9. True Self

2 0 0
                                    


Ha Yoo's POV

Paking tape lang talaga last day na ata ng buhay ko ngayon

Salamat Lord kahit hanggang ngayon na lang buhay ko mamatay naman akong masaya.

Jongina lang talaga bakit ang labo naman ng araw ko ngayon. Kanina kaiyak ngayon naman pakamatay na.

Kaimbyerna na huh. Kapag ako hindi makapagpigil hahalikan ko tong lalaking to. Akala ko ba maliit siya eh bakit ganoon mas matangkad parin siya sa akin unfair. Hindi naman ako nainform na tumangkad na siya.

"Unnies, meet my boyfriend Kwon Soonyoung aka Hoshi of Seventeen" Narinig kong pakilala ni Cezille sa lalaking ngayon ay nakaakbay na sa kanya.

"Hello saengs" Bati sa amin ni Hoshi Hyung. Pero seryoso totoo sila hindi sila bayarang actors na kamukha lang nasobrahan ata ang kapatid ko sa pagiidolize kay Hoshi pero seryoso talaga, totoo sila.

Dahil sinapian ata ako ngayon ng kung anu-anong maligno nilapitan ko si Woozi Hyung at walang pasintabing kinurot ko ang pisngi nito na pagkataba-taba and pinangako ko sa sarili ko na ang una kong gagawin kapag nakita ko na siya ng personal ay ang kuritin ang pisngi nito.

"Aw" Narinig kong daing nito ng sumobra ang kurot ko sa kanya.

"Sorry" Hinging paumanhin ko sa kanya ng marealize kong totoo nga ito.

Nakahiya ka Ferlin ano bang pumasok sa kokote mo at kinurot mo siya.

"Your voice is sounds familiar" He said and in a second his hand is ready to remove my eyes glasses.

"No!" Malakas kong sigaw na ikinagulat niya kaya naman napatingin ako sa mga kasama ko na ganoon rin ang mga itsyura gulat na gulat dahil sa inasal ko.

Then nagpanggap akong inuubo.

"Sorry, I don't want you to get infected by me excused me I have to rest" Excused ko hindi ko na hinintay ang sagot nila derederetsyo na lang ako sa kwartong nakalaan sa akin. Masyadong malaki rin ang bahay na ito para sa tatlong tao kaya parang sa amin lang nila Melanie marami rin silang spare rooms.

Nakakahiya yung ginawa ko bakit ko ba kasi ginawa iyon baliw ka talaga Ferlin baliw baliw.

Sa sobrang inis ko sa sarili ko nagpagulong gulong ako sa kama na hindi ko namalayan na sa end side na pala ako kaya naman ang resulta, hulog.

"Aray!" Hiyaw ko dahil tumama sa side table ng kama yung ulo ko. "Inis!" Inis ko pang sabi at parang bata na naglumpasay sa sahig habang tinatadyak sa hangin ang kamay at paa ko.

"Unnie, what are you doing on the floor?" Narinig ko ang boses ni Cezille kaya naman agad-agad akong napatayo at hinarap siya na akala ko siya lang sila pala at dagdag pa kasama na yung dalawang lalaki na ngayon ay pigil na pigil ang pagtawa.

"Let it out" And in an instant mami malakas na nagtawanan ang mga ito.

"What the hell are you doing on the floor?" Hoshi Hyung blurt out even though he is still laughing.

"None of your business" Saad ko at lumabas na ng kwarto para tumungo sa kusina para uminom ng malamig na tubig, masakit pa ulo ko dahil sa pagkakauntog.

"Woozi Oppa, tell us what did you saw in there we are late" I hear Edlea's voice in the distance.

Then you mean na kanina pa niya ako nakita? Nakita niya yung kabaliwan ko, walang hiya naman ehh juiceko hindi na talaga fair ang life sa akin.

Song WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon