3. Girlfriend

7 1 0
                                        


Ha Yoo's POV

"Kanina ka pa kasi namin tinatawag hindi mo naman kami pinapansin kaya sinigawan ka na ni bunso" Si Melanie ang sumagot sa tanong ko kay Mary Ann pero bago pa ako makasagot pabalik sa kanya pumasok na ang professor namin at nagumpisang magturo.

By the way guys, second year college na pala ako/kami at education course wag nang itanong kung ano ang major.

After one hour and half nagbell na at nagpaalam na ang professor namin na wala man lamang akong natutunan sa itinuro niya. Sa kauna-unahang pagkakataon ang isip ko ay lumilipad pero dahil kung sino hindi dahil sa kung saan. Don't get me wrong, hindi ko gusto itong course ko kaya wag nang magtaka. Pero wala naman akong magagawa di ba? ako ba ang nagpapaaral sa sarili ko hindi naman.

"UNNIE, WALA DAW YUNG SECOND SUBJECT NATIN PUNTA NA LANG TAYO SA RAINFOREST!!" Si Eya na hindi lang ako ginulat sa malakas na pagsigaw niya niyugyog pa ako sa balikat para lang masigurong magigising ako. Mukha ba akong natutulog? Iritang naisip ko at masamang tumingin dito.

"BAKIT KAILANGANG MANIGAW AT MANYUGYOG NG MALAKAS!!" Inis ko ring sigaw dito na hindi sumagot pero naglakad ito palayo sa akin at lumapit kay Melanie. "Wrong move Ferlin, inis!" Ang naisip ko pero hindi parin tinatanggal ang tingin ko sa dalawa. Sigurado kasing kakastiguhin nanaman ako nito. Ang laging linya niya sa akin is:

'Mas matanda ka sa ating apat kaya be patient hindi mo kailangang magalit at sigawan sila dahil naririnig ka nila'

Nakakunot naman ang noo ni Melanie ng tumingin sa akin. "Sino ba naman ang lalapitan nila kundi si Melanie kapag ako ang may sayad." Naisip ko at iniligpit na lang ang mga gamit ko.

"Ano nanaman ang sumapi sayo at galit ka?" Si Melanie na lumapit sa akin at pinamengwangan pa ako nito habang nasa likod nito si Eya na dala na ang bag sa likod.

"Hindi ako galit, at for the info, sinigawan kaya ako ni Eya" Depensa ko sa aking sarili pero hindi ako galit kay Eya hindi rin ako inis sa kanya dahil sa ginawa niya.

"But, mas matanda ka sa ating apat kaya be patient" Oh di ba I'm a right paborito talaga niya yang linya na iyan.

"Oo na alam ko naman yun hindi na kailangang ipaglantaran" Inis kong sabi sa kanya at napalingon kay Mae-mae (Mary Ann guys, reality yan ang tawag ni Author sa kanya para maikli lang) na naglalakad papunta sa way namin pero ang mapapansin mo sa kanya ay ang mapanginis na ngisi nito sa labi.

"What's the playful smile for?" Tanong ko sa kanya nang tuluyan na itong na sa tapat ko.

"May regla ka ba?" Ang medyo malakas na sabi nito at tumakbo palayo.

Namula ako sa inis at hiya dahil sa sinabi niya. I never imagine kung bakit siya pa ang maknae namin dahil ang layo ng ugali niya sa edad nito. Siya ang worst green minded sa aming apat. Sunod lang ako hehe. Matanda ako sa kanilang apat di ba?

"Langya ka talaga mae-mae!" Siga ko at hahabulin ko sana siya pero pinigilan ako ni Melanie nagtatakang tumingin ako sa kanya.

"Do that later, buhatin mo na yung bag mo" Utos niya sa akin. Sa aming apat kahit ako ang pinakamatanda sa aming apat si Melanie naman ang pinakaugaling matanda sa amin, isip bata daw kasi ako. Pero not all the time naman lalo na kapag usapang waldasan ng pera nagkakaroon kasi ng sisihan kapag napunta sa wala.

Song WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon