meet the D' Extremes

8.9K 86 4
                                    

Kathryn's POV

Hello! Ako si Kath. Sabi nila ako yung pinakasikat sa school kasi madaming nagkakagusto sa akin pero ayoko naman maging ganun eh, gusto ko simple lang ako, kaya kahit sikat daw ako hindi ako nagbabago. Ai oo nga pala nasa 3rd year highschool na ako, top 1 sa class at kabilang sa grupong D'Extremes. 

"BES!!!" si Julia yun. Siya lang naman ang bestfirend ko na sobrang ganda pero mataray. 

"Bes naman! Ang aga-aga sinisigawan mo na agad ako. Bakit ba?" sagot ko naman pagkatapos naming magbeso.

"Hinahanap ka ng boyfriend mo." sabi ni Julia na halatang inis. Hindi kasi magkasundo si Julia at si Sam, yung boyfriend ko. Ewan ko ba kahit anong gawin ko hindi talaga sila magkasundo.

"Nasan?" tanong ko naman at sabay turo kay Sam na nasa gilid ng pinto ng classroom namin. Umalis na si Julia ng makita niya sila Daniel na paparating. Pinuntahan ko naman si Sam.

"Morning Babe!" sabi niya sabay halik sa pisngi ko. Madaming estudyante ang nakakita at kinilig. Best Couple daw kasi kami. Nag-usap lang kami saglit tapos umalis na rin siya kasi hindi naman kami magkaklase. Pumasok na ako ng classroom.

"Good Morning Kath!" bati sa akin ni Diego. Binati ko din siya at ngumiti. Umupo na ako katabi ni Daniel tapos nasa harap ko si Julia, si Diego naman sa likod ko. 

*Ano kayang problema netong si Daniel at di ako binati?*

Daniel's POV

Ako si Daniel, pinakagwapo daw sa lahat pero mas pinili kong maging simple lang. Kasali rin ako sa grupong D'Extremes. Tahimik talaga ako lalo na kapag wala ako sa mood lalo na ngayon. Haii, umagang-umaga nakita ko na agad silang magkasama. Pumasok ako ng classroom at naupo.

"Dj! Okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Julia. Siya nga pala yung close friend ko na may alam kung sino yung gusto ko.

"Sino bang magiging okay?" sagot ko naman. Tinap ni Julia yung balikat ko at ngumiti. Ngumiti na lang ako kahit pilit. Maya-maya pumasok na si Kath. Binati siya ni Diego pero ako tahimik lang. Ewan ko ba wala talaga akong ganang makipag-usap ngayong araw na to.

"Daniel!" tawag niya sa akin. Tinignan ko siya at ngumiti na lang.

"Okay ka lang ba? Wala ka ata sa mood." sabi naman niya.

"Okay lang ako. Makinig ka na lang jan." sabi ko naman at nakinig na lang kay Ms. Vera, ang homeroom teacher namin. 

KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!!!!!!

Ayun lunch na rin. Nauna na ako sa grupo sa cafeteria.

Julia's POV

Ola! Aii sorry, Julia here! Bestfriend ni Kath at parang si Daniel na rin. Kasama ko ngayon si Kath at Diego kasi iniwan kami ni Daniel. Wala na naman sa mood, kawawa naman 'tong kaibigan ko. Ai kasali rin pala ako sa D'Extremes.

"Die!" tawag ko kay Diego pero mahina lang para hindi marinig ni Kath. Tumingin siya sa akin.

"Bakit? Tungkol ito kay Daniel noh?" sabi naman niya. Tumango ako sa kanya.

"Wag mo na intindihin yun, baka wala lang talaga sa mood yun." sagot naman niya. Aii naman Julia, hindi nga pala alam ni Diego yung tungkol sa mahal ni Daniel. Tumahimik na lang ako at pumunta sa table na sinave ni Daniel.

"Oh tara na! Kain na tayo." aya ni Kath. Bumili kami at pagbalik namin nandun na yung boyfriend ni Kath. Eto na naman tayo.

"Daniel tabi na lang tayo please?" sabi ko kay Daniel na katabi ni Diego.

Lucky ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon