Daniel's POV
And so I'm back from States. Nagstart na ang buhay college namin at as of now okay pa naman. Eto ang hindi na nakakagulat... SI KATHRYN CHANDRIA BERNARDO ay DEAN'S LISTER!!! Hahaha. Sabi sa inyo hindi na nakakagulat eh. Nagtataka lang ako, bakit sa States nasa honours ako? Bakit pag sa Pinas hindi ko kayang talunin si Kath? Daya naman oh! Anyways, weekend pala. Wala naman magawa sa bahay. Tawagan ko na lang si Diego.
PHONE CONVERSATION
ME: DUDE! SAN KA? PWEDE KA BA NGAYON? LA MAGAWA EH
DIEGO: NAKO SORRY! MAY LAKAD KAMI NI JULIA EH. PUNTAHAN MO NA LANG SI KATH. MAG-ISA LANG YUN SA BAHAY. MAG-USAP NA KAYONG DALAWA PARA MAAYOS NA LAHAT. SIGE NA, DITO NA SI JULS EH.
At ayun na nga, binabaan na ako ng phone ni Diego.
Pupuntahan ko ba si Kath? Kakausapin ko na siya? Hmmmmm? Sige na nga... Iyakan ulit to! HAHAHA!!!
Nagbihis at lumabas, nagpaalam kay Yaya at maya-maya nasa tapat na ako ng bahay nila Kath Nagdoorbell ako at lumabas si Kath.
"Oh bakit ka nandito?" tanong ni Kath. Hindi binubuksan yung gate.
"Try mo kayang buksan yung gate para makapag-usap tayo." sabi ko.
"No. Bakit ba?" sabi niya. Eto na naman wala pa nga ako ginagawa tinatarayan na ako.
"Edi wag. Lumabas ka jan. Punta tayo sa park. Tapusin na ang dapat tapusin." sabi ko at tumalikod na ako. Paglingon ko nandun pa rin si Kath. Aiii hindi pala nasa labas na siya pero yun pa din suot niya.
"Ano pa hinihintay mo? Sabi ko magbihis ka na." inulit ko pero hindi pa rin siya gumalaw. Tapos hinila na niya ako papuntang park. Naupo ulit kami sa swing. Tahimik lang kami dun.
"Naaalala mo?" nagsalita siya bigla. Tumango lang ako.
"Sorry." sabay naming sabi tapos nagtinginan kaming dalawa.
Ay grabe hindi ko na to mapipigilan.
Tumayo ako at niyakap siya. Tapos di ko namalayan umiiyak na pala ako.
"Huy! Bakit ka umiiyak? Daig mo pa ako ah." sabi niya nung lumayo ako sa kanya. PInunasan niya yung mga luha ko. Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa madamong part ng park tska doon umupo.
"Kamusta ka nung wala ako?" tanong ko naman habang umayos ng pwesto at nahiga. Nakatingin lang ako sa mga ulap.
"Masaya---" natigil siya.
Masaya? Masaya siya nung wala ako?
"Pero pakitang tao lang. Hindi ko talaga magawang maging masaya nung wala ka. Nag-aalala kasi sila Julia kaya pinipilit kong laging nakangiti pag kasama sila." sabi niya. Nilagay niya yung ulo ko sa hita niya.
"Alam mo bang sobrang sakit nung iniwan mo ako? Daig ko pa nga ang isang girlfriend na iniwan ng boyfriend. Alam mo ba nung mga araw na yun, hindi ako kumakain o lumalabas ng kwarto. Araw-araw akong pinupuntahan ni Julia tapos si Kuya Diego nagmamakaawa ng kumain ako." sabi niya. Hinahaplos niya yung buhok ko.
"Sorry talaga. Madami akong kasalanan sayo for 2 years. At sa mga kasalanan ko na yun dinamay ko sila Julia." sabi ko at tinignan ko siya.
"Alam nila ang number ko sa States pero hindi lang nila sinasave. Tinatawagan ko sila pag may time ako. Nung birthday mo, tinawagan Diego at Julia at sinabing wag sabihin sayong tumawag ako. Nung time na naiwan ni Diego yung phone niya at ikaw sumagot, kaya ko piniling ibaba agad kasi nasasaktan ako pag naririnig yung boses mo. Sorry." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Lucky Chance
FanfictionPaano kung yun taong mahal mo, pagmamay-ari ng bestfriend mo? Paano kung ayaw niyang amining gusto ko rin niya? At kung kelan okay na lahat, tska mo malalaman na may malubha pa la siyang sakit? Kaya mo pa ba? Anong gagawin mo?