4. Writer and Choreographer

5 1 0
                                    


Ha Yoo's POV

Here in there, lagi na lang akong inaasar ng mga kaibigan ko tungkol kay Woozi. Inaamin ko naman na iba yung tingin ko sa kanya kasi lagi na lang tumitibok ng mabilis yung puso ko kapag nakikita yung picture niya. Minsan nga naiisip ko, paano pa kaya kapag nakaharap ko na siya ng personal baka mamatay na ako. OA ko noh grabe kung makapagisip at magfantasize akala mo may past na.

"UNNIE, uuwi ka na?" Tanong sa akin ni Melanie. Alam ko namang ako ang matanda sa aming apat pero hindi naman niya kailangang ipaglantaran ang 'Unnie' word noh.

"Maka Unnie wagas, oo uuwi na ako!" Balik na sigaw ko sa kanya at binitbit na ang bag ko.

"Hintay naman" Malakas na sigaw nito sa akin at sumabay na sa lakad ko paglabas ng campus. "Alam mo, kung hindi ko lang alam na sira ulo ang 'rl' mo baka naniwala na ako sa naiisip ko na meron ka nga lang talaga?" Dagdag pa nito sa sinabi na ikinakunot naman ng noo ko, RL?

"Anong rl?" Tanong ko at sumakay na ng sasakyan ko.

"regla, pinaikli ko lang para hindi masyadong nakakahiya" Explain nito sa akin na ikinapula naman ng mukha ko. Alam kong sa inis at hiya iyon. Sinabi nga niya sa akin yung ibig sabihin ng 'rl' pero malakas naman kaya marami rin ang nakarinig, kahiya talaga. Konting consideration naman sa place diba public place to. Hindi talaga malalayo sa grupo ko sa 'school' ang pagiging green minded. Kita mo ugali nito mana sa kanya talaga si Mary Ann.

"Hutanes ka talaga Melanie!" Sigaw ko sa kanya dahil nakalayo na siya sa akin. Hinabol ko siya at binatukan nang maabutan ko.

"Aray naman!" Sigaw nito sa akin at hinamas ang noong binatukan ko.

"Sorry na, tara na nga makauwi na" Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi na ikinangiwi nito. Tumawa na lamang ako sa reaction nito.

Bahay

Habang naglalakad ako pauwi sa 'totoong' bahay ko nakita ko sila Kaya Mae kasama si Cecil kaya naman tinawag ko sila.

"Bakit unnie?" Tanong sa akin ni Kaya Mae.

"Papaturo sana ako kay Cecil kung paano gumamit ng guitara" Sabi ko at tumingin kay Cecil.

"Para saan?" Tanong niya sa akin na nagtataka ang mukha.

"Presentation namin sa Literature" Sagot ko sa kanya at nagpacute para lang pumayag siya.

By the way guys, may iba pa akong grupo dito sa bahay, pero wala itong pinagkaiba sa grupo ko sa school. Ako parin ang pinakabata hehe lam na at pinakamatanda naman namin ay si Kaya Mae.

Wanna meet my group?

Me
Cecil
Nadine
Kaya Mae

Yan pero lam niyo ba ang malupet? Second Year College na ako High School palang sila yung dalawang bunso. Si Cecil ay First year college.

"Kailan mo ba ippresent?" Tanong ulit nito sa akin.

"Well, next next next week na siya" Sagot ko sa kanya at ngumiti ng malawak sa kanya. I hope na pumayag na siya kasi kailangan ko talaga.

By group kasi yung presentation, tapos kailangan naming gumawa ng original song(meaning sila mismo ang gagawa ng kanta) ang nakakamatay lang ako ang gumawa ng kanta at ang malupet ako rin ang maglalagay ng tono, saya di ba? Sarap pumatay.

"Umpisahan na natin ngayon Unnie para hindi ka mahirapan" Sabi ni Cecil at naglakad na papasok sa bahay nito. "Ano nga palang kanta?" Tanong pa nito sa akin habang tinatanggal nito sa lalagyan ang guitara nito.

"Actually, gumawa ako ng lyrics tapos kailangan lang lagyan ng tono" Ang paliwanag ko sa kanya at ngumiti ulit.

"Anong kanta? Patingin nga" Sabi nito sa akin at iniabot ko naman sa kanya yung notebook ko na pinaglalagyan ko ng lyrics na ginawa ko.

Song WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon