Kathryn's POV
Okay, I admlit ako talaga ang mali. Dapat nakinig na ako kay Daniel nung kinausap niya ako last time. Yung time na iniwasan na rin niya ako at di na nakipag-usap. Bakit naman kasi nilamon ako ng pride ko e? Ayan tuloy naging komplikado yung relationship namin kahit as friends. Ang haba pala nun magspeech. HAHAHA! Okay nagawa ko pang magpatawa.
Yun nga, iniwan ako nilang tatlo. Si Daniel hindi ako kinausap, si Diego naman alam kong gusto niya akong kausapin kaso hinayaan na lang niya si Julia at si Julia nagwalk-out at iniwan ako. Lumabas na ako ng room tapos hindi pa ako nakakapasok ng canteen narinig ko yung mga usapan ng mga chismosang babae.
Girl1: Alam mo ba? Si Yen na daw tska si Daniel
Girl2: Weh? Imposible yan kasi si Kath mahal ni Daniel di ba?
Girl1: Totoo. Sinabi pa nga ni Daniel kay Diego kanina nung lumapit siya e. Tignan mo oh.
May tinuro yung babae tapos nilingon ko din. Sakto paglingon ko nakita kong magkayakap silang dalawa. Hindi ko na napigilan yung nararamdaman ko. Tumakbo ako pabalik sa room at dun umiyak.
Anak ng tokwa naman Daniel e! Sabi mo mahal mo ako tapos malalaman ko may girlfriend ka na? Ano yun joke? AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!
"Bes! Anong nangyari sayo?" narinig ko si Julia. Nakayuko pa rin ako hindi ko siya tinignan.
"Wala ka bang kasama? Ikaw lang mag-isa?" tanong ko sa kanya.
"Ako lang. Bakit ka ba umiiyak?" tanong ni Julia. Tinignan ko siya.
"Kasi---kasi nakita ko si Daniel kasama si Yen. Tapos nagyakapan pa sila. Tapos narinig ko sa mga chismosang babae girlfriend na daw ni Daniel si Yen." sagot ko naman.
"Eh bakit ka umiiyak? Diba dapat masaya ka kasi atleast di ka na kukulitin ni Daniel. Di ba ayaw mo kay Daniel at gusto mong bawiin na mahal mo na siya." sabi ni Julia.
Hindi ko nga ba siya mahal? O sadyang tinatago ko lang ang nararamdaman ko?
"Oo nga pero--- eh bakit kasi sinabi pa niyang mahal niya ako dati kung hindi naman pala. Bwisit naman kasi eh kung hindi nagparaya yung mokong na yun eh di sana walang problema. Kainis yan! Ayoko na talaga." sagot ko naman.
isusuko ko na? Ano ba yan nalilito na ako?!?!
"Susuko ka na? Aii teka baakit ka nga pala susuko e hindi mo naman mahal si Daniel di ba?" sabi ni Julia
MAHAL KO NGA SI DANIEL EEH!! AYAW KO LANG AMININ!!
"Bes naman eh! Di ba nga mahal ko na si Daniel dati pa?" sagot ko naman. Parang nagulat si Julia sa sinabi ko.
Tama bang sinabi ko na? Alam naman niya e.
"So susuko ka na nga dahil sa nakita mo? Bes di ba alam mo naman kung gaano kahirap yung pinagdaanan ni Dj. Mas mahirap pa nga sa pinagdadaanan mo eh tapos ikaw susuko na samantalang siya hindi, naghihintay pa rin sayo." speech ni Julia.
Eh ano pang hihintayin ko eh siya nga tong nakalimot na may mahal siya e. Kita mo may girlfriend na agad. Paanong hindi ako susuko kung binibigyan niya ako ng dahilan? Eh di ba kasalanan ko rin? Bakit ko sinisisi si Daniel? AI EWAN KO NA!!!
"Naghihintay? Eh siya nga tong may girlfriend niya." sagot ko naman kay Julia. At sure na akong nagulat siya sa sinabi ko.
"Eh tinanong mo ba naman kung totoo yung nakita at narinig mo?" may nagsalita galing sa likod ko. Paglingon ko nakita ko si Daniel.
Nako patay! Narinig pa ata niya. E sabi ni Julia wala naman daw siyang kasama e.
"Bes akala ko ba i----" sabi ko pero wala na si Julia sa tabi ko. Lumapit sa akin si Daniel.
BINABASA MO ANG
Lucky Chance
FanfictionPaano kung yun taong mahal mo, pagmamay-ari ng bestfriend mo? Paano kung ayaw niyang amining gusto ko rin niya? At kung kelan okay na lahat, tska mo malalaman na may malubha pa la siyang sakit? Kaya mo pa ba? Anong gagawin mo?