CONTINUATION... (still Kathryn's POV)
~kinabukasan~
This is it. Kakausapin ko na si Sam about sa amin and I'm going to break up with him.
DING DING! DING DONG!
Ai oo nga pala, susunduin ako ngayon nila Julia sabay-sabay na daw kaming papasok. Si Kuya Diego naman nauna na.
"Morning bes!" bati sa akin ni Julia sabay yakap sa akin.
"Morning panget!" bati naman sa akin ni Daniel.
Namiss ko yung pang-aasar niya.
"Morning din panget! Tara na?" tanong ko.
"Atat atat? 6 am pa lang oh. Pwede kumain muna tayo?" tanong ni Daniel.
"Hindi pa kayo kumakain?" tanong ko.
"Kumain na kumain na. Kaya nga sabi ko pwede bang kumain e." pilosopong sagot ni Daniel. Nabatukan tuloy siya ni Julia
"Aray naman! Bakit mo ko binatukan?" tanong niya sabay himas sa ulo niya.
"Ang aga-aga pinipilosopo mo si bes e." sagot ni Julia.
"E kasi nakakaloko magtanong e. Obvious naman ang sagot." sabi ni Daniel.
"Tama na. Kumain na nga tayo." sabi ko naman. Nauna sa amin si Daniel sa kitchen.
Gutom?
"Gutom gutom?" sabi ko.
"Hindi busog busog. Ano ba yan kumain na nga kayo." sabi ni Daniel.
Wow! Feel at home ah.
"Bahay mo, bahay mo?" sabi ni Julia
"Hindi. Bahay ni Kath." sagot ni Daniel. Hanggana sa matapos kaming kumain nagbabarahan kaming tatlo. Maya-maya hindi ko namalayan natahimik na pala ako.
"Bes okay ka lang? Natahimik ka ata." tanong ni Julia habang nasa kotse na kami nila Daniel.
"Inaalala ko lang kung anong mangyayari mamaya." sabi ko.
"Kath, don't worry. Nandito kami ni Julia for you. Kahit anong mangyari." sabi ni Daniel at ngumiti.
Yan ang gusto ko. Nakangiti lagi kahit deep inside nasasaktan na.
"Thanks. You're the best." sabi ko. Nakarating na kami sa school. Pagbaba namin nakatingin lahat ng mga tao sa amin.
"Anong meron?" tanong ko.
"Magkakasama kasi yung tatlong sikat na estudyante sa school na ito." sagot naman ni Daniel. Tinignan ko si Julia at ngumiti lang. Pumasok na kami sa room at ganun din ang nadatnan namin.
"Ano ba talagang meron? Magkakasama naman talaga tayo di ba?" tanong ko ulit. Tumayo si Daniel sa harap.
"Guys pwede ba magtanong? Bakit ba kanina pa kayo nakatingin sa aming tatlo? Ano bang meron?" tanong ni Daniel.
Wow! Hanep lakas ng loob ah.
Girl1: Hindi niyo talaga alam?
"Magtatanong ba akon dito sa harap kung alam namin?" sagot ni Daniel.
Girl2: Balita kasi namin ----
"Mr. Padilla maupo ka na. Ako na magsasabi." sabi ng teacher namin. Naupo si Daniel.
"Kumalat kasi sa buong school yung nangyari sa inyo ni Sam at balita namin lumipat na daw ng school si Sam." sabi ni mam.
"ANO?!?" bigla kong sabi at napatayo.
BINABASA MO ANG
Lucky Chance
FanfictionPaano kung yun taong mahal mo, pagmamay-ari ng bestfriend mo? Paano kung ayaw niyang amining gusto ko rin niya? At kung kelan okay na lahat, tska mo malalaman na may malubha pa la siyang sakit? Kaya mo pa ba? Anong gagawin mo?