17. Everything is Fine

1 0 0
                                        

Okay po mga kapatid ko.. Bago niyo po ito basahin ay bago ito ay ang "Angry to Kilig" muna basahin niyo nilagyan ko na po ng numbers para hindi kayo malito kasi pati ako nalilito sa mga pinaggagawa ko.

Salamat or Thank You po..
--------------------------
Cezille's POV

"Guys, nagtext sa akin si singkit, punta daw tayo ngayon sa Solaire bibigyan daw nila tayo ng ticket para bukas" Sabi ko pagkababa ko sa kusina kung saan nakita ko silang kumakain ng breakfast except kay Ferlin Unnie dahil dito siya nagstay kagabi. Akala nga nila Melanie Unnie na mapapaoo namin si Unnie na bumili ng ticket pero laking panlulumo namin dahil isang napakalaking HINDI ang sagot niya sa akin.

"Game ako" Si Nadine na uminom ng tubig pagkatapos.

"Tara!" Masayang sabi ng Kaya Mae na ikinangiti ko ngayon sa dalawa kong kapatid. Kasi halata sa mukha nila na ready na sila at game na game na silang lumarga.

Kaso parang nanlalambot kami ng maalala namin si Unnie. Kailangan namin magisip ng magandang excuse para pumayag at sumama na rin ito sa amin.

"What to do" Tanong ni Kaya Mae na ngayon ay hindi mo na mababakas ang pagkaexcite sa mukha nito.

Tinignan ko si Nadine na nagiisip na ngayon. Alam niyo po itong batang ito kahit salbahe yan at makulit hindi ko parin ipagkakait sa kanya na matalino talaga ang kapatid kong ito.

Sabi kasi ni Ferlin Unnie dapat hindi daw magkakaibigan turungan namin lalo na at nakatira kami sa iisang bahay. Dapat daw magkakapatid para wala daw ilangan at taguan ng secret, diba ganoon yung mga magkakapatid kasi ganoon kami.

Balik tayo....

Napatingin ako kay Nadine ng magtaas ito ng ulo.

"Alam ko na, we should call Unnies at sabihin natin sa kanila na kunwariang anniversary ng parents mo Cezille Unnie" Sabi niya na ikinakunot noo ko. Anong connect ng anniversary ng parents ko sa problema namin.

Napahinga ng malakas si Nadine na ikinangiwi ko. Alam kong nainis ito dahil hindi ko naman naintindihan ang sinabi nito.

"Unnie, di ba business partners ang parents mo and parents namin kaya para maisama natin sila ay sasabihin natin na anniversary ng parents mo which is sila Tita Mailin" Explain niya sa akin na naintindihan ko naman. Kaya napangiti na ako dahil asyuswal nakaisip nanaman ng paraan ang kapatid ko ang galing talaga niya.

"Kaya Mae, call our Unnies now na!" Sigaw ko kay Kaya Mae nagulat dahil bigla akong sumigaw.

Nang makarecover na si Kaya Mae nagmamadali itong kinuha ang cellphone nito at tinawagan ang mga Unnies.

Nagmamadali na akong nagayos para pagdating nila Melanie Unnie si Ferlin Unnie nalang yung hihintayin namin magayos.

Kaya Mae's POV

Pagkatawag ko kila Melanie Unnie at sabihin dito ang plano namin ay nagmamadali na akong nagtungo sa kwarto ko at naghanap ng masusoot.

Excited na ako dahil makikita ko na si Vernon pero yung totoo po kasi si Joshua Oppa po talaga kasi yung bias ko kaya lang dahil sa age gap namin ay alam kong wala na kaming pagasa, hehe parang may kami eh no hehehe.

Pagkatapos kong magayos ay bumaba na ako at nakita ko silang nakaupo sa couch sa sala. Ready narin sila, naeexcite na talaga ako. Grabe lang itech, swerte namin at nang dahil iyon kay Cezille Unnie.

"Ayan na si special saeng natin" Si Mary Ann Unnie na mahilig rin manginis kaya naman kapag nagsama sila Nadine Unnie at ito naku lang talaga ang iyak mo kapag ikaw ang naisipan nilang mapagtripan.

Song WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon