22. Hilahan Portion

1 0 1
                                    

Ang cute niya hehehehe.. Peace.. Maghahanap pa po akong mukha niyang galit.. Hehe.. Sige basa na po..

Ha Yoo's POV

Pagkatapos ng pabebe ng Seventeen sa harap namin ay nagumpisa na ang pirmahan. Dahil wala akong dala wala akong alam na pwedeng ipapirma sa kanila.

Hindi ko alam kung nananadya or nagkaganoon lang napunta kami sa huling pila at ako nasa dulo talaga. Oh di ba masaya lang ang buhay ko, naririnig ko naman sila Kaya Mae na nagrereklamo dahil nasa unahan ito nakikita talaga niya yung nangyayari and syempre pilipino kami kaya may singitang nangyayari.

Pero kahit ako ay gustong magreklamo pero ano bang magagawa namin kundi ang manahimik dahil kanina pa kami gumagawa ng scene. And ako talaga ang nagsabi sa mga ito na maging patient silang lahat kahit na konti na lang ay sasabog na ako.

"Pst, may dala ba kayong pipirmahan nila?" Tanong ko sa mga kapatid ko at pinakita nila sa akin ang mga merchandise nila sa akin na papapirmahan at ibibigay ng mga ito sa Seventeen.

Napasimangot naman ako kasi nagiisa lang pala akong walang dala. Then naalala ko yung damit kong puti sa loob ng bag ko kaya tinignan ko iyo and yun nakita ko yung damit kong Seventeen pero pangalan ni Woozi yung nakalagay sigurado akong aasarin niya ako pero wala na me pake basta may magamit lang ako.

Malapit na kami nang maisip kong wag ko ng gamitin yung shirt ko pero ano namang gagamitin ko kasi naman favorite ko yung damit na dala ko. Hindi dahil sa pangalan ni Woozi yung nakaprint doon kung hindi komportable akong sinusuot ito pero no choice na talaga ako dahil kahit mga kapatid ko ayaw akong bigyan ngayon lang ako nakaramdam sa kanila ng pagdadamot.

Nang si Kaya Mae na yung susunod ay inilabas ko na yung shirt pero nahihiya akong ilantad ito baka asarin pa nila akong lahat. Tinalikod ko yung damit kasi doon walang nakaprint. Nang ako na ay si Jun Hyung ang unang pipirma sa damit ko.

"Annyeong" Sabi ko sa mahinang boses dahil nahihiya talaga ako.

"Hello, saeng can I get the number of Edlea to you?" Tanong nito sa akin na ikinakunot noo ko pero napangiti na rin ako dahil parang may nafefeel ako sa kanya.

"Okay" Kaya kinuha ko yung pentel sa kanya and kinuha yung papel na nakapatong sa tapat nito.

"This the first time I will put my signature in a shirt" Sabi nito sa akin at tumawa pa.

"You don't want to?" Tanong ko dito pero natatawa proud naman ako kung ganoon.

"No I like it, I won't held my hand to you coz Woozi is looking bad at me" Sabi nito kaya naman napatingin ako sa dulo ng table kung saan andoon si Woozi and yung masama nga ang tingin sa akin and kay Jun Hyung.

"Fine, but I want to have out picture later, arraso" Sabi ko at kinuha na ang shirt at inilapag ito sa tapat ni The8.

Alam ni Woozi na panglima kong bias si The8 kaya kitang kita ko ang umaapoy na titig nito kay The8.

"Minghao-ah, can I pinch your cheeks?" Tanong ko sa kanya habang pinipirmahan nito ang shirt ko.

"Mho?" Tanong nito sa akin na nakakunot noo.

Hindi ko siya sinagot pero ginawa ko yung gusto kong gawin sa kanya. Napaouch naman ito dahil masyado akong nanggigil sa kanya.

"Woah, Ferlin-nah Minghao is begging you to stop" Narinig kong sabi ni Jeonghan Hyung na nasa tabi ni The8 and next member na hihingan ko ng pirma.

"Oh sorry hao-hao-ah" Sabi ko at hinaplos na lang ang pisngi nito. Nakarinig kami ng medyo malakas na hampas kaya naman tumingin kami sa pinanggalingan nito at yun napangiwi na lang ako dahil masama ang tingin nito sa amin napapeace sign na lang ako sa kanya.

Song WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon