sulat ni Daniel? At bakit niya binalik yung singsing ni Kath?
Hi readers :) Hope you're liking this story.. Thank you for reading this :)
VOTE
COMMENT
BE MY FAN
ADD TO YOUR READING LIST :)
KATHNIEL and JULIEGO <3
BINABASA MO ANG
Lucky Chance
FanfictionPaano kung yun taong mahal mo, pagmamay-ari ng bestfriend mo? Paano kung ayaw niyang amining gusto ko rin niya? At kung kelan okay na lahat, tska mo malalaman na may malubha pa la siyang sakit? Kaya mo pa ba? Anong gagawin mo?